CHAPTER XVIII; Complacent

4 3 0
                                    

-JANDRIK-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-JANDRIK-

I smiled and stared at her Angelic face. I gently stroked her face. I took a few strands of her hair that had fallen off her face, and pinned them behind her ear.

Sakto kasing pagkatapos kong ikwento sa kaniya ang lahat, well, except doon sa arrange marriage ko, ay nakatulog ito.

Kampante na ang nararamdaman ko. Nabunutan na ako ng tinik dahil finally, nasabi ko na rin ang totoo kay Kia.

"If you only knew how much I missed this scene of the two of us". I murmured to myself.

Napangiti ako ng maalala ko ang mga panahong iyon.

-Flashback-

"Akyat tayo sa bubong"? Masayang tanong sa akin ng batang Kia. Tumango ako bilang tugon.

Sandali muna naming ipinarada ang aming mga bisikleta, bago tinahak kung nasaan ang puno naming aakyatan.

Siya ang unang namalakyat sa puno, habang ako naman ay nagpahuli upang maalalayan siya. Ang punong ito kasi ang pwede mong daanan para maka-akyat ka sa bubong namin.

"Bilisan mo. Ang tagal mo naman". Napatingin ako sa batang Kia na ngayon ay nakaupo na sa Sanga. Imbis na kabahan, tila yata basic na basic na sa kaniya ang pamamalakyat sa kung saan-saan. Napailing ako at ipinagpatuloy na lang ang pag-akyat.

Agad na naupo ang batang Kia nang marating namin ang taas ng bubong. Banda sa may bintana ng kwarto ko. Niyakap nito ang kaniyang mga tuhod bago tumingala sa kalangitan.

Pa-indian seat akong naupo sa tabi niya habang nakatukod sa likod ko ang dalawang braso ko. Kagaya ni Kia, tumingala rin ako sa kalangitan. Gabi na, kung kaya't marami na rin ang mga bituin.

"Alam mo, minsan, pangarap kong maging isa sa mga bituin na 'yan". Napatingin ako sa batang Kia nang sabihin niya 'yan. Nakangiti, at nakatingala pa rin itong nakatingin sa taas.

"Bakit"?

"Para mabantayan ko sila Mommy at Daddy kung nasaan sila ngayon. Kung okay lang ba sila. Kung may problema ba sila. At kung iniisip pa rin ba nila ako".

"Kia.." Yayakapin ko na sana siya, pero nakangiting iniling lang nito ang ulo niya. Humiga ito at ginawang unan ang mga braso.

"Ang sadgirl ko na naman". Tumawa muna ito bago muling nagpatuloy. "Alam kong bata pa ako, but I understand them. Sorry. Hindi ko lang kasi talaga maiwasang malungkot dahil lagi silang wala sa tabi ko".

Dahil sa hindi ko alam ang sasabihin, nagpakawala na lang ako ng malalim na hangin, at muling tumingala sa kalangitan.

Ilang minuto rin kaming binalot ng katahimikan.

Love and Lost (On Going - Under Editing)Where stories live. Discover now