CHAPTER XXIX; Misunderstanding

16 28 2
                                    

-KIANDRA-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-KIANDRA-

Nagising ako dahil sa labis na panggiginaw.

Bakit ang lamig naman rito?

Hinila ko ang kumot pataas hanggang leeg ko, pero agad rin akong napabalikwas ng upo nang may maalala.

Si Jicyl? Nasaan si Jicyl?

"Aww"~ Napasapo ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng sobrang pag sakit nito.

Hindi pa ako nalasing ng ganito sa buong buhay ko, pero bakit kagabi, tila yata wasak na wasak ako?

"Ano bang nangyari?... Ah! Ang sakit ng ulo ko"!

"Kia"?

Napatingin ako sa Ralph na iniluwa ng pinto papasok.

Nasaan ba kasi ako?

Ang natatandaan ko lang, nag-iinom kami ni Jicyl, tapos ilang shots, bigla na akong nahilo.

"Hmm. Humigop ka muna ng soup. Pangtanggal hang over".

"Thank you".

Ipinatong ni Ralph ang isang tray sa may hita ko. Kahit masakit ang ulo, kinuha ko ang kutsarang nasa tabi ng isang bowl, at humigop ng sabaw.

"Si Jicyl? Nasaan"?

"Nakauwi na. Hinatid ni Lars kagabi".

"Paano ako napunta rito"?

"Kwarto ito ni Lars. Binuhat kita papunta rito, at si Lars ang naghatid kay Jicyl sa bahay nila".

Bakit naman si Drik ang maghahatid kay Jicyl, habang ako, si Ralph ang nag buhat sa akin? May hindi tama rito...

"Wala akong maalala".

"Really? Dapat mainis ako sa iyo, pero hindi ko magawa, dahil hindi ko naman alam ang nangyari".

Napatigil ako sa pag higop ng soup at napatingin kay Ralph. Seryoso lang itong nakatingin sa akin.

"What do you mean"?

"Ano bang naaalala mo"?

"Nag-iinom lang kami ni Jicyl. Tapos ilang shots ko lang, bigla na akong nahilo. Tapos yung tumabi ka sa akin. Pagkatapos no'n, hindi ko na maalala. Hindi na nga kita nahintay na bumalik".

Love and Lost (On Going - Under Editing)Where stories live. Discover now