CHAPTER XXII; Please help me move on (Ralph)

22 28 1
                                    

-KIANDRA-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-KIANDRA-

"Are you sure you're already okay?" Tanong ni Drik sa akin nang marating namin ang gate ng bahay.

Nginitian ko ito. "Umm! 'Wag ka masyadong mag-alala. Si Kia ako. Duh". Sabay tawa ko.

Napailing na lang siya habang nakangiti, sabay pat niya sa ulo ko.

"What"? Tanong ko nang mapansin na matagal-tagal na siyang nakatitig sa'kin.

"Pinag-alala mo ako ng husto kanina". Sambit niya habang patuloy pa ring hinahagod ang gilid ng ulo ko. I smiled. "Sige na. Pahinga ka na. Good night Milady".

"Good night, handsome". I chuckled.

"Sweet dreams".

"Umm. Ingat ka". Tumango na lang ito at kumaway kaya pumasok na ako sa loob.

"Tagal niyo ha". Bungad sa akin ni Aaron pagkapasok ko sa loob.

"Traffic kasi".

"Sus. Sige, pahinga ka na". Tumango at ngumiti na lang ako. "Good night, Kia".

"Good night, Aaron".

Dumeretso ako sa kwarto ko at pabagsak na nahiga sa kama ko. Wala naman akong masyadong ginawa buong araw, pero pakiramdam ko sobrang pagod ang katawang lupa ko. I heavily sighed as I stared at the ceiling.

Bigla na namang lumandas sa isip ko ang sinabi ni Dan.

-Flashback-

"Pabalik pa lang sana ako ulit ng school no'n, nang may dalawang lalaki akong narinig na nagku-kwentuhan".

Sila rin kaya ang sinugod nila George kanina?

"Wala sana akong balak makinig, pero narinig ko ang pangalan ni Lars". Tumingin ito sa akin ng seryoso. "At ikaw... Kia".

Kinabahan ako. Hindi dahil damay ako, kundi dahil damay ang pangalan ni Drik.

"Narinig kong may balak silang gumanti kay Drik. Sa pamamagitan mo, Kia".

"What do you mean"? Tanong ko.

"Ikaw ang pupuntiryahin nila para makaganti kay Lars". Napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya.

Bakit? Ano bang nagawa ni Drik sa kanila? May hindi ba ako alam? May dapat ba akong malaman?

"Na hospital dati si Lars dahil sa ibang member nila. Nahampas siya sa likod ng ulo. May tumulong sa kaniya noon na babae, pero hindi na namin naabutan".

Nahampas sa likod ng ulo? Babae? Hindi kaya, siya ang tinulungan ko dati?

"Saan siya nabanatan noon"? Seryosong tanong ko.

Love and Lost (On Going - Under Editing)On viuen les histories. Descobreix ara