CHAPTER XVI; Past

31 34 3
                                    

-KIANDRA-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-KIANDRA-

It's been 2 days since Alexa's Birthday. Monday na naman at pasukan na naman. Kasalukuyan kong dinarama ang tubig galing sa shower nang may maalala akong imahe ng dalawang taong hindi kanais-nais.

Sabi ko sa sarili ko, malabo ko siyang magustuhan, pero bakit ako ngayon naiinis dahil tuwing makikita ko sila Alexa at Lars, ay mukha silang inlababong-inlababo sa isa't-isa?

"Abnormal ka na Kia". Napasuntok na lang ako sa pader habang nasa ilalim ako ng shower ko. "Haist! Bwiset"!

May palaman-laman pa ang ugok na hindi niya ako kayang layuan? Ha! Layuan my ass!

Bumaba na rin ako pagkatapos ng paghihimutok ko sa sarili. Pero imbis na mabawasan ang sama ng loob ko, naragdagan pa. Dahil hindi kanais-nais na naman na kaganapan ang nakita ko pagkarating ng kusina.

Magkahawak ng kamay ang pinsan ko at ang bestfriend kong magaling. Or should I say, hawak ang isang kutsara habang nakangiti at nakatitig sila sa isa't-isa. Napataas ang isang kilay ko sa drama nilang dalawa.

Anong drama ng dalawang 'to? Akala ko ba ang hambog na Lars ang bet ng Alexang ito? Octupos 'yarn?

Naningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanila habang naglalakad ako papuntang lababo.

"Anong drama niyong dalawa jan"?

Kumuha ako ng tasa para mag timpla ng kape. Imbis na pansinin ako ng dalawang talipandas, in-snob lang naman nila ang beauty ko.

Ha! Nakakaloka!

Duh! Kutsara lang pupulutin nila, kailangan gano'n ang drama? I just rolled my eyes.

"Alam mo Kia, maghanap ka na nga ng Boyfriend mo para hindi ka nagiging ampalaya kapag nakakakita ka ng gano'ng sweet moments". Saad ni Aaron habang umaayos sila ng tayo ng Alexa.

"Oo nga. Bitter mo eh". Tatawa-tawa namang saad nito Alexa.

Oh edi ako na. Ako na walang jowa ever since. Ano naman? Sakit lang ng ulo at puso ang mga ganiyan.

Nakapamewang akong humarap sa kanila. "Excuse me-" Hindi pa ako tapos magsalita nang biglang umepal ito si Aaron.

"Daraan ka Kia"? At tumawa pa siya ng malakas.

Napa-face palm na lang ako. Inirapan ko na lang siya bago maupo sa harapan ng hapag.

I cleared my throat before continuing. "Hindi sweet moment ang tawag roon, ano. Kadiri theme".

Love and Lost (On Going - Under Editing)Where stories live. Discover now