CHAPTER III; Officially meet

88 47 28
                                    

-KIANDRA-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-KIANDRA-

From: 09********
-

Hello. Kiandra right?

Kinabukasan...

Gising na ako, pero nakadapa pa rin ako sa kama ko. Kakagising ko lang, pero ang taong iyon agad ang una kong naisip.

Kung wrong number lang ito, bakit kilala niya ako?

Hindi ko naman mareplayan, dahil wala akong load. May wifi naman kasi rito sa bahay kaya hindi na ako nag g-gano'n. Isa pa, sayang rin sa pera.

Ako ang tinatawagan, hindi ako ang tinatawagan.

Gold ako eh.

"Kia! Bumangon ka na"!

Napairap ako at padabog na bumangon paupo. Kinuha ko ang phone sa may side table ko at tinignan ang oras.

"Kia"!

"Oo na! Gising na! Aga-aga".

"Bakit kasi nakalock ang pinto". Rinig ko pang bulong niya.

Napakunot ang noo ko. 7am pa lang ha? Problema ng isang ito?

Nakabusangot akong tumayo, at kumuha ng pang bahay na damit sa closet ko, pagkatapos ay dumeretso na akong pumasok sa Cr.

Kasalukuyan na akong nag-aayos ng mukha ko dahil kakatapos ko lang maligo, at nakabath robe pa ako, nang biglang sumigaw si Aaron.

"Kiaaaaaaa! Ano na? Bilisan mo! Kahit kailan ang pagong mong kumilos"!

Napaigtad pa ako at napahawak sa dibdib ko.

Walanghiya!

"Teka! POTAto na iyan"!

Mas excited pa sa ipapa-meet niya.

Kinuha ko ang liptint na nahulog sa lapag nang magulat ako sa talipandas kong pinsan.

Nang tapos na akong mag-ayos at iligpit ang mga ginamit ko, nag bihis na agad ako dahil damang-dama ko na ang kanina pang pag usok ng ilong ni A-aron.

Bakit ba Aaron ang pinangalan sa kaniya? Hindi talaga bagay.

Isang white na sleeveless lang ang isinuot ko na may flower na design sa bawat sulok, sa baba ng tela, para sa top ko. Maong short naman para sa bottom ko. For the accessories, isang color jade lang na necklace na may partner na earings.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na agad ako.

Habang bumababa ako ng hagdan bigla namang nag vibrate yung phone ko. Agad ko itong kinuha at tinignan kung sino yung nag-text.

Baka importante eh.

Agad kong pinindot ang 'view' button.

From: 09*********
- Goodluck Kiandra. See you later.

Love and Lost (On Going - Under Editing)Where stories live. Discover now