CHAPTER XXV; Decision between Friendship and Love (Alexa)

18 28 1
                                    

-ALEXA-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-ALEXA-

Ilang araw na ang lumipas simula ng eksena nila Kia at Ralph sa Bar. Ilang araw na rin ang lumipas simula nung pag-uusap namin ni Ralph at ilang araw na rin ang lumipas, na umiiwas sa akin si Ralph.

Sa amin ni Aaron.

Sa totoo lang, hindi ko na alam ang dapat kong gawin para maayos ko pa ang relasyon naming tatlo magkakaibigan.

Nahihirapan na ako.

"Hindi mo mauubos 'yang pagkain mo kung tititigan mo lang 'yan mag hapon". Natauhan ako ng magsalita si Kia sa harapan ko.

Nandito kami ngayon ni Kia at nung friend niyang Jicyl ang name sa Cafeteria. Nag sabi na kasi ako sa kaniya kahapon pa na, sa kaniya ako sasabay kumain ngayon at naintindihan naman nito nila Ralph at Lars.

Ayoko rin kasi muna makita si Aaron eh. Mas lalo akong nahihirapan.

"A-ah. Sorry". Napabuntong hininga na naman ako. Napansin kong napatingin sa akin si Kia.

"I know nahihirapan ka sa sitwasyon niyong tatlo. Alam kong hindi ka gano'n ka manhid para hindi mo maramdaman ang dahilan kung bakit umiiwas sa iyo si Ralph".

"What do you mean na hindi ako gano'n ka manhid para mapansin ko? Ang alin"?

Ewan ko kung bakit nasabi ko 'yan, the fact na may idea naman talaga ako. Maybe, gusto kong isampal sa akin ni Kia 'yon? Para mawala ang pagka-indenial ko.

"Jusko! Talaga ngang manhid ka"! Napasapo siya sa noo niya. Ako naman nakatingin lang sa kaniya ng inosente. Napabuntong hininga siya. "I don't know if it should come from me, but Ralph loved you since then... Pero indenial pa siya. Lately niya lang narealized ang feelings niya sa iyo, simula nung niligawan ka ni Aaron. Nung hinarana ka ng pinsan ko sa may bar to be exact".

Kaya ba siya nawala ng biglaan ng time na 'yon?

"Kia... Kung ikaw ba ako, sinong pipiliin mo"? Feeling ko kasi mababaliw na ako eh.

"Ako? Hindi mo tatanungin"? Epal naman nung Jicyl.

To be honest, I don't like her for some reason. I don't why. I mentally rolled my eyes.

Bakit ba nandito ang isang ito?

"Go on". I said, as I continued to eat my food.

"Kapag ba pinili mo si Aaron, wala ka nang masasaktan"? Natigil ako sa pagsubo nang itanong ng Jicyl ito.

"Of course meron".

"Who"?

This time, hindi ko na napigilang mapa-irap sa kaniya, habang siya, nasa nilalaro niya lang sa cellphone ang atensyon.

"Isn't obvious? Edi si Ralph".

Naiirita talaga ako sa kaniya.

"Eh kung iiwas ka parehas sa kanila? Tingin mo ba, hindi mo pa rin sila masasaktan"?

Love and Lost (On Going - Under Editing)Where stories live. Discover now