09

80 3 0
                                    

09


"We are here, Julie," someone poke my shoulder. We're on our way to the orphanage na hindi kalayuan sa dagat.


Dalawang kotse ang ginamit para mahatid lahat ng mga pagkain at damit sa lugar. Mahirap din dahil malubak ang daan punta 'buti na lang at tapos na ito lagyan ng sento ang ibang daan.


Tirik pa ang araw na nakatapat sa bintana na kinauupuan ko ngayon. Kasama ko ang mga pinsan sa van at nasa kabila naman ang iba.


"Stop poking me, Pam." I told her before removing my eye mask. I yawn before I open my eyes. "Where are we now?" I ask her while adjusting my eye sight to the light.


"Nandito na tayo patulog tulog ka pa!" Singhal niya sa akin bago bumukas ang pinto ng van at rinig kong isa-isa silang lumabas.


Umirap ako bago kinuha ang mga gamit ko at lumabas para sundan sila. Pagtapak sa lupa ay narinig ko kaagad ang sigawan ng mga bata at ang malakas na sinoy ng hangin na humahampas sa katawan ko.
Nilibot ko ang mata sa lugar napukaw ng mga mata ko ang bumaba sa kaniyang sariling sasakyan na si Odette kasama si Alvin.


Mabilis kong inalis ang mga tingin sa kanila at inabala ang sarili na tingnan ang kapaligiran. Mukhang matibay na malaking kahoy na bahay na dalawa o tatlong palapag.


May magandang hardin sa hindi kalayuan at madamo ang aming nilalakaran. May taong nagwawalis ng mga dahon malapit sa amin. Tahimik ang lugar at sobrang ganda ng lugar para sa mga ganda. May mga pusang natutulog sa sementadong upuan.
Hinawakan ko ang buhok ko ng humangin ulit ng malakas.


"Ah, ilang bata ang narito?" Tanong ko kay Erah na nakatingin din sa paligid.


"Sixteen," maikling sagot niya. Muling umusad ang nilalakaran namin hanggang sa salubungin kami ng tatlong madre sa labas ng pinto ng bahay.


"Magandang hapon sana ay hindi kayo napagod habang nasa biyahe papunta rito." Bati ng isang madre na nasa gitna.


"Nasa loob pa ang mga bata, kakaunti lamang sila kaya hindi kayo mahihirapin makihalobilo." Dagdag ng isa pang madre at ngumiti sa amin.


"Ang bilang ng mga bata ay labing-anim. Ang iba ay na sa edad na lima hanggang trese anyos at ang iba naman ay mga sanggol na iniwan ng mga ina ngunit babalikan din naman."


"Good afternoon po, nilalabas na po ang mga gamit at pagkain para makapagsimula na tayo," sambit ni Alvin at nag mano sa madre.


"Kaawaan ka ng Diyos, anak."


"Magpipinsan ba kayo o magkakaibigan?" Tanong ng isang madre.


"Iilan lang ho kaming magpinsan ang iba ay kaibigan namin, childhood friends po ganun." Sagot ni Erah. Tumango naman si Denise bilang pag-sang ayon.


"Puwede na po ba naming makita ang mga bata?" Tanong ni Pamela na inip na inip na.


"Oo, hali na't sumunod kayo para makita niyo na ang mga bata." Nagsimula kaming maglakad papasok ng bahay.


"Maiwan na muna sila Alvin, Jasper, Merah at Julie para makausap namin." Pagpigil sa amin ng isang madre.


Tumango ako at naglakad papalapit sa kanila.


"Okay." Sabi ni Sienna at lumapit sa amin.


Tumango ang madre at nauna kaming naglakad sa malaking hallway ng unang palapag. Pagpasok sa isang silid pinaupo muna kami sa upuan at inalok na uminom ng juice at tinapay.


The will of the wind (Summer Series #1)Where stories live. Discover now