24

71 2 0
                                    

24


"Group study tayo sq Starbucks?" Tanong ni Livia. Bored na naman yata siya dahil late na naman ang next professor namin.


"Ayoko, mahal ang mga inumin doon at saka nagtitipid ako ngayon." Sagot ni Devi.


"Sus! Nakita ko post mo kahapon, Devina! 'Wag mo akong lokohin!" Sambit ni Livia at tinulak siya ng marahan bago tumawa.


"Basta, ayaw ko."


"Kumain na lang tayo doon sa bagong bukas na restaurant malapit sa kabilang university!" Aya ni Yuven habang wala pa 'yong next prof. namin.


Nahagip nun ang atensyon ko dahil doon nag-aaral si Alvin at Damian.


Nakaupo lang kami sa kanya-kanyang upuan. Nagrereview ako at 'yung iba naman ay nakikipag-usap sa iba pa naming blockmates, at nagke-kuwentuhan gaya ng ginagawa nila Devi at Yuven.


"Sasama ako basta libre mo." Sagot ni Livia habang nakangisi at tinaas baba ang kilay niya.


"Sama na lang din ako," sabi ni Devi habang nakasandal ang pisnge sa kamay at pinaglalaruan ang ballpen na hawak.


"Ikaw, Julie?" tanong ni Devi sa akin.


"Sumama ka na. Ilang months na tayong magkakaibigan pero hindi ka manlang suma-sama sa amin kumain sa labas." Daldal ni Livia, at dahil doon ay natuon na naman ang tingin ng iba sa 'kin.


What? I don't even consider them as my friends. Walang emosyong tinignan ko sila bago binalik ang tingin sa binabasa kong libro. Wala akong gana na lumabas lalo na't marami pa anong aanihin na mga libro.


"I'll try." Tipid na sagot ko.


"Anong 'I'll try?' Sumama ka shunga!" Singhal niya sa akin.


"Go back to your proper seats. We will now start our today's discussion." Our professor suddenly came in while walking to the table in front of the white board while holding her paper works.


***


"Grabe sobrang init, nakakapagod mag lakad sa tirik na araw," reklamo ni Livia habang naglalakad kami sa gilid ng daan.


"Hindi mo sinabing malayo pa pala 'yon dito, edi sana nag kotse na lang tayo!" Singhal ni Devi kay Yuven.


"Ayan na oh! Ang lapit na natin!" Sagot ni Yuven at tumakbo papalapit ng restaurant. Sumunod kami sa kanya habang pagod na pagod na naglakad.


How come may enery pa siyang tumakbo pagkatapos namin mababad sa init ng araw mula sa lakaran. I sigh while holding my books. Nauna na maglakad sa 'kin sina Devi kaya pagod na sumunod ako.


"Anong tinitingin niyo diyan? Pumasok na tayo." Sabi ko nang makitang nakatingin si Yuven sa glass door at sumisilip sa loob na parang tanga.


"Ang dami pa lang estudyanteng tumatambay dito." Manghang sabi ni Livia habang nakasilip din sa loob.


"Pumasok na tayo! Titingin ako ng pogi!" Excited na sabi ni Yuven bago tinulak ang pinto at pumasok silang dalawa ni Livia, sumunod naman ako.


Iginala ko ang tingin sa loob ng restaurant habang naghahanap kami ng upuan. Minimalist place, simple place. The chairs and table were all made out of wood, at maganda ang design ng wallpaper. The place are also perfect for group study or hangout for students.


The will of the wind (Summer Series #1)Where stories live. Discover now