17

56 1 0
                                    

17
TW: ABUSE


"Saan ka na naman ba pupunta Julie ha?" Tanong ni mommy nang makita ang suot ko. Nasa living room siya at nanonood na naman ng Netflix.


"Visiting someone." Sagot ko at tinignan ang suot na damit. Maganda naman ah? Umiling ako at tinapunan ulit siya ng tingin.


"Alright but tomorrow cancel all your schedules. May OB ako at ayaw kong magpasama sa mga tita mo at baka mairita lang ako." Sambit niya at dinuro pa ako gamit ang remote control.


"Alam mo naman 'yang mga tita mo, mga madaldal at alam mong ayaw ko nang mga madaldal lalo na-"


"Alright, is that all? I have to go now." I asked again, trying to be patient.


"Umalis kana! Halatang nagmamadali." Reklamo ni mommy at pinapa-alis na ako, sumenyas pa siya sa kamay niya halatang inis.


Hindi ko na pinansin ang kainitan ng ulo
niya at mabilis na nagtungo sa garahe para kuhanin ang kotse ko. Bago umalis ay tinext ko muna siya para malaman niyang paalis na ako.


Julie Rose: Omw.

Alvin Syrivio: ok see you.


Napakunot ang noo ko. "May meaning ba 'yon?" Tanong ko sa isip. Pinaandar ko na kaagad ang kotse papunta sa bahay nila Alvin para puntahan siya.


Pagpasok sa village nila ay nakita kong nakatayo siya sa harap ng gate nila habang nakatingin sa screen ng phone. Tinaas ko ang bintana para tignan kung siya ba talaga 'yun.


"Ano trip 'yan? Nasa'n kotse mo?" Tanong ko nang makitang hindi naman nakaparada sa labas ng gate ang kotseng gagamitin niya.


"Open the door." Tugon niya. Huh?


"Anong open the door? 'Wag mong sabihin na dito ka sasakay sa kotse ko."


Hindi siya sumagot at hinawakan ang handler ng car door sa back seat. "Pa open ng door Julie, sa kotse mo ako sasakay."


"Anong sakin sasakay, sa kotse mo ka sumakay." Sabi ko.


"Para tipid tayo sa gas." Sabi niya. Hindi na ako nagsalita at inopen nalang ang pintuan sa likod para makapasok na siya. Nakatapat pa naman ang araw sa harap ng gate at nasisinagan siya.


"Hindi ko alam na kuripot ka pala." Bulong ko para hindi niya marinig. Tumingin ako sa salamin sa taas at nagulat nang makitang nakakunot ang noo niya.


"Hindi ako kuripot," tanggi niya pagkatapos isara ang pinto.


I just shrugged and drive again. While on our way nakuha ng mga tingin ko ang
Krispy Kreme drive-thru, then I remember wala pala akong dalang pasalubong para sa
mga bata. Hindi na ako nagdalawang isip at iniliko ang kotse para bumili.

I ordered five box of original glazed, one flavor for no option when choosing and for them not to compete over what is their favorite flavor.


Pagdating sa orphanage agad kaming pinapasok nang kausapin ni Alvin ang isa sa mga nagtatrabaho don. Nang makapark ay mabilis kong pumasok sa bahay para hanapin si Jake.


"Hello Alvin at Julie, may kailangan ba kayo?" Salubong sa'min nang isa sa mga madre.


"Good afternoon po sister Hermosa." Bati ni Alvin. "Bibisitahin lang po ang mga bata, ito po oh donuts pakibigay po sa mga bata para mag meryenda." Sabi ni Alvin 'saka inabot sa madre ang box ng donuts.


The will of the wind (Summer Series #1)Where stories live. Discover now