11

81 3 0
                                    

11


"Ano 'yan Denise? Bakit may camera na nakatutok?" Tanong ni Jasper habang tinatakpan ang mukha gamit ang isang kamay.


Tumawa si Denise bago nagsalita. "Wala, napag-isipin ko lang na mag vlog before new year's eve. For memories na din!" Sagot niya bago iniba ang tutok ng camera, napunta naman 'yon sa 'kin kaya tinakpan ko agad ang mukha ko gamit ang kamay.


"Stop it, Denise."


"Ngiti lang para sa video, sige na!" Pamimilit niya sa 'kin.


Bumuntong hininga ako. "Ayoko." Tipid kong sagot. She pouted before she walked passed behind me.


"Arte-arte. Parang mga others." Tampong sambit nito mula sa likod ko bago kinulit muli si Jasper na samahan siya magrecord.


Malapit na mag 12PM kaya nandito na kaming lahat sa mansyon ni Tita Gabriel. Everything was all set and prepared, everyone was just getting ready for tonight.


Ready na ang mga pagkain at kumpleto na kami, kakarating lang din ng iba pa naming mga kamag-anak mula sa malalayong lugar. Sobrang dami namin kaya ang sikip para sa amin ng mansion.


"I know this was crowded for you but please please 'wag kang mawawala mamaya." Mom whispered in my ear.


I nod as an answer to her so she would leave me alone. Maya-maya ay umalis nga siya gaya ng inaakala ko.


Pumunta na ako sa kwarto ni Damian dahil nandoon na din ang iba. Doon na naman ulit kami magtatago at maghihintay. Pagpasok sa kwarto ay halos siksikan na kami dahil nasa loob din ang iba pa naming pinsan na bata, at ang iba ay hindi ko pa kilala kaya mas lalong umingay dahil sa sigawan at takbuhan nila.


"Dito, Julie!" Tawag sa 'kin ni Jasper. Naglakad naman ako papalapit sa kanila at naupo sa single sofa sa tabi ni Denise.


"Ano 'yon may sarili din tayong reunion? Cousin's gathering ganun?" Tanong ni Ariadna bago humalakhak.


"Baduy mo!" Sabi ni Jasper sa kanya bago ininom ang iced tea sa side table.


"Ang hirap mong patawanin, malungkot siguro buhay mo."


"Oo, simula nung nakilala kita sa mas lalong lumungkot."


"Kapp, sino kaya satin dito 'yung lumalangoy sa canal kapag umuulan na kasama pa ako."


"Kadiri ka, Ariadna. Naalala mo pa 'yon?!" Natatawang tumango naman si Ariadna.


Hinayaan ko lang silang mag-usap at nagkalikot na lang ulit ako sa cellphone para malibang ang sarili. Masyadong maingay sa kwarto, may sari-sarili silang pinag-uusapan at ayaw ko na dumagdag pa sa ingay nila


"Nagchat si Sienna. Doon na daw tayo sa room niya dahil siksikan na masyado dito." Sabi ni Denise na nagpaagaw pansin sa 'kin.


"Let's go," aya ko kaagad sa kanila at tumayo.


"Tara na at baka hindi pa nagpuputukan mabibingi na ako sa ingay ng mga bata dito," reklamo ni Jasper bago tumayo at nilapag ang baso na may tunaw na yelo.


In-off ko na ang phone ko at naunang lumabas ng kwarto, sumunod naman sa akin palabas ang iba. Pagpasok sa kabilang kwarto ay nandoon na si Sienna at Pam.


"Pam, akala ko nasa kusina ka at tumutulong?" Tanong ni Jasper kay Pamela nang mapansing nandito dinsiya. Tiningnan siya nito bago umiling.


Naglakad ako sa malambot na kama at doon naupo para gawin ang ginagawa kanina ngunit napansin ko si Pamela. Takang tinignan ko naman siya, she was spacing out again at mukhang ang lalim ng iniisip niya.


The will of the wind (Summer Series #1)Where stories live. Discover now