PROLOGUE

9.8K 205 83
                                    

TRICIA'S POV:




"Omygad! I hate that girl!" Inis na sigaw ni Lucille habang palakad lakad siya sa harap namin.

"Relax Luci." Sabi ko.

"Relax?! How can i relax?!" Sigaw niya sakin.

"Bakit ka ba nagagalit?" Tanong ni Abigayle.

"Because Zander is only mine!" Sigaw pa ni Luci.

"Pano magiging sayo, e niloko mo." Biglang sabi ni Elvie habang naka-tingin sa kaniyang kuko.

Kahit kailan talaga ay walang preno ang bibig ni Elvie kahit masakit, kahalayan o ano pa ay lagi niyang nasasabi, kapag may ayaw siya sayo sinasabi niya talaga.

"Shut up!" Sigaw ni Luci kay Elvie.

"Kung di mo niloko edi sana kayo pa." Sabi na naman ni Elvie.

"Tama na nga yan." Inis na pagpatigil ko sa kanil, dahil sigurado akong mag-aaway na naman toh.

"Slut." Bulong ni Elvie bago tumayo at naglakad papalayo.

"I hate that girl!" Pagmamaktol ni Luci ng makalayo na si Elvie samin.

"I hate you too!" Balik naman na sigaw ni Elvie, grabe naman ang pandinig nun.

Kung sabagay hindi pa naman kalayuan tsaka malakas din ang boses ni Luci kaya nagkarinigan pa sila.

"Tara na, may klase pa tayo." Aya ko sa kanila at nauna ng naglakad.

Nauna na akong naglakad at saka ko naman naabutan si Elvie at si Steven na nag-uusap kaya dali dali akong lumapit sa kanila at ng makalapit ako ay agad naman akong tinignan ni Steven pero agad ding binalik kay Elvie ang atensiyon niya.

"Talk to you later." Walang emosyon na sabi ni Steven kay Elvie.

"Dapat ang pinapaligo mo mainit na tubig para mainitan ka naman, so cold." Sabi ni Elvie sa Kuya netoh pero di siya pinansin. "Let's go na nga Tricia." Aya sakin ni Elvie.

"Teka lang may ibibigay lang ako." Sabi ko at agad na sinundan si Steven mabuti na lang at naabutan ko siya.

"Stev!" Agad na sigaw ko sa pangalan niya at mabuti na lang huminto siya.

"What?" Malamig ang boses niya.

"Here." Sabi ko sabay abot ng lunch bag sa kaniya, niluto ko yun para sa kaniya.

"Ano yan?" Kunot-noong tanong niya.

"Pagkain." Naka-ngiting sabi ko.

"I don't want that." Sabi niya at nilampasan ako.

"Niluto ko toh para sayo." Sabi ko ng hinabol ko siya at hinarangan ang daraanan niya.

"Kainin mo kung gusto mo." Sabi niya pa.

"But this is for you." Giit ko.

"Tricia leave me alone, pag sinabi kong ayuko ayuko." Madiing sabi niya.

"Sige na tanggapin mo na." Pangungulit ko.

Hindi na siya nagsalita at saka na lang niya kinuba sa kamay ko ang lunch bag at saka walang sabi sabing naglakad palayo, ngumiti naman ako at saka naman ako masayang naglakad papunta sa classroom namin.

Tinanggap niya ang unang bigay ko, bukas ipagluluto ko ulit siya.









FOUR WEEKS have past, at sa four weeks na yun palagi ko ng pinagluluto si Steven at binibigay sa kaniya na agad naman niyang kinukuha sakin.


"Here." Sabi ko sabay abot ng lunch.

Tumango lang siya at saka umalis na.

Kinabukasan...

"Etoh na." Naka-ngiting sabi ko at agad naman niyang kinuha sakin yun at umalis na.


Kinabukasan...

"Adobo yan, Elvie said that's your favorite." Nakangiting sabi ko at tumango naman siya.

Kinuha niya sa kamay ko at saka umalis naman.


Kinabukasan ulit...

"Steven, oh." Sabi ko ng makita ko siya sabay abot ng lunch.

"Di ka ba napapagod?" Malamig na tanong niya.

"Saan?" Tanong ko.

"Akin na." Kinuha naman niya sa kamay ko at naglakad na paalis.






GANIYAN ang eksena namin sa mga nag daang araw, halos lagi ko na binibigay ang pagkain sa kaniya at nasasanay na ako doon pero minsan ay parang nakaka-kutob din ako e.

"Steven.. here." Tawag ko sa kaniya at kinuha naman agad niya sakin ang lunch bag.

"Kinakain mo ba yan?" Tanong ko ng maka-talikod na siya sakin handa ng umalis.

"Yeah." Yung lang ang sabi niya at naglakad na paalis.

At dahil kinukutoban ako ay agad ko siyang sinundan ng palihim hanggang sa nagulat ako ng papunta siya sa likod ng school kung daan doon tinatapon ang mga basura.

"Tsk, trash." Dinig kong sabi niya at saka tinapon ang lunch bag doon.


Parang dinurog ang puso ko sa nakita ko dahil nakita ko pa doon ang mga lunch bag na bigay ko sa kaniya, ang akala ko pa naman kinakain niya yun pero tinatapon niya pala. Dali dali akong umalis ng lugar na yun at pigil ang iyak na pumunta ako sa classroom namin.

Nagsimula ang class namin at lutang lang ako at wala sa sarili hanggang sa dumating ang lunch, kasama ko sila Lucille pero para akong walang kasama dahil sa ginagawa ko. Nakarating kami sa Canteen at saka naupo doon, nag order na si Lucille at Abigayle pero naiwan kami ni Elvie dito sa mesa namin.

"You look dumb." Sabi sakin ni Elvie at inirapan ko lang siya.

Bumalik sila Luci na may dalang pagkain pero wala akong gana kumain, tuwing titingin ako sa pagkain ay parang bumabalik sa isip ko ang pagtapon ni Steven sa pagkain ko.


"Althea." Boses yun ni Kyle alam ko.

"B-bakit?" Althea? Ha.

"Sama ka samin ni Steven dun oh." Dinig kong sabi pa ni Kyle.

"Ayuko." Mukhang nasa likod namin sila.

"Sabi ni Steven samahan mo daw kami kumain." Sabi ni Steven? Bakit sabi ni Steven?

"Ayuko talaga, tsaka dadating naman si Camille." Sagot nitong Althea.

"Edi don na kayo sa table namin, gusto ka talaga makilala ni Steven hehe." Okay enough, ayuko na sa mga nadidinig ko.

Padaskol akong tumayo at saka ako lumabas ng canteen dinig ko ang tawag ni Abigayle sakin pero wala akong pake, nawalan ako ng gana kumain at parang nawalan ako ng gana sa lahat.

Sobra sobrang emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero pinipilit ko lang na wag umiyak kasi alam kong kaya ko yun, tsaka baka may rason naman si Steven kung bakit niya tinatapon. Okay second chance pa, kaya ko pa.

Kung kailangan ko siyang sundan palagi ay gagawin ko, kung kailangan kong magpapansin sa kaniya araw-araw ay gagawin ko, wala akong pake-alam kung ipagtulakan niya ako.
I just want to chase this Steven the heartless guy.



And this is the start i chase the heartless guy.














A/N:

Kunti lang muna siya, happy reading<3

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now