CHAPTER THREE

5.5K 136 130
                                    

TRICIA'S POV:

"Pupunta kayo ngayon sa site ngayon tignan niyo kung may mga sira ba doon or kung may problema, nakausap ko na si Eng. Villega na i-tour kayo dun at saka kayo bumalik dito sa office para ma discuss ang mga nakita niyo." Paliwanag ni Mommy samin.

"Okay." Sabay na sagot namin ni Steven.

"Can i drive tita?" Tanong ni Steven.

"Sure, just tell Justin para mabigay niya sayo ang susi." Sagot naman ni Mommy.

"Thanks tita." Tumango naman si Steven.

"Go na." Sabi ni Mommy.

"Bye mom." Paalam ko.

"Take care of yourself anak, i love you."

"Yes mom, i love you too." Humalik ako sa pisngi niya at tinalikuran na siya.

"Alis na kami Tita." Paalam ni Steven.

"Ingatan mo si Tricia." Dinig ko pang sabi ni Mommy.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Steven dahil nakalabas na ako ng pinto ng office ni Mommy, palapit na ako sa elevator ng maramdam ko si Steven sa katabi ko pero hindi ko siya nilingon. Hinintay namin na magbukas yun kaya at saka kami pumasok at pinindot ang basement dahil nandun ang kotse.

Pagkalabas namin ng elevator ay sinalubong na agad kami ni kuya Justin na driver namin at saka niya binigay ang susi kay Steven at sinabihan ito na sundin lang ang google map para hindi kami maligaw.

Pagkalapit namin sa kotse syempre hindi ko na hinintay na pagbuksan niya pa ako ng pinto dahil alam kong hindi naman niya yun gagawin sakin, kay Althea siguro oo.

Umiling-iling na lang ako para mawala sa sistema ko si Althea. At naalala ko na naman yung mga pinagsasabi sakin ni Zander.

"Gusto mo ba mag drive-thru muna tayo?" Tanong niya at nagulat ako.

"Ikaw bahala." Sagot ko na lang dahil sa pagkabigla.

"Okay." Sagot niya.

Tahimik lang ako sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa Mcdo at nag order siya.

"Althea ano gusto mo—" Natahimik siya, umiling iling lang ako at tumingin sa may bintana. "I'm sorry, i mean Tricia.." mahinang sabi niya.

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti ng pilit. "Hindi pa ako nagugutom." Sagot ko na lang at binalik sa labas ng bintana ang tingin ko.

"O-okay." Sabi niya at nag order na siya.

Matapos namin doon ay dumeretsyo na kami sa site at nag-stay muna kami doon ng ilang minuto dahil kumain muna siya at ako naman ay hinintay siya, at ng matapos siya ay sabay na kaming naglakad papunta sa loob at saka naman kami sinalubong ni Eng. Villega.

"This way sir, ma'm." Sabi niya at pinasuot kami ng hard cap para sa ulo namin, alangan namang para sa binti namin.


At dahil tinatamad akong makinig hinayaan ko na si Steven ang makinig sa lahat ng sinasabi ni Eng. Villega, nakikinig din ako pero kunti lang, nauuna silang maglakad sakin at lahat ng mga trabador doon ay naka-tingin sakin na para bang ang ganda kong pagkain dahil sa mga ngisi nila.

"Witwiw.." may pumito pa sa kanila pero hindi ko pinansin nakasunod lang ako kila Steven.

"Miss? Can i have your number?"

"Are you free miss?"

"Virgin miss?"

Nagulat ako ng huminto si Steven kaya naman napa-hinto din si Eng. Villega.

"You want me to punch you all?" Salubong na salubong ang kilay ni Steven habang naka-tingin sa mga lalaki na nagta-trabaho.

"Sorry sir." Hingi naman nila ng tawad.

"I'm sorry about that mr. Muñez and Ms. Delavin." Hingi ng tawad ni Eng.

"They're eye raping my girl." Madiin na sabi ni Steven.

Tama ba ang narinig ko? My girl? Umaasa na naman ako.

"I'm sorry again." Sabi ni Eng.

"Thank you for the touring but we're done here, Mrs. Delavin will talk to you some other time." Sabi ni Steven at saka ako hinawakan sa braso at saka ako hinila paalis dun.

Hila-hila niya lang ako hanggang sa makarating kami sa kotse namin.

"Wala kana bang hiya sa sarili mo?" Tanong niya na ikina-bigla ko.

"Ano ba pinagsasabi mo?" Tanong ko.

"Binabastos kana dun, pero wala kang ginagawa!" Sigaw niya sakin.

"Anong gusto mong gawin ko? Sampalin sila isa-isa?! Sigawan sila?!" Sigaw ko din sa kaniya.

"Ang sabihin mo gustong gusto mo kapag nababastos ka." Sabi niya kaya naman sinampal ko siya.

"Tanga ka ba? At sinong babae ang gusto mabastos?! Potangina mo pala e! Akala mo ba hindi ako nasasaktan sa mga pinagsasabi mo?! Tahimik lang ako dun kasi nagpapaliwanag sayo si Eng! Tumahimik lang ako kahit nababatos na ako! Kasi ano namang magagawa kapag pinatulan ko sila?! Wala! Wala Steven!" Sunod sunod na dumaloy ang luha ko sa pisngi ko.


Tinulak ko siya ng mahina at saka ako naglakad palayo sa kaniya, akala ko susundan niya ako pero hindi pala. Siguro nga ay hindi ko talaga kayang pantayan si Althea sa puso niya, kunti na lang, kunti lang at mapapagod na din ako. Kunting tiis na lang.

Sa kaka-lakad ko ay hindi ko na alam kung saan ako napadpad hanggang sa naka-kita ako ng bench kung saan naka-harap ito sa isang malaking falls kaya naman umupo ako doon at tinignan ang pag-agos ng tubig pababa sa ilog.

Nandoon lang ako nakaupo hanggang sa abutan ako ng dilim doon, kaya naman pumara ako ng taxi at saka ako nagpahatid sa hotel at ng makarating ako ay agad akong pumasok dahil malamig na sa labas, binati ako ng mga staff at tango lang ang binibigay ko sa kanila at ng makarating ako sa hotel room namin ay kumatok ako dahil wala naman sakin ang card e, nandun kay Steven.

Ilang minuto pa ang lumipas bago yun bumukas at pagkabukas pa lang ng pinto ay amoy alak agad ang naamoy ko sa loob, at nasa harap ko ngayon si Steven na pupungay-pungay ang mga mata halatang naka-inom na ito at lasing.

Pumasok ako at saka iniwan siya dun hinayaan ko siyang siya na ang magsira ng pinto. Pagkapasok ko ay agad na bumungad sakin ang dalawang bote ng alak ang isa ay ubos na samantalang ang isa naman ay kalahati na, alam kong mahina ang tolerance ni Steven sa alak at alam kung lasing na lasing na ito.

"Saan ka galing?" Tanong nito at naramdam ko ang dalawa niyang palad sa bewang ko.

"Diyan lang." Sagot ko at pigil ang mapadaing ng bigla niyang halikan ang balikat ko.

Kahit na may damit ako ay ramdam na ramdam ko ang labi niya na dumampi sa balikat ko at ang kamay naman niya ay humigpit ang kapit sa bewang ko.

"S-steven.. lasing ka." Pagpigil ko sa kaniya.

"Hindi ako lasing." Sagot niya habang ang dalawang kamay ay pinapasok na sa loob ng damit ko.

"B-bitawan mo ako S-steven.." nagkakanda utal utal na ako.


Bigla niya akong pinaharap sa kaniya at saka niya ako sinunggaban ng halik sa mga labi, sa una ay nagda-dalawang isip pa ako pero hindi kalaunan ay tinanggap ko na din ang mga halik niya.


Pagbibigyan ko na muna ang sarili ko, kahit ngayon lang.


















SEPTEMBER_AVERY

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now