CHAPTER 17

7K 136 6
                                    

TRICIA'S POV:

Nagising ako dahil sa malambot na mga kamay na humahaplos sa aking pisngi kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at saka sumalubong sakin ang isang mukha at nararamdaman ko din na mabigat ang sa may tiyan ko kaya naman tinignan ko at napangiti ng makita ang ulo ng anak ko na naka-unan sa aking tiyan habang naka-nganga pa habang mahimbing na natutulog.

"Good morning." Bati ni Steven na naka-dungaw sakin habang naka-higa sa tabi ko at ang kamay ay hinahaplos ang buhok ng anak namin.

"Morning." Sagot ko, naiilang parin. "Nasan tayo?" Tanong ko nang mapansin kong hindi na ito ang kwarto ng kagabi.

"Nasa bahay natin." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"B..bahay natin?" Takang tanong ko at tumango naman siya.

"Matagal ko na tong napagawa, nung graduation dapat ko sasabihin sayo para surprise.." sabi niya at malungkot na ngumiti. "Pero hindi naman kita nakita.. umalis kana pala." Bumaba ang tingin sa anak namin.

"Im sorry.." yung lang ang nasabi ko dahil hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko.

"No.. please don't say sorry." Hinalikan niya ako sa noo. "May kutob na ako kung bakit ka umalis noon, nung araw kasi na pumunta ka sa bahay sinabi sakin ni Elv na pumunta ka nga daw doon tapos nagtaka kami kung bakit umalis ka na agad, tapos nung graduation hindi mo naman ako pinapansin.. kaya naka-kutob ako na siguro ay narinig mo ang usapan namin nila Kyle." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan yun.

"Pero nung panahon na yun hindi ko alam na buntis kana pala.. pero nalaman ko din na may anak tayo." Sabi niya at tinignan ko siya ng may gulat sa mukha kahit na hilam sa luha ang mga mata ko.

"Pano?" Tanong ko at ngumiti siya at hinalikan ulit ako sa noo ko.

"4 years ago, napapansin kong sunod sunod ang pag react mo sa mga pictures ko sa ig.. so i stalk your account then i see Triven selfie." Tumawa pa siya.

Teka picture ni Triven? 4 years ago? Nag post siya sa IG ko? Itong bata talagang toh.

"Hindi mo ba alam?" Tanong niya kaya umiling ako. "Here." Sabi niya.

Kinuha niya sa bed side table ang phone niya at saka iyon binuksan at mas lalo akong naiyak ng makitang picture ko yung nasa lockscreen niya, binuksan niya ang IG at dumeretsyo sa timeline ko at agad na iniscroll pababa at agad na bumungad samin ang selfie ni Triven, hindi naman mahirap hanapin dahil yun ang last na post sa IG ko at wala ng iba.

Napatawa pa ako ng mahina ng makita ang picture ni Triven, naka-pogi sign siya sa may chin niya at saka naka-ngiti ng malawak at halos wala na ang mata niya sa sobrang lawak ng ngiti. May caption pa yun na 'Triven' at halos umapaw iyon ng likes at comments.

"See?" Binasa ko ang mga comments. "When i see it mas napatunayan ko ang kutob ko kung ano ang rason mo kung bakit ka umalis.." sabi niya habang binabasa ko ang mga comments. "Nung una akala ko hindi ako ang ama pero nang mabasa ko ang mga comments na karamihan ay sinasabing kamukha ko daw ay doon ako mas lalong nagkaron ng kutob." Sabi niya pa.

"H-hindi ka ba nagalit o nainis?" Tanong ko at binalik ang phone niya na inilagay naman niya sa bed side table.

"How can i be mad at you?" Tanong niya at hinalikan ang likod ng kamay ko.

"Kasi umalis ako, kasi ipanagkait kita sa anak natin, kung hindi ako umalis ay edi sana nakasama mo siya at hindi kayo nagkahiwalay—"

"Nainis ako oo, kasi dapat nandon ako sa tabi niyo habang lumalaki si Triven.." tinignan niya ang anak namin. "Pero maiisip ko palang ang mga paghihirap mo ay agad iyon napalitan ng pagmamahal.." tinignan niya ako sa mga mata.

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now