CHAPTER SIX

5.4K 134 6
                                    

TRICIA'S POV:

"Hanz! umuwi kana nga isturbo e!" Inis na pantataboy ko kay Hanz.

"Dito muna ako, nakaka-inis sa bahay mag-isa lang ako." Sabi niya at umupo sa sofa.

"At sinong tanga naman kasi ang bibili ng bahay sa village na yun." Patanong na sabi ko.

"Mas malapit kasi sa school, tsaka ayukong kumuha ng condo." Sagot niya at pinatong ang paa sa center table ko at saka binuksan ang tv.

"Nakita ko kahapon si Steven may dalang babae." Sabi niya pa.

"Pake ko naman." Umupo ako sa katabi niya.

"Wei? E ang rupok mong gago ka." Sabi niya pa.

"Hoy! Di ako marupok.." pabulong na sabi ko.

"Sige kunwari naniniwala ako." Sabi niya at tumawa.

"Ulol sumbong kita kay abi e." Ngumisi ako.

"Ang manhid niyang kaibigan mo." Nakangusong sabi niya.

"Parang hindi ka manhid ah." Mahinang sabi ko.

"Ako manhid, di na uy!" Sabi niya.

"Sus, parehas talaga kayong manhid tanga." Tumayo ako at pumunta sa kusina.

"Gusto ko menudo!" Sigaw niya mula sa sala.

"Ulol ka umuwi ka sa inyo!" Balik na sigaw ko.

"Ayuko nga." Dumating siya sa kusina at saka umupo sa table.

"Nang-gugulo ka lang dito e." Nagsimula na akong mag-luto.

"Tutulong na lang ako." Sabi niya pa at kinuha niya sakin ang gulay at hinugasan.

"Ewan ko sayo, susumbong talaga kita kay tita." Sabi ko at hinintay na ibigay niya sakin ang gulay.

"Oh ikaw na mag-hiwa, baka pati daliri ko masama." Umiling iling ako at saka kinuha sa kaniya ang gulay.

"Kunin mo sa freezer ang karne, ibabad mo sa tubig." Utos ko habang inaayos ang kawali.

"Yes ma'am." Sumaludo pa ang gago.

"Bakit patay na patay ka sa Steven na yun?" Biglang tanong niya habang binababad ang karne.

"Patay na patay talaga?"

"Hindi ba? Ilang months kana din habol ng habol dun." Umupo siya sa stool.

"Ginayuma atah ako." Sagot ko at pumeke ng tawa.

Sasagot sana siya ng biglang may nag door-bell sa pinto kaya naman tumingin kami sa may gawi ng kusina at nagka-tinginan.

"May bisita ka?" Tanong niya.

"Wala." Sagot ko sabay iling.

"Ako na magbubukas, pagpatuloy mo na yang paghihiwa mo." Naglakad siya palabas ng kusina at nadinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Oh..!" dinig kong sabi ni Hanz.

"Sino yan!?" Pasigaw na tanong ko habang naghihiwa parin.

"Tricia may bisita ka." Pumasok si Hanz sa kusina.

"Ha? Sino?" Tanong ko ng makalapit siya.

"Nandun sa sala, ako na magpapatuloy niyan." Inagaw niya sakin ang kutsilyo.

"Pag yan madugo na diyan ah." Nag-hugas ako ng kamay at saka pumunta sa kusina.


Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now