CHAPTER SEVEN

5.5K 129 34
                                    

TRICIA'S POV:

"Grabe parang ang dali ng panahon noh?" Tanong ni Abi.

"Kaya nga, pero di ka parin tumatangkad." Sagot naman ni Elvie.

"Maganda naman ako kaya ayos lang." Sagot naman ni Abi.

"Mag bi-birthday na si Zander." Sabi ni Elvie.

"Ga-graduate na din tayo." Sabi naman ni Abi.

"Nakita niyo ba si Luci?" Tanong ni ko.

"Hala nakakapagsalita ka pala?" Kunwaring gulat na tanong ni Elvie.

"Kanina ka pa tahimik." Dugtong naman ni Abi sabay tawa.

"Nakita niyo ba?" Tanong ko ulit.

"Hindi e." Sabay na sagot ng dalawa.

Madalang na lang namin makasama si Lucille ngayon dahil siguro ay nauuto na naman yun ni Samuel.

"Tara na nag bell na." Sabi ni Elvie.

"Last subject ko na toh, makakauwi na din ako sa wakas." Sabi ko.

"May kasunod pa ako pagkatapos nito, kakapagod." Sabi naman ni Abi.

"Nahiya naman ako na may tatlo pa." Sabi naman ni Elvie kaya tumawa kami.

"Akyat na ako dito, bye." Sabi ko at kumaway na sa kanila.

Umakyat na ako sa isang palapag ng may narinig akong nag-uusap kaya naman napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Steven.

"I like you.." parang sinuntok ako ng kakatuhan ng sabihin yun ni Steven. "I like you Althea for real." Parang nadurog ang puso ko.

"P-pero.." boses ni Althea.

"Can i court you?" Ayuko na, sobrang sakit na nangnadidinig ko.

"S-steven kasi.." mukhang nagdadalawang isip pa si Althea. "P-pwede bang ano ahm.. pag-isipan ko muna?"

"Okay i'll wait.." yun ang narinig kong sagot ni Steven.

Agad akong bumalik sa baba ng marinig ko ang yabag niya, at pagkababa ko nagkunwari akong paakyat pa lang. Nang magka-salubong kami ay hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagka-akyat, mukhang tinignan niya ako pero parang hindi, siguro ay guni-guni ko lang yun.

Nang nasa second floor na ako ay nakasalubong ko si Althea pero hindi ko siya pinansin, pagkarating ko sa room namin ay agad na nagsimula ang klase dahil nandun naman ang prof namin mukhang na late pa ako.

ILANG minuto pa lang ako naka-upo ng biglang may sumabog sa kabilang room na sa sobrang lakas ay gumalaw pa ang mga upuan namin, bigla namang nagpanic ang mga classmate ko at saka naman tumunog ang fire bell. Nagtulakan na ang mga classmate ko at dahil nasa huli pa ako hindi ako maka-singit ng maayos.

Malapit na ako sa may labas ng pinto ng may tumulak sakin kaya napaupo ako sa sahig at sa bintana ay nakikita ko na ang apoy na madaling kumakalat, agad akong tumayo ay nakipag-siksikan na dahil gusto ko ng makalabas, hindi pwedeng maka-langhap ako ng usok dahil baka maapektohan ang baga ko.

"Omaygad!"

"Dito kayo! Dito!"

"Dahan dahan!"

"Wag magtulakan!"

"Aray ko!"

"Dahan dahan naman nasa hagdan tayo!"

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now