CHAPTER 14

6K 127 16
                                    

TRICIA'S POV:

["Oo nga nag propose na siya sakin kahapon lang!"] Tili ni Abigayle mula sa kabilang linya.

"Hindi ka mahal niyan." Sagot ko habang nag-aayos ng mga gamit ko.

["Sus! Sabihin mo wala ka lang lovelife."] Tumawa ako sa pang-aasar niya.

"Edi ikaw na ang swerte." Sabi ko na lang.

["May ireto ako sayo."] Ngumiti agad ako.

"Gwapo?" Agad na tanong ko.

["Ahuh! Engineer toh tapos macho, kilala mo nga."] Kumunot ang noo ko.

"Sino?" Nagtataka ako e wala naman akong kilala na Engineer except kay ano.

["Si--- hoy! Panty mo naka--!"]

Biglang namatay ang tawag kaya nagtaka ako at wala sa sariling tignan ang screen ng phone ko, hindi ako pwedeng magkamali boses yun ni.. hyst ewan ko talaga sa dalawang yun mag fiance na pero kung umasta parang mag-tropa.

It's been 4 years since we graduate in college at isa na ako ngayong FA and luckily happy and contented with my life now pero syempre hindi parin mawala sa akin na ma-miss ang mga kaibigan ko at si Ste—sila ano mga kaibigan ko ulit, palagi kasi akong may flight at saka hindi ako nakakapag stay ng matagal sa pilipinas.

Masaya naman ako sa buhay ko ngayon dahil may isang lalaki na nagpapagaan sa loob ko at minamahal ko pa ng tudo, na-aalis niya ang pagod ko sa isang tawag niya lang o kaya ay sa isang 'i miss you' niya lang ay buo na ulit ako.

Ayuko mang mapalayo sa kaniya ng matagal ay hindi pwede dahil kailangan kong magtrabaho para sa makakain naming dalawa kahit pa sabihing binibigyan naman ako ng parents ko ng pera, pero nahihiya din ako kasi malaki na ako at dapat ako na ang gumalaw para sa sarili kong pera.

It's been a years since that night happened.




.
.
.
.
.
.

"Ano bang nangyayari sakin? Palagi na lang akong nagsusuka." Pagkausap ko sa sarili ko habang naka-upo ako sa may sofa ng condo ko at naka-tingala sa kisame.

2weeks na ang nakalipas simula nung may nangyari samin ni Steven, tuwing maiisip ko yun ay namumula talaga ako dahil hindi lang isa at dalawa namin ginawa yun, halos magdamag kami gising dahil sa bagay na yun at 1week na din akong dinadalaw ng pagsusuka ko.

Simula din dun ay hindi ko pa nakakausap si Steven pero okay lang naman kasi nahihiya parin ako tuwing magkalapit o magkatinginan man lang kaming dalawa. Parang dinadala kasi ako ng imahinasyon ko sa gabing yun kapag katabi ko siya or nagkatinginan kami.

LUMIPAS ang araw at hindi na ako napapakali tuwing nagsusuka ako tuwing umaga, may mali talaga sakin pero wala naman akong sakit at sigurado akong malusog ako, at biglang pumasok sa utak ko ang period ko na lampas na sa araw pero hindi pa ako dinadatnan pero baka delayed lang dahil nangyayari naman talaga kapag stress ako or what.

Pero lumipas na naman ang araw at hanggang nag-isang buwan na ay hindi na talaga ako napakali dahil sa mga nangyayari sakin kaya naman agad akong pumunta sa hospital at tsaka ako nagpa-tingin sa doctor.

"So.. kukuhanan kita ng dugo para ma test kung ano ang sakit mo." Sabi ng lalaking doctor kaya tumango ako.

Nang makuhan ako ng dugo ay nag-hintay ako ng resulta na may halong kaba, sana naman ay wala akong sakit na malubha dahil gusto ko pang makasama ang mga magulang ko at saka bata pa ako kailangan ko pang maranasan ang makasal man lang kahit minsan.

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now