CHAPTER EIGHT

5.5K 143 17
                                    




TRICIA'S POV:


"Asan si Steven?" Tanong ko kay Abi na nandito sa bar at tinawagan ako dahil nakita niya daw si Steven na lasing.

"Ayun oh, iuwi mo na teh. Uuwi na din ako e." Sabi niya at tinalukaran na ako.


Lumapit ako kay Steven na naka-upo at kung ano ano na ang pinagsasabi, pinagtitinginan na tuloy siya ng mga tao na nasa bar, kahit na malakas ang music sa bar ay nadidinig ko parin ang sigaw niya.



"I'm rich too, i'm handsome! Potangina naman!" Dinig kong sigaw niya at tinungga ang alak na nasa bote kaya naman lumapit na agad ako.

"Steven.." tawag ko sa kaniya at tinignan naman niya ako. "Tama na yan, iuuwi na kita." Hinawakan ko siya sa braso pero agad niyang hinawi yun.

"Pwede ba Tricia!" Sigaw niya sakin at halatang lasing na siya. "Tigilan mo na ang kakasunod sakin!" Tinungga na naman niya ang alak at inubos niya yun.

Pagka-ubos niya ay tumayo siya at muntik pa siyang matumba at handa na sana ang kamay ko na tulongan siya mabuti na lang at naka-hawak siya sa mesa, kita ko ang pag-iling niya at saka siya dahan-dahan na naglakad palabas ng bar kahit na suray-suray siya. Hanggang sa makarating kami sa parking lot ay naka-sunod lang ako sa kaniya sa likod niya dahil baka mapano pa siya.


Pagkarating namin sa harap ng kotse niya ay hinarap niya ako kaya naman napa-atras ako ng kunti sa pagkabigla.



"Tricia!" Biglang sigaw niya na ikina-gulat ko. "Pwede ba tigilan mo na ang kakasunod sakin! For fuck sake leave me alone!" Sigaw niya sakin.

"I-ihahatid lang kita." Nautal ako dahil sa pagpipigil ng emosyon sa dibdib ko.

"Manhid ka ba hah?!" Galit na tanong niya sakin sabay duro sa may dibdib ko kung saan ang puso ko kaya napa-atras ako ng kunti. "I don't like you! Hindi kita gusto Tricia! Potangina anong hindi mo maintindihan dun?!" Sigaw niya pa kaya napa-yuko ako.

"I k-know.." bulong ko na akala ko hindi niya maririnig.

"Wala ka ba talagang natitirang hiya diyan sa sarili mo? Almost 2 months ka nang naka-sunod sakin! Tigilan mo na ako! Ganiyan kana ba talaga kadesperada?!" Sigaw niya sakin at doon na ako nasaktan kaya naman sinampal ko siya.

"A-almost 2 months akong nasa tabi mo.. pero ano? Puro Althea ang na sa utak mo!" Sigaw ko sa kaniya. "Kala mo ba hindi ako napapagod kaka-habol sayo?" Umiiyak ako na tumawa ng peke, parang sira. "Napapagod din ako Steven! Dahil sa mga panahon na kailangan mo ng karamay ako ang nandun! Pero si Althea parin ang bukang bibig mo, nasasaktan din ako Steven pero kinakaya ko.." napa-hikbi ako. "Kinaya ko kasi mahal kita, mali bang mahalin kita Steven?" Tanong ko at tinignan siya.

"Kasi potangina steven pagod na pagod ako! Pagod na pagod na pagod na ako!" Tinulak ko pa siya ng mahina. "Pagod na ako sa mga walang kwenta mong bentang sakin! Pagod na ako sa tuwing pinagtutulakan mo ako! Pagod na ako sa mga masasakit mong salita! Dapat magalit ako sayo e, pero hindi ko kaya kasi mahal kita!" Iyak ako ng iyak.

"Hindi kita mahal.." mahinang sabi niya.

"Yun na nga e, hindi mo ako mahal.. at alam kong hindi mo ako mamahalin, pero anong magagawa ko?" Tinignan ko siya sa mga mata. "Ikaw ang laman nito e.." dinuro ko ang dibdib ko. "Mahal na mahal kita, pero tangina si Althea ang laman nito!" Dinuro ko ang dibdib niya. "May asawa na yun tao pero tangina ang hirap kalaban e, steven ang hirap kalaban ni Althea diyan sayo.. gusto lang naman kitang mahalin e, pero ang hirap.. ang hirap mong mahalin." Huminga ako ng malalim. "Uwi kana, drive safely." Tinalukaran ko na siya.




Lumapit ako sa kotse ko at saka ko iyon pinausad at nilampasan siya at saka ako umuwi sa condo ko, mabuti na lang at naka-uwi ako ng maayos at walang nangyari. Medyo malabo kasi ang paningin ko dahil sa mga luhang naglalag-lagan mula sa mata ko.


Pagkarating sa condo ko ay agad akong umupo sa sofa at saka ako nag text kay Hanz.


To Hanz-bantot:

Tawagan mo ako kapag nakita mo ang kotse ni Steven sa tapat ng bahay niya.

Sent.


Wala pang isang minuto bago ito nagreply.



From Hanz-bantot:

At ano naman ang pake ko diyan sa steven na yan?

Oh wait.. wala kang load?

Humirap kana ba?


To Hanz-bantot:

Just do it, idiot.


Sent.



Hindi na ako nakatanggap ng reply sa kaniya at ilang minuto pa ang lumipas bago siya tumawag kaya naman agad kong sinagot.



["He's here."] Sabi niya.

"Kakadating lang ba?" Tanong ko.

["Oo, ayun bumaba na siya ng kotse niya.. lasing atah."] Sabi niya pa.

"Bye na." Sabi ko na lang.

["Teka! Chika mo muna."] Sabi niya pa.

"Chismoso ka talaga kahit kailan."

["Ano ba nangyari?"] Di talaga siya papatalo.

"Nagka sagutan lang kami kanina sa bar."

["Anong ginagawa mo sa bar?"]

"Sinundo siya."

["Pano mo nalaman na nandun siya?"]

"Kay Abi--"

["Okay, bye."]



Bigla niyang binaba ang tawag na ikina-kunot ng noo ko, mukhang LQ ang dalawa ngayon ah.


Napabuntong hininga ako, nilalamon na naman ako ng kalungkotan ngayon, pumunta na lang ako sa kwarto ko at saka ako pumasok sa banyo at binabad ang sarili ko sa tub at saka ako nag stay doon ng ilang minuto bago ako umahon at naligo ng maayos at saka ako pumunta sa closet at nag-bihis, pina-tuyo ko muna ang buhok ko at saka ako pumunta sa kusina at nagtimpla ng gatas at saka ako bumalik sa kwarto ko at pumunta sa veranda at naupo doon at tinignan ang kalangitan na dumidilim at walang bituin na sumisilip mukhang uulan ngayon.



"Hindi kita mahal.."

"Hindi kita mahal.."

"Hindi kita mahal.."



Nagpaulit ulit iyon sa utak ko hanggang sa tumulo ang mga luha sa mata ko at kasabay nun ang pagbuhos ng malakas na ulan, mukhang dinadamayan ako ng ulan ngayon dahil pati siya ay lumuluha na din. Sa sobrang lakas ng ulan ay naabot na din ako sa veranda kaya naman ay pumasok na lang ako sa loob ng kwarto ko at saka ko sinara ang glass window at saka ko din sinara ang kurtina.


Nang maubos ko ang gatas ay saka ako na-higa sa kama ko at saka ko pinilit ang sarili ko na matulog kahit na hindi talaga ako dinadalaw ng antok ko, iyak lang ako ng iyak hanggang sa napagod din ako at saka ako naka-tulog.












SEPTEMBER_AVERY

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now