CHAPTER FOUR

5.3K 135 115
                                    







TRICIA'S POV:


I woke up this morning na masakit ang gitnang bahagi ng katawan ko at pati hita ko ay nanginginig, sa tuwing tatayo ako ay bumabagsak ako pabalik sa kama. Huminga ako ng malamim at pinilit parin ang sarili ko na tumayo at kahit na nahihirapan ay dahan dahan parin akong naglakad papunta sa banyo para maligo.

Wala na si Steven sa tabi ko pag-gising ko at sigurado akong gising na siya, pagkarating ko sa banyo ay dumeretsyo ako sa tub para mababad ko ang katawan ko dun, pinuno ko ang tub at saka ako dahan dahan na pumasok dun at naupo at nakahinga naman ako ng maluwag ng makaramdam ng kaayusan sa baba ko.

Umayos ako sa tub at saka ko pinikit ang mga mata ko at hanggang sa maalala ko na naman ang nangyari kagabi na ikinakirot ng puso ko.






"Althea.. shit.." sambit niya bago ko naramdaman ang katas niya sa loob ko.

Nakaramdam ako ng inis at kirot sa puso ko pero isina walang bahala ko na lang yun, ngumiti ako ng mapait ng bumagsak siya sa tabi ko at yinakap ako at saka paulit ulit na sinambit ang pangalan ni Althea.





Kahit kailan ay hindi ko talaga mapapantayan si Althea para sa kaniya dahil kahit na lasing siya ay si Althea parin ang laman ng isip niya at sigurado akong pati ang puso niya.

Bakit hindi niya makitang nandito ako?

Bakit hindi niya maramdaman na ako ang nandito sa kaniya at hindi si Althea?

Tumulo ang ilang butil ng luha sa mga mata ko, binigay ko ang sarili ko sa taong hindi ako mahal, sa taong walang may pake sakin. Pinagpatuloy ko ang pag-ligo ko at ng matapos ako ay umalis na ako ng tub at mabuti na lang hindi na masyado masakit ang nasa gitna ko at kahit papano ay nakaka-lakad na ako ng maayos.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako ng kwarto at dumeretsyo sa kusina at nadatnan ko si Steven na nag-aayos ng mga pagkain, mukhang galing siya sa labas dahil naka-porma siyang damit.


"Gising kana." Sabi niya habang inaayos parin ang mga binili niya.

"Morning." Bati ko at naupo ako sa isa sa mga silya.

"Morning, kain na." Sabi niya pa.

"San ka galing?" Tanong ko habang kinakain ang hotdog.

"Sa hospital, binisita ko si mom and napadaan ako sa isang restaurant so nag order ako." Sabi niya at saka umupo sa kaharap ko at nagsimula na din kumain.

"Kumusta si Tita?" Kumuha ako nung beef steak grilled.

"She's fine now, pero babalik ako site mamaya to take a look again." Sagot niya.

"Okay." tumango tango pa ako sa kaniya.

Nilamon kami ng tahimik hanggang sa binasag niya yun at nagsalita.

"I'm sorry about last night.." sabi niya.

"H-ha?" Nagulat ako.

"I shouldn't do that to you, i mean lasing ako hindi ko alam ang ginagawa ko.. i'm sorry." Mahinang sabi niya.


So ibig niya bang sabihin pinagsisihan niya na may nangyari samin, at kung hindi siya lasing hindi niya gagawin sakin yun?

"I'm sorry for stealing your virginity." Sabi niya pa na ikina-init ng pisngi ko.

"A-ahm.. i-i don't m-mind." Utal utal na sabi ko.

Natahimik na naman kami at saka na namin hinayaan na lukobin kami ng tahimik, tanging tunog ng kutsara at pag-nguya lang namin ang maririnig sa buong kusina.

Pagkatapos namin kumain ay siya na ang naghugas at saka ako naman ay pumunta sa sala para manuod ng tv at mga ilang minuto pa ay nagpaalam na si Steven na aalis na at siya na ang pupunta pabalik sa site at siya na din ang kakausap kay Mommy kung bakit hindi ako nakasama.

Sana lang ay iba ang irason niya kay mommy dahil baka pagalitan ako nun kapag nalaman niya ang nangyari samin ni Steven.




LUMIPAS ang limang oras bago palang umuwi si Steven pagkapasok niya amoy alak na naman siya kaya naman ng mapag-buksan ko siya ng pinto ay muntik pa siyang masubsob sa sahig mabuti na lang at nasalo ko na siya agad, at dahil mabigat siya muntik pa akong masama sa pagka-buwal niya.


"Steven ang bigat mo." Hirap na sambit ko habang tinutulongan siyang tumayo.

"Bango mo.." lasing na sabi niya.

Tinulungan ko siya papunta sa kwarto at saka ko siya binagsak doon, umayos naman siya ng higa at may sinasabi niya na hindi ko marinig, pumunta na lang ako sa banyo para kumuha ng tubig dahil nangangamoy talaga siya.

Hinubad ko ang lahat ng damit niya at iniwan ko lang ang boxer niya at saka ko siya sinimulang punasan at habang pinupunasan siya ay panay ang salita niya na hindi ko naman maintindihan hanggang sa naging malinaw yun sa pandinig ko.


"Althea..." bulong niya at patuloy lang ako sa pag-punas sa kaniya. "A-ang ganda mo... sana ako na lang." Bulong niya pa. "A-ako na lang.." yun ang huling sambit niya hanggang sa nawalan na siya ng malay.

Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at saka ko dahan dahan na hinaplos yun. "Nandito ako, steven... nandito ako mahal.." tumulo ang luha saking mata kaya naman agad ko yung pinunasan at saka ko tinapos ang pagpupunas sa kaniya.


Kinumotan ko siya at saka ako dahan-dahan na pumunta sa closet at saka ako kumuha ng kumot at isang unan, doon na lang ako matutulog sa sofa ayukong tumabi sa taong kahit kailan ay hindi naman nararamdam ang presinsya ko.



Humiga ako sa sofa at saka mabigat ang loob na pinikit ko ang mga mata ko, at nang hindi ako nakaramdam ng antok ay bumangon ako at pumunta sa kusina at nag timpla ng gatas baka sakaling maka-tulog ako, pumunta ako sa veranda ng nasa sala at saka ako doon umupo at tinanaw ang magandang tanawin.


"Malayo kana samin pero ikaw parin ang bukang bibig niya." Nngumiti ako ng pilit sa kalangitan.

"Kung hihiling ako tutuparin niyo ba yun?" Wala sa sariling tanong ko sa buwan at saka ako bumuntong hininga.

Wala akong laban kay Althea kahit na sabihin pang parehas kaming maganda at kung payamanan lang naman ay hindi ako magpapatalo, pero ano ang saysay nun kung siya ang mahal ng taong mahal ko.

Matagal tagal na din pala yung pagpapansin ko sa kaniya, at kahit kailan walang saysay yun. Ako ang kasama niya ngayon pero ang bibig niya ay palaging Althea.

Gusto ko lang naman siya mahalin, pero bakit ang hirap niya mahalin? Bakit ang sakit niya mahalin.



Naubos ko ang gatas sa baso kaya naman naisipan ko ng matulog dahil gusto ko ng sumama sa kaniya at makatulong naman sa companiya or kung saan naman ang maitutulong ko.




"Tricia... tricia gising.." may yumogyog sa balikat ko kaya naman iminulat ko na ang mga mata ko at bumungad sakin ni Steven na naka boxer lang.

"Bat wala kang damit?" Agad akong umupo sa sofa.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo.. bakit wala akong damit?" Tanong niya.

"Ah, lasing ka kasi kagabi at ang baho mo kaya naman pinunasan kita, sorry." Yumuko ako at bumuntong hininga naman siya.

"Bakit diyan ka natutulog?" Tanong niya pa.

"Kasi nasa kwarto kana, tsaka lasing ka naman." Sagot ko.

"Maliligo lang ako.." paalam niya.




Kahit naka-talikod na siya ay tumango parin ako, inayos ko ang tinulogan ko at saka ako pumunta sa kusina para magluto ng kakainin namin.















SEPTEMBER_AVERY

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now