EPILOGUE

6.6K 159 25
                                    





EPILOGUE



"Steria!" Sigaw ni Steven sa dalawang taong gulang na anak na babae nito.

"Stacia!" Sigaw naman nang panganay na anak na si Triven sa kambal ni Steria.

"Kunin niyo na sila, ang likot likot na." Utos ni Tricia habang naghahanda nang kakainin nila.


"Mommy ganito po ba ako kalikot nung baby pa?" Tanong ni Triven habang hawak sa kamay ang kapatid na si Stacia.


"Yes kuya, mas malala ka pa diyan." Tumawa si Tricia at kinuha si Stacia dito at ngumuso naman ang panganay.


"But daddy said i'm good boy." Ngumuso si Triven sa ina.


"Yeah my son is good boy, bulol nga lang." Biglang dating nang asawa ni Tricia na si Steven habang buhat buhat ang anak nila na si Steria.

"Dad!" Pagmamaktol ng panganay.

"Totoo naman." Sang-ayon ni Tricia at tumawa sila nang asawa.

"Dati yun!" Nakasimangot na sabi ni Triven.

"Oh ikaw na ang magpakain jay Stacia." Sabi ni Steven sa anak na lalaki.

"Okay.." natutuwang sagot ni Triven.


Gustong gusto ni Triven na siya ang magpakain sa mga kapatid nito dahil natutuwa siya sa tuwing ngumunguya ito at ang mga kumakalat sa bibig ang mga pagkain dito.

"Tita Tricia!" Pinuno nang matinis na boses ang buong kusina nila Tricia nang bagong dating na si Anatasha.

"Ana your voice." Saway nang ama ni Anatasha na si Zander na kakapasok lang din sa kusina.

"Hi twins!" Bati pa ni Anatasha sa kambal at hindi pinansin ang saway nang ama nito.

"Anatasha your voice, wala tayo sa bahay." Saway ni Zeth na nakakatandang kapatid ni Anatasha.

"Kuya naman.." lumabi si Anatasha.

"Hi Ana, Zeth, tito Zander." Bati ni Triven sa mga bagong dating.

"Bakit nandito kayo?" Tanong ni Steven sa kaibigan na si Zander na naupo na sa tabi niyang silya habang buhat ang bunso nito.

"Makikikain." Sagot ni Zander sa kaibigan.

"Bakit ba kasi naging kapitbahay pa kita." Sabi ni Steven.

"Ulol kapitbahay din natin ang iba pero sakin ka lang nagreklamo." Sabi ni Zander habang sinusubuan na nang hatdog ang anak nitong bunso.

"Dahil ikaw lang naman ang palaging nakikikain dito samin." Ngumuso si Steven na parang bata.

"Na late kami nang gising ni Althea e." Nagkamot batok si Zander.

"Hindi mo naman kasi ako ginising." Sabat ni Althea na bagong dating sa kusina. "Hi Twins." Bati nito sa kambal at hinalikan sa pisngi.

"Goodmorning." Bati ni Tricia kay Althea na umupo sa tabi niya.

"Goodmorning, makikikain muna kami ah.. yan kasi oh." Tinuro ni Althea ang asawa na katabi ni Steven.

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now