CHAPTER 20

5.7K 138 21
                                    

STEVEN'S POV:



"Tapos na ang graduation, asan na si Tricia?" Tanong ni Elvie.

"Magpapapicture tayong tatlo." Sabi naman ni Abigayle habang may tinatawagan sa phone. "Di sumasagot." Imporma niya.

"Baka naman kasama nila Hanz." Sabi naman ni Tyron.

"I call her." Sabat ko kahit pa alam kong hindi niya sasagutin parehas ng mga nakaraang araw.

"Ayon si Hanz oh!" Turo ni Kyle.

"Kuya Hanz!" Tawag ni Elvie.

Lumingon sa gawi namin si Hanz at saka nagpaalam sa asawa nito at naglakad palapit samin.

"Ano meron?" Tanong niya samin.

"Did you know where Tricia is?" Tanong ko.

"Kanina pa siya umalis, mala-late daw siya sa flight niya kaya nagmamadali.." kumunot ang mga noo namin. "Wait.. hindi niyo alam!?" Gulat na tanong niya.

"Saang airport?" I asked.

"Sa NAIA." Sagot niya.

"Anong gagawin mo kuya?" Elvie asked.

"I'll go, to get here." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at umalis na ako.

Narinig ko pa ang pagtawag nila sakin pero wala na akong pinakinggan pa, dere-deretsyo akong pumunta sa parking lot kahit pa naka-toga ako, mabilis kong nilisan ang school at para akong nakikipagkarera papunta sa airport, hanggang sa makarating sa airport. Agad akong nagparking at tumakbo papasok ng airport at nilibot ang paningin ko sa buong paligid nagbabakasakaling nandito pa siya.

"Don't leave me.." nawawalan na ako gana dahil hindi ko siya makita.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at saka siya tinawagan pero walang sumasagot. Nakita ko sa may bandang labas ng salamin ang isang eroplano na paalis na kaya agad akong lumapit doon at saka papasok sana doon sa loob pero pinigilan ako ng guard.

"I have to go there! Let me in!" Inis na sabi ko.

"Sir sorry po, pero bawal talaga." Sagot ng babaeng guard.

"Kailangan kong pumasok doon dahil nandun ang babaeng mahal ko!" Inis akong napahilamos saking mukha.

"Sir bawal po talaga." Sabi nang lalaking guard.

Lumingon ako sa labas ng malapad na salamin at nakita ko ang eroplano na paalis na at sa isang bintana ay nasilayan ko ang taong natutunan ko ng mahalin.

"Tricia!... Tricia!" Hindi niya ako maririnig alam ko.

Pero nagbabasakali ako na sana ay lumingon siya sa gawi ko kahit isang beses na lang, pero hanggang sa makalipad ang eroplano ay hindi siya sumulyap sa gawi ko.

"Kung kelan natutunan na kitang mahalin.. doon ka naman umalis." Hindi ko namalayan na may luhang tumakas na pala sa mga mata ko.

Nanlulumo akong lumabas ng airport at saka ako pumasok sa kotse ko at doon nagsisigaw para malabas lahat ng inis at sakit na nararamdaman ko ngayon. Wala akong maisip na dahilan para umalis siya at iwan ako.

.
.
.
.
.

"KUYA tigilan mo na nga yang kaka-alak mo." Saway ni Elvie.

"Tsk." Tinungga ko ang alak na nasa bote mismo.

"Kuya ilang taon na ang lumipas, ayosin mo naman ang sarili mo." Sabi niya habang himas-himas ang malaking tiyan nito.

"Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa siya umuuwi." Pinaikot ikot ko ang bote at saka tinungga.

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now