CHAPTER 15

6K 142 13
                                    

TRICIA'S POV:

"Salamat naman at nandito na tayo sa pilipinas." Sabi ni Tessa kasama ko sa trabaho.

"Buti pa toh si Tricia magbabakasyon." Kunwaring tampo na sabi ni Gerald.

"Sus e magbo-bonding yan kasama ng baby boy." Ngiting-ngiti na sabi naman ni Tessa.

"Nasan pala sila?" Tanong ni Gerald.

"Nasa labas na daw sila ng airport, naghihintay sakin." Sagot ko habang naglalakad na palabas ng airport.

"Ikamusta mo ako kay baby boy ah." Sabi ni Tessa kaya tumango ako.

"Ako din, paki sabi parehas kaming gwapo." Tumawa kami ni Tessa dahil sa pagbibiro niya.

Nagpaalam ako sa kanila na mauuna na ako dahil may sundo ako at saka naman ako lumabas ng airport sabay hila-hila ang maliit kong maleta para na dinadala ko talaga tuwing may flight ako. Buti na lang talaga at pinayagan ako mag leave ng manager namin kaya makakasama ko ng matagal ang anak ko.

"Mommy!" Matinis na sigaw ni Triven.

Agad akong lumingon sa gawi niya at nakita ko siyang tumatakbo palapit sakin habang umaalog ang matabang pisngi nito, tatawa-tawa namang naka-sunod sa kaniya sila Mommy at saka ko naman sinalubong ng yakap si Triven.

"Mommy! You hewe!" Yumakap siya sakin.

"Yes baby i'm here." Natatawang sabi ko bago siya humiwalay sakin.

"Anak." Tawag sakin ni Mommy.

"Aha." Sambit ko ng buhatin ko si Triven at lumapit kami kila Mommy. "Thank you po sa pagbantay kay Triven." Humalik ako sa pisngi nila ni Dad.

"Ayos lang anak, hindi naman makulit yang apo namin." Ngumiti si Dad.

"Sa condo na lang po kami magpapahatid." Ngumiti ako.

"Oh sige, sakay na." Sabi ni Mommy.

Sumakay kami sa kotse na dala nila at nasa backseat kami ni Triven at habang nasa byahe kami ay panay ang kwento niya sa mga ginawa nila dito kahapon pagkadating nila.

"Nag punta po kami sa pawk!" Itong anak ko talaga bulol.

"Anong ginawa niyo sa park?" Tanong ko.

"We pwayed po! Tapos, nag swing po kami tapos naghabulan po kami ni Wowo!" Tuwa-tuwang kwento ni Triven.

"Sumakit nga ang katawan ko." Sabi naman ni Dad.

"Matanda kana kasi." Tumawa si Mommy.

"Matanda na tayo." Pagtatama ni Dad.

Nagkwentohan pa kami bago kami nakarating sa condo ko at saka naman kami sinamahan nila Dad at umuwi din ng mag-gagabi na dahil bukas ang balik nila pa America dahil sinamahan lang talaga nila si Triven na umuwi dito sa pilipinas.

"Mommy.." tawag ni Triven.

"Yes baby?" Tanong ko habang binibihisan siya.

"May nakita po kasi ako na mini stowe mommy." Bulol na sabi niya.

"And?" Tanong ko habang inaayos na ang pajama niya na kulay blue.

"Can we buy an ice cream po?" Tanong niya habang ngumigiti ng malaki, ginagamit na naman niya ang kahinaan ko sa kaniya.

"Okay, tara." Tumalon talon siya ng pumayag ako.

"Yehey! Yehey!"

Hinila-hila niya pa ako palabas ng pinto at saka naman tatawa-tawang nagpahila na lang sa kaniya at saka ko sinirado ang pinto at saka kami sumakay ng elevator at panay naman ang kwento niya ng kung ano-ano pa habang pababa kami, at ng makababa na kami ay naglakad lang kami palabas ng hotel at nilakad ang papuntang mini store na nasa hindi kalayuan lang.

Chasing The Heartless Guy Series #2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora