CHAPTER FIVE

5.3K 133 4
                                    





TRICIA'S POV:

It's been a week na nandito kami sa america at plano na naming umuwi bukas ng umaga dahil naging maayos na ang lagay ni Tita Stacey pero hindi pa ito pinapalabas ng doctor sa mga nag daang araw ako ang nagbabantay kay tita Stacey, i mean papalit palit kami tito Ellie sa pagbabantay.

Kapag umaaga kay aalis si Tito at ako ang papalit hanggang 6:30pm at babalik si tito sa ganiyang oras at ako naman ang uuwi at mga 7am ng umaga ay saka naman ako pupunta para palitan si Tito.

"Tricia.. kumusta naman kayo ng anak ko?" Tanong ni Tita habang inaayos ko ang pagkain niya.

"Ayos naman po kami." Binitbit ko ang pagkain niya at saka ko binigay sa kaniya.

"Thank you.." tumango ako at umupo sa tabi ng kama niya. "I really like you for my son." Naka-ngiti pa si Tita.

"Mainit Tita." Sabi ko ng hindi man lang niya inihipan ang pagkain.

"Malamig naman ang aircon." Nakangiting sagot niya kaya tumango na lang ako. "So kayo na ba ng anak ko?" Tanong niya.

"Tita.. ahm.. hindi po ako ang klaseng babaeng gusto ni Steven." Sagot ko at tumawa ng kunwari.

"Anong hindi? Magugustohan ka nun." Hinawakan ako ni Tita sa pisngi.

"Okay lang naman po kung hindi niya ako magustohan, kung san po siya masaya okay na sakin." Ngumiti ako kay tita saka naman niya hinaplos ang pisngi ko.

"You really care about Steven." Sabi ni Tita. "Kaya gustong gusto kita." Dagdag pa ni Tita.


Ngumiti na lang ako ng pilit at saka naman siya nagpatuloy sa pagkain at hanggang sa dumating na ang gabi at saka naman dumating si Tito kaya naman nagpa-alam na ako sa kanila na uuwi na, at pagkarating sa parking lot ay andun na si Justin na naghihintay sakin kaya naman agad akong nagpahatid sa kaniya sa hotel.

Tahimik ako sa buong byahe at hanggang sa makarating ako sa hotel nag door-bell ako at ilang minuto pa ang lumipas bago yun bumukas at nagulat ako ng babae ang nagbukas ng pinto, akala ko ay nagkamali ako ng napuntahan na room pero ng makita ko ang number ay doon ako nakaramdam ng inis.

"Who are you?" Tanong sakin ng babae.

"Wala kang pake." Binunggo ko siya at saka ako pumasok sa loob at agad naman niya akong sinundan.

"Hey! Who are you?" Sunod niya sakin at saka ako hinawakan sa braso.

"Let go of me!" Inis na sigaw ko sa kaniya.

"Who are you?! And why are entering this room?!" Tanong niya.

"Hey! Xea, let go." Agad na lumapit samin si Steven na lumabas galing kwarto at bagong paligo.

"Who's this girl?" Tanong pa nitong Xea.

"My friend." Sagot ni Steven.

Tinabig ko ang kamay ni Steven na nakahawak sa braso ko na ikinatingin niya sakin. "friends hahaha." Tumawa ako ng peke at saka ako pumasok sa kwarto.

"Why is she entering your room?!" Dinig kong sigaw ng babae.

"Stop being like this Xea, your just a client for fuck sake." Dinig kong sagot ni Steven.

"But i told you! I want to be with you!" Sigaw ng babae.

Umiling iling na lang ako at saka ako pumasok sa banyo para maligo na at matapos maligo ay saka ko inayos ang mga gamit ko sa maleta ko, mabuti naman at wala na akong naririnig na nagsisigawan sa labas. Matapos kong mag-ayos ay saka ko tinawagan si Mommy.

"Can i go home now?" Tanong ko ng sagotin niya ang tawag.

["Right now?"] Tanong ni Mommy.

"Yes right now."

["Okay, tatawagan ko lang si Justin para mahatid ka sa airport."] Sagot ni Mom.

"Thanks mom."

["But what about steven? Di pa ba siya sasabay sayo?"]

"Mom malaki na siya, kaya niya na ang sarili niya." Sabi ko at pinatay na ang tawag.



Lumabas na ako ng kwarto habang hila-hila ang maleta ko at nasa balikat ko naman ang bag ko, napatingin ako sa sofa at nagulat ako ng nandun na din si Steven katabi ng bag maleta nito at may ka-text atah dahil nagpipindot siya dun.

"Lets go, ready na ang sasakyan." Sabi niya at tumayo.

"Wait what? Sasama kana pauwi?" Gulat na tanong ko.

"Yes, bakit pa ako magpapaiwan dito?" Tanong niya.



Hindi na ako sumagot at saka naman ako lumabas na ng hotel at saka naman siya sumunod, pagkarating sa desk ay binigay na ni Steven ang susi at saka kinausap pa siya saglit doon at saka na siya lumapit sakin. Sabay kaming lumabas ng hotel at saka naman kami sinalubong ni Justin at tinulongan kami sa bagahe namin at saka naman kami sumakay at tinahak na ang airport.

Tahimik ako buong byahe hanggang sa makarating kami sa airport, malamig na sa labas dahil gabi na at ng makarating kami sa airport ay agad akong pumasok sa eroplano dahil sa lamig ng simoy ng hangin, pagka upo ko sa upuan ay agad akong nag-buntong hininga at saka ko na ipinikit ang mga mata ko dahil inaantok na ako.

Pagkalapag ng eroplano sa pilipinas ay agad akong bumaba dala-dala ang maleta ko, ngumiti pa ako na akala mo naman ilang taon ang itinagal ko sa america. Kinuha ni Manong Karlo ang bagahe ko at saka niya ako binati at saka niya kami pinasakay ni Steven sa van.

Una akong hinatid ni Manong Karlo dahil ang may malapit na dereksiyon agad akong bumaba ng van at saka kumaway kay manong Karlo at saka na ako pumasok sa loob.


Sa wakas makakapag-pahinga na ako.


Pagkapasok ko sa condo ko ay saka naman tumunog ang phone ko kaya naman sinagot ko yun kahit na di tinitignan ang caller.



"Who's this?" Tanong ko.

["Di ba naka-save number ko sayo?"] Boses ni Abi.

"Sorry abi, hindi ko lang natignan ang caller.. so what now?" Umupo ako sa sofa.

["Lucille is crazy Cia, nakita ko siya kahapon kasama si Samuel."] Pagkwento niya.

"What? Kala ko ba nilayuan niya na yun?" Tinanggal ko ang coat ko dahil maliligo ako.

["I don't know, may pinaguusapan sila kahapon pero hindi ko narinig."]

"Hayaan mo na siya." Pumasok ako sa kwarto.

["Dapat talaga humiwalay na tayo sa kaniya, umiiba na talaga kilos niya."]

"We should, lalo na at nakakasama na pala niya ulit si Samuel."

["Hindi siya makakabuti kay Luci."]

"Yeah yeah, now can i hang up?"

["Oh i heard kakauwi niyo na lang, oh well alam kong may jetlag ka pa rest well honey."]

"Thank you, bye."

["Bye i love you."]

"I love you too, abi."



Pinatay niya na ang tawag kaya naman pumasok na ako sa banyo at saka ako nagbabad sa tub dahil sa sobrang pananakit ng katawab ko dahil sa kakaupo doon sa eroplano.














SEPTEMBER_AVERY

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now