PROLOGUE

991 21 1
                                    

PROLOGUE

"Maraming salamat sa tulong mo, Darvyn." tuwang tuwang saad nang Ginang rito, nginitian na lamang siya nang dalagang tinawag niyang, Darvyn

"Sinabi ko naman ho sainyo kung kailangan niyo ho nang tulong ay mag sabi lamang kayo."magalang nitong turan sa Ginang

"Nakakahiya na kasi lagi mo na lang kaming tinutulungan napapasama tuloy ang tingin sayo nang iba." iiling iling na turan nito sa dalaga

"Wala ho akong pakialam sa tingin ng iba kahit ano pa man ho ang mahalaga sa akin ay nakakatulong ako." wika nito

"Napaka bait mong bata ka." ngiting ngiting saad nang Ginang rito,kinunutan ito nang Dalaga at halata sa mukha nito ang pag tutol

"Ako ho Bata?Dalaga na Ako noh saka ako mabait?Wala hong mabait na nanakit nang ibang tao."

"Kung yan ang gusto mong paniwalaan Hala sige Hindi kana mabait ngunit para sa aming tinutulungan mo ay Isa kang mabuting tao at ikaw ang bayani naming mga walang laban sa mga mas nakaka angat sa amin."natatawang saad nang Ginang rito

"Ewan ko ho sa inyo, Kailangan ko na hong umalis mag iikot ikot ho ako sa buong bayan."magalang na paalam nito saka umalis Hindi manlang Hinayaan ang Ginang na mag paalam sa kanya pabalik..

Si,Yvkiasha Darvyn ang tinaguriang bayani nang mga mahihina at Hindi marunong ipag laban ang mga karapatan..

Ang tingin nang iba rito ay isa siyang malaking kahihiyan sa kanyang pamilya lalo na't halos araw araw itong nasasangkot sa gulo..

Ang Mala anghel nitong wangis at may ginintuhang puso sa mga nangangailangan.. Handang tumulong nang walang kapalit at kahit pa isang basagulera ang tawag sakanya nang ilan...

Nakangiting pinag mamasdan ni Darvyn ang mga taong dumadaan kung saan natatanaw niya mula sa kinakaupuan niyang may kataasang sangan nang Puno..

Sa Hindi maintindihang dahilan mahilig ito sa matataas na Lugar dahil pakiramdam nito ay mas nararamdaman nito ang simoy nang hangin at natutuwa itong pinapanood ang mga taong dumadaan...

Napa kunot ang noo nitong nang may nadinig itong ingay sa kung saan,pinilit nitong pinakinggan ang ingay na naririnig..

'Tulungan niyo Ako parang awa niyo na'

'Wag kang maingay walang makakarinig sayo'

'Parang awa niyo na'

'Tulungan niyo ako'

'Tumahimik ka dahil walang makakarinig sayo walang tutulong'

Agad itong napatayo sa sangang kinauupuan nang maging malinaw sa pandinig nito ang ingay na naririnig niya kanina, walang kahirap hirap itong naka baba sa punong tinambayan nito

Mabilis itong nakarating sa tagong lugar kung nasaan nito nadinig ang tinig na humihingi nang tulong

"Ibigay mo na sa akin lahat nang hawak mo!" utos nang lalaki rito habang may nakatutok na patalim sa leeg nang babaeng sa tingin nito ay gusto nilang nakawan

"H-hindi pwede k-kailangan ko ang m-mga toh."pag tanggi nito kahit na nararamdaman na ito nang labis na takot

"Ibi-"

"Hoy!"tawag pansin niya sa mga toh ,sabay sabay na napalingon ang tatlong lalaki, napalingon rin ang babaeng nanakawan sana nang mga toh

"Darvyn,Ikaw na namam?!"may inis na pag rereklamo nang mga toh nang makilala ang bagong dating na umabala sa ginagawa nila

"Oo ako na naman,at ikaw na naman." may sarkasmong saad nito "Wala ba kayong balak itigil yang masama niyong gawain?" maangas na tanong niya sa mga toh

" Eh ikaw kailan mo balak itigil ang pagiging paki elemera mo?"pabalik tanong nito sa kanya

" Kailan nga ba?"tanong nito " Siguro pag tumigil na kayo sa masamang gawain niyo o di kaya ay patay na ako."naka ngising turan niya sa mga...

" Tanggapin niyo na kasing wala kayong laban sa akin kahit pa na babae ako at madami kayo."pang uuyam nito sa mga toh

Nagtagis ang mga bagang nila, umiigtig ang panga tanda na nag pipigil ang mga ito nang galit sakanya..

Hindi nila ito maaring galawin sa pagkat alam nila kung gaano ito kabihasa pag dating sa labanan..

Napailing iling na lamang ito habang pinag mamasdan ang palayong bulto nang mga lalaking nag takang mag nakaw sa babaeng nasa kanyang harapan na ngayon ay hilam ang luhang titig na titig sa kanya

"Bakit ganyan ka maka tingin?" kunot noong tanong nito

"W-wala maraming salamat sa pag tulong." pasasalamat nang babae sakanya

"Magiging maayos ka lang ba kung iiwan na kita?"

"Oo."agad na tugon nang babae rito tumango tango na lamang ito saka basta na lang umalis nang Hindi nag papaalam...

Nag mamadali itong umuwi sakanila dahil nakalimutan niyang may usapan nga pala sila nang magulang nito..

Habol ang hininga nito nang makarating siya sa kanilang tahanan malawak na lupain ang kinakatayuan nang bahay nang mga toh, napapalibutan nang ibat ibang halaman..

"Pa,Ma magandang hapon." naka ngiting bati nito sa magulang nang madatnang niya ang mga itong nag hihintay sakanya sa hapag kainan

"Maupo kana,Yvkiasha kanina pa nag hihintay ang mga pag kain sa pag dating mo." pormal na turan nang ina nito sakanya,

"Salamat,Ma."nakangiting pasalamat nito saka umupo sa upuang nahanda para sakanya

"Ano nga pala ang gusto niyong sabihin sa akin?"tanong nito nang Hindi ito makatiis sa katahimikan

"Tungkol sa magiging bagong Academia mo."pormal na turan nang, Ama niya rito

"Bagong Academia? Ililipat niyo ako nang Hindi niyo manlang tinanong kung gusto ko?"Hindi makapaniwalang napatitig ito sa Ama niya,nawalan na ito nang ganang kumain...

"Hindi na namin maatim ang pagiging suwail mo sa Mystical Regal Academy tuturuan ka roon nang mabuti at nag babakasakali kami kung duon ka namin pag aaralin ay tumino kana at wag nang maging sakit nang ulo sa amin." pormal na paliwanag nang Ama nito sakanya,sarkastikong tumawa ito

"Kung ganun mas pinapaniwalaan mo pa ang sinasabi nang iba kaysa sa sinabi ko." mapait nitong turan sa,Ama saka marahang tumayo dahil rito ay nag likha nang ingay ang kinakaupuan nito

"Intindihin mo sana kami nang Ama mo,Yvkiasha ginagawa lamang namin kung anong sa tingin namin sayo ay makakabuti." masuyong paniwalag nang ina nito saka hinawakan ang kamay niya at marahang pinisil ito

"Ikakabuti ko o ikakabuti niyo?" may sarkasmong tanong nito sa Ina

"Yvkiasha! Wag mong gagamitan nang ganyang tono ang Ina mo igalang mo pa rin siya Wag kang magagalit sa Ina mo dahil totoo ang tinuran nito gusto lang namin gawin Ang bagay na sa tingin namin ay makakabuti sayo."

"Pag ba pumayag ako sagusto niyo magiging masaya kayo?" tanong nito sa magulang sabay na tumango ang dalawa rito

"Makakahinga rin kami nang maluwag dahil alam naming Hindi ka nila pababayaan roon." turan nang ina rito saka niya ito binigyan nang isang ngiti

"Pumapayag na ako sa gusto sa gusto niyo." pikit matang saad nito saka napahinga nang malalim..

"Maraming Salamat,Yvkiasha napanatag na ang aking kalooban." wika nang Ina nito rito

"Ihanda mo na ang mga gamit na dadalhin mo patungo sa, Academia dahil bukas na bukas rin ay paroroon ka na."wika nang Ama nito tumango na lamang siya sa mga saka nag tungo sa sariling silid upang gawin Ang tinuran nang ama nito sakanya..

Magiging maayos kaya ang magiging Buhay nito sa Academia? Ngunit paano na ang mga taong tinutulungan niya rito sa Therondia? Sino na ang mag tatanggol sa kanila sa Oras na umalis siya?

Sana maging maayos ang lahat sa pag alis niya...

Mystical Regal Academy Hintayin niyo ang pag dating ko...

The Therondia Kingdom[Completed]Where stories live. Discover now