Chapter::17

229 13 0
                                    

Chapter::17

"Ano bang nangyayari sayo,Yvkiasha at nag kakaganyan ka?!"galit na sigaw ng ama nito sakanya

"Wala ka ng ibang ginawa kung hindi ang sumali sa gulo!"dagdag pang sigaw nito sakanya

Tahimik at walang emosyong pinaka titigan ang galit na galit nitong Ama sakanya..

"Binibigay naman namin sayo lahat ang gusto mo." tila Hirap na hirap nitong saad "Umayos ka naman,Yvkiasha matagal nang kilala ang pamilya natin pero ngayon mas nakikilala na dahil lagi kang sangkot sa gulo sa bayan nagiging,basagurela kana."

"Bakit ka ba ganyan? Kulang paba ang binibigay namin sayo?Bakit ba ayaw mong sabihin sa amin kung anong gusto mo?"halos mag makaawang saad na ng ama nito sakanya

Hindi materyales na bagay ang gusto niya wala na siyang ibang gusto kung hindi ang attention at paniwalaan siya ng magulang

"Mag salita ka naman,Yvkiasha!" galit nitong sigaw sakanya, pasimpleng napa igtag ito sa gulat dahil sa lakas ng sigaw nito

Walang buhay siyang napalingon sa Ina na humahangos na kakadating lang

"Anong nangyayari?Bakit malayo palang ay dinig na dinig ko na ang sigaw mo?" may pag aalalang tanong ng Ina nito sa Ama saka palipat lipat ang tingin nito sakanya at sa Ama niya

"Yang Anak mo nagiging suwail na wala ng ibang ginawa kung hindi ang mag bigay ng problema at kahihiyan sa pamilya." inis na sagot ng Ama nito sa Ina

"Bakit ano naman bang ginawa mo,Yvkiasha?" takang tanong ng Ina nito,napatawa ito sakanyang isipan wala manlang nag tanong sakanila kung Ano bang nangyari,kung kumusta ba Ako?

"Tignan mo yang Anak mo Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan yan, binigay ko naman lahat ng gusto niya ginawa ko lahat para maging mabuting ama sakanya."puno ng pag hihirap na saad nito habang dinuduro siya

"Huminahon ka muna." malambing na saad ng Ina nito sa Ama niya habang hinahaplos ito sa braso para mapakalma

"Yvkiasha, Hindi ko alam kung bakit ka nag kakaganyan bilang Ina mo nakikiusap na akong itigil mo na ang pag papahiya sa pamilya, itigil mo na ang pag rerebelde. Hindi ka naman ganyan dati simula nang mawala si,Darven naging ganyan kana."nakiki usap na saad ng Ina nito

Mahigpit ang pag kakakuyom nang kamao nito pinipigilan ang sariling masumbatan ang mga taong nasa harapan niya. Mga magulang niya parin ang mga tao at sila ang nag palaki sa kanya..

"Kung wala ka din namang balak mag salita buti pa umakyat kana sa sarili mong kwarto." Mahinahong utos sa kanya ng Ama Hindi na niya ito hinayaang ulitin ang sinabi nito sakanya Basta na lang siyang tumayo at walang paalam na Umalis...

Sunod sunod ang pag landas ng luha nito ng mag isa na lang siya sa kwarto Kung saan huli nitong nakasama Ang kapatid at masaya silang nag aasaran..

Kung alam lang nitong ayun na ang huling pagkakataon na makakasama at makakaasar niya ay sana sinulit na niya ang bawat Oras at sandali...

Padapa itong nahiga sa kama saka inubsob ang mukha sa unan at dun pinag patuloy ang pag iyak hanggang sa maka tulungan niya ito..

Nagising itong hinahabol ang hinga at sobra ang panginginig ng katawan pinalibot nito ang paningin sa buong kwarto tila takot na takot habang yakap yakap Ang parehong tuhod...

At tulad kanina hindi nito napigilang mapa iyak ulit Lalo na nung mapag tantong napanaginipan naman nito kung paanong nawala Ang kapatid niya...

Parehong panaginip ang gumigising sakanya parang totoong totoo,sa panaginip niya sariwang sariwa ang nangyari sa kapatid...

The Therondia Kingdom[Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin