Chapter::02

410 19 0
                                    

CHAPTER::02

•|Darvyn POV|•

Napa kamot na lamang ako sa aking ulo nang Hindi sinasadyang maka bangga ako

"Transferre?" mataray na tanong nito

"Ah Oo pasensya na hindi kita napansin."hinging paumanhin ko rito

"So Ikaw yung usap usapan na bagong dating mula sa Therondia."tatangong tangong turan nito habang pinag mamasdan Ako nito

"Ah oo."tanging tugun ko na lang rito

" Alam mo ba nang dahil sa kaharian niyo ilan sa mga kasamahan namin Ang nasawi?"

" Nag kaayos naman na ang Therondia at iba pang Kingdom ah."

" Pero Hindi ibig sabihin nun ayos na ang lahat at nakalimot na kami."matalim ang tingin ang pinukol nito sa akin, napa buntong hininga na lang Ako bakit ba sa akin sila nagagalit eh Hindi ko nga alam ang tungkol roon

"Sino kaba?Bakit parang sa akin mo sinisisi Ang bagay na wala namang kinalaman sa akin."

"Seika,tandaan mo ang pangalan na yan at siguraduhin mong lagi kang handa sa kapaligiran mo dahil baka magulat kana lang patay kana."naka ngising turan nito saka ako nilagpasan at sadyang bingga Ang balikat nito sa balikat ko

Mukhang Hindi magiging maayos at Tahimik ang magiging buhay ko rito ah dapat pala hindi na ako nag bitaw nang salita kay Papa

Bumili muna Ako nang makakain ko bago nag hanap nang bakanteng mesa upang duon kumain..

Oo nga pala may sariling mesa Ang Sovereign nasan nga ba yun..

Napangiti ako nang makitang walang naka upo rito Kaya naman Dali dali akong lumapit rito saka nilapag ang pag kaing binili ko bago umupo at sinimulang lantakin lahat..

Napatigil ako sa pag kain nang may mga nag baba rin nang tray na may pagkain ,nag taas Ako nang tingin bumungad sa akin ang malamig nitong tingin napa uyos tuloy Ako nang wala sa oras

"Ahm.."tumikhim ako dahil Hindi ko alam kung ano ba dapat at sabihin o dapat na ba akong umalis at mag hanap na lang nang ibang bakanteng mesa

"Hi..." agad akong napalingon sa babaeng may asul na mata upang siguraduhin kung sa akin pa ito nag Hi

"I'm, Antonette at Oo sayo Ako nag hi , Hindi mo kailangan umalis okay lang naman na maki salo ka sa amin wala na rin kasing bakanteng mesa na maari mong upuan." naka ngiting wika nito, gulat na gulat akong napatingin rito paano niya nalaman ang iniisip ko

"Mind reader ako kaya, kaya kong basahin ang iniisip mo." paliwanag nito,tumango tango na lang ako rito saka tahimik na ipinag patuloy ang naudlot kong pag kain

"Antonette partner tayo ha?"dinig kong tanong nang isa sa kasamahan nitong lalaki sa kanya

" Schylr Hindi nga kasi ako pupunta kung gusto mo mag hanap ka nang iba."turan nito sa lalaki,Ah Schylr pala ang pangalan niya

"Dash,Brazen, Sydney Hindi talaga kayo pupunta?"may pag mamaktol nito sa mga toh

" Wala namang pumipigil sayong pumunta,Kenzo."masungit na turan sakanya ni Sydney kung tama ang hula ko

Pero teka nga Akala ko ba Schylr pero bakit Kenzo ang tinawag sakanya nung Sydney?

"Ano ba talagang pangalan mo?Kenzo o Schylr?"tanong ko rito nang Hindi Ako makatiis,sabay sabay silang napalingon sa akin

"Schylr Kenzo ang pangalan ko bale Second name ko ang Kenzo."paliwanag nito

"Bakit Hindi na lang,SK ang itawag sayo? short for Schylr Kenzo."takang turan ko rito

The Therondia Kingdom[Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat