Chapter::23

212 10 0
                                    

Chapter::23

•|Brazen POV|•

"Sweet!"napa lingon ako kay, Sydney ng tawagin ako nito

"Yes?" takang tanong ko rito,bagkus na sagutin Ako nito ay lumakad ito palapit sa kinakatayuan ko

"Naisip ko lang hindi sa atin bagay yung sweet ang tawagan." naka ngiwing saad nito

"Ikaw ang nag suggest na sweet ang tawagan natin."poker face na saad ko rito inirapan lang ako nito.

"Brazen,alam mo minsan na iisip ko hindi ka seryoso sa akin."malayo ang tinging saad nito,napa titig ako rito

"Sydney, you know me hindi ako yung tipo nang taong mapag laro at nag sasayang ng oras sa mga walang kwenta at hindi ako interesado hindi ba?"malumanay na saad ko

"I know." mahinang turan nito saka Ako muling nilingon "Pinang hahawakan ko rin ang sinasabi sa akin ni, Kaithlyn noon bago siya mawala."kiming ngiting saad nito

"Minsan nga lang hindi ko mapigilang mag isip ng kung ano ano."naka pabuntong hiningang saad nito saka nag iwas nang tingin

"Naiintindihan kong Hindi ka sing sweet ng iba Hindi malambing ganun din naman ako."iiling iling na saad nito

Tahimik lang akong pinag mamasdan siya at nakikinig sa mga sinasabi niya..

"Tell me, Sydney ano ba talagang nangyayari sayo?" may pag aalalang tanong ko

"Narelies ko lang na isang taon na lang tayo sa Academia babalik na tayo sa kanya kanya nating Kingdom. May responsibilidad kang dapat panindigan."

" Pwede mo naman akong puntahan sa E Kingdom hindi ba? Pwedeng dun kana din tumira."may paki usap na saad ko, isang malungkot lang ang ngiti ang iginawad nito

"Makaka abala lang ako sayo, Brazen at paniguradong hindi mo din ako gaanong mapag tutuunan ng pansin dahil magiging busy ka."

"Ano ka ba , Sydney! Hindi ka magiging abala sa akin kahit kailan saka gagawa Ako ng paraan para mag ka oras Ako sayo."

"Hindi rin naman Ako hahayaan ng Inang Reyna na sa E Kingdom Ako manatili."

"So?Anong gusto mong gawin natin? Tapusin kung anong meron tayo?"frustrated kong tanong

"Hindi ko alam.."mahinang tugon nito "Hindi ko na alam na guguluhan na Ako."puno ng kalituhang saad nito saka nag susumamong naka tingin sa mga mata

Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko dahil kitang kita ko sa mga mata niyang nahihirapan na siya, nakikita ko din ang sakit na pilit niyang kinukubli

"Mahal na mahal kita,Brazen pero alam mong Hindi Ako ganun maka sariling tao at maiintindihan ko kung mas pipiliin mong pag lingkuran ang lahat.. Hindi kita papapiliin dahil ayaw kong mahirapan ka."

"Lagi mo lang tatandaan na lagi akong nandito para sayo susupportahan kita hindi kita tatalikuran kahit kailan."naka ngiting saad nito saka ako niyakap

"Salamat,mahal na mahal kita, Sydney at hindi ko papangaraping mawala ka dahil alam kong ikakawasak ko yun."bulong ko rito saka siya niyakap ng mahigpit..

"Nakaka sakit na kayo ha." napa hiwalay kami sa yakap namin sa isa't isa at sabay kaming napalingon sa pinang galingan ng boses

"Dash?Kanina ka pa ba dyan?" takang tanong ni,Sy rito

"Hmm.. Ganda ng pwesto ko rito tapos bigla kayong mag lalambingan dito." iiling iling na saad nito saka binuntutan ng mahinang tawa

"Hindi kami nag lalambingan nag uusap lang kami." masungit na saad ni,Sy rito saka inirapan si,Dash

The Therondia Kingdom[Completed]Where stories live. Discover now