Chapter::05

332 18 0
                                    

CHAPTER::05

•|Antonette POV|•

Natigil kami nang madatnan namin ang ibang Class pag kapasok na pagkapasok namin sa iisang pinto kung dadalhin kami nito sa pinaka tuktok nang Academia

"Kenzo nandito rin pala kayo." ngiting ngiting salubong sa amin nila, Troy

"Alam niyo ba ang dahilan kung bakit tayo Pinapunta rito?" tanong ni, Domenic

"Hindi eh."

"Paniguradong may binabalak naman ang matatandang guro natin." saad ni, Seika siya na lang ang natira sa kanilang mag kakaibigan ang nag iisang babae sa groupo nila, Blaze

"Makamatanda ka naman sakanila loka loka ka talaga." natatawang turan ni, Trey rito saka inakbayan si,Seika

"Narito rin ang bagong, Class. Ang Class Delta."pag iimporma nila sa amin, napatingin naman kaming lahat sa isang sulok kung nasaan ang tinutukoy nito,Tama siya nandito rin sila ano kayang Meron at lahat nang Class ay Pinapunta rito

"Kasama niyo rin pala ang babaeng galing sa Therondia." may pag kamuhing saad ni, Blaze habang naka tingin sa kung saan, nang sundan ko ang tinitignan nito ay nakita ko si, Darvyn sa may dulo at tila may pinag mamasdan kung saan

"Kung itulak ko kaya siya mukhang wala naman siyang paki alam sa paligid niya." naka ngising saad ni, Seika napailing iling na lang Ako hindi parin talaga nag babago

"Mabait naman siya." pag tatanggol ni, V rito

"Mag kakilala kayo?" taas kilay na tanong ni,Seika rito na agad namang umiling biglang sagot "Hindi naman pala eh." masungit na dugtong nito saka inirapan si, V

"Ilang studyante na ba ang napaaway sakanya at ang lahat nang yun ay umuuwing may pasa o sugat."

"Malay mo may ginawa pala sakanya yung mga yun at pinag tanggol niya lang ang sarili niya."pag tatanggol ko rito

" Kung may paniniwalaan man ako ayun ay ang mga binitawang salita nang kapwa nating studyante hindi ang baguhan na yan."seryosong saad nito

" Kung ganun ay mas pipiliin mong maging bulag bulagan sa masamang gawin nang mga kapwa nating studyante? "hindi maka paniwalang tanong ni, Trish rito

Hinayaan ko na lamang silang nag uusap habang Ako ay tahimik na pinag mamasdan si, Darvyn, natigil ako nang makitang ngumiti ito, isang totoong ngiti na ngayon ko lang nakita, ngumiti man siya sa amin minsan ay alam kong hindi yun totoo at pakitang tao lamang

Ang ganda nang ngiti niya hindi ko tuloy mapigilang ngumiti rin dahil nakakahawa ang ngiti nito

Nalipat ang attention ko kay, Seika at Blaze nang mapansing dahan dahan at walang ingay itong nag lalakad palapit sa kinakatayuan ni, Darvyn

"Anong ginagawa nila?" takang tanong ko sa mga kasamahan ko na tulad ko ay nakamasid sa dalawa

"Ewan ko dyan sa dalawa matagal na ang nakalipas pero mukhang hindi nila magawang maka limot." kibit balikat na saad ni, Blaster na ikina kunot nang noo , dahil hindi ko maintindihan ang gusto nitong iparating

Nanlaki ang mga mata ko nang mapag tanto kung anong binabalak nila,Handa na sana nilang itulak si, Darvyn nang lumingon ito sakanila, pareho silang nagulat dahil pati Ako ay nagulat sa lamig nang mga mata nito habang nakatingin sa dalawa

"Wag niyo naman masyadong ipakitang galit na galit talaga kayo sa mga katulad ko at talagang gusto niyo pa akong patayin." na ngising saad nito

"Sayang nga eh bigla ka kasing lumingon." may pag hihinayang na saad ni, Seika rito na ikina gulat ko hindi manlang itinaggi

The Therondia Kingdom[Completed]Where stories live. Discover now