Chapter::28

195 10 0
                                    

Chapter::28

Walang halos ang naka pag salita o nakakilos sakanila dahil sa sobrang pag kabigla sa nakikita...

"R-Ryxia,Ava..." mahinang usal ni,Seika habang titig na titig sa dating kaibigan na akala niya ay wala na

"C-Caleb..."hindi makapaniwalang usal ni,Shane sa hangin habang titig na titig sa lalaking akala niya ay hindi na niya makikita kailanman

"A-aking Ryxia..."puno nang pangungulilang usal ni, Blaster habang titig na titig sa babaeng pinaka mamahal niya na akala niyang hindi na niya ulit makikita at makakasama..

"P-paanong?"Hindi maintindihang wika ni,Brazen sa hangin habang pinag mamasdan ang dating kasamahan nitong matagal ng nawala

"Surprised!"malokong saad sakanila ni, Ryxia habang may mapag larong ngiti siyang siya ito sa nakikitang reaction nang mga dati niyang kasamahan

Nakaramdam ng tuwa sila, Ryxia dahil kitang kita nila ang gulat at hindi maka paniwalang expression ng mga dating kaskwelahan...

"Hi, I'm Caleb!"magiliw na bati nito saka sinabayan nang pag kaway

"Really, Guys? Caleb, Ryxia hindi ito ang pinag uutos sa atin ng Panginoon, gusto niyo bang mapagalitan tayo dahil mas inuna nating makipag laro sakanila kaysa sa pinag uutos sa atin." iritang usal sakanila ni, Ava

"Chill,Ava sinabi ko na sayo mas matutuwa ang ating Panginoon kung dadalhin natin ang mga yan sa kanya."may matamis na ngiting wika ni,Ryxia sa kasama

"Aking Ryxia..." mahinang usal ni, Blaster habang wala sa sariling naglalakad palapit sa dating kasintahan na ngayon ay abalang nakikipag usap kay, Ava kaya hindi nito napansin ang paglapit sakanya ni, Blaster

Kasabay nang pagyakap nito sa minamahal ay ang pag lingon ni, Ryxia napakurap kurap ito at hindi agad na kakilos dahil sa gulat nang biglang may yumakap sakanya

"Aking Ryxia,mahal na mahal kita sobra kitang namiss." bulong ni,Blaster rito at hinigpitan ang pag kakayakap Hindi na din nito napigilan ang mapa luha dahil sa samut saring emosyon

"Ahhh!!!"bigla na lang malakas na napadaig sa sakit si, Blaster dahilan upang lumuwag ang yakap nito kay, Ryxia at napa luhod sa lupa

"Tsk! Tsk!"iiling iling na turan ni, Ryxia habang may ngising pinag mamasdan si, Blaster na namimilipit sa sakit dahil sa gawa niya

"ANONG GINAGAWA MO?!"Hindi mapigilang inis na sigaw ni, Seika rito at puno nang pag alalang agad na nilapitan si, Blaster para alalayan

"Ayos ka lang ba?"Puno ng pag aalalang tanong ni,Seika rito habang inaalalayan itong tumayo.

"A-a-ayos lang Ako...."mahina ngunit sapat na upang marinig ni,Seika ang sagot ni, Blaster rito

Walang kainte-interes na nag mamasid lang si, Ava sakanila hinahayaan ang dalawang gawin ang gusto nilang gawin

"Damn,Ryxia ang angas mo talaga." tuwang tuwang wika ni,Caleb rito puno ng pag mamayabang na ngumisi si,Ryxia rito

"Ano bang nangyayari sayo, Ryxia at ginawa mo yun?" malumanay na tanong ni, Blaze rito walang buhay na nilingon niya ito

"At sino ka naman para sagutin ko ang tanong mo at pag sayangan ka ng Oras?"taas kilay na tanong sagot nito

"Hindi naman siguro kayo nawalan ng memories diba?"

"Bakit kung umakto kayo wala tayong pinag samahan? "

"Mag kakakampi tayo di-"

"At sinong may sabing mag kakampi tayo?"putol ni, Ava sa iba pa sanang sasabihin ni, Antonette

The Therondia Kingdom[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon