Chapter::15

239 14 0
                                    

Chapter::15

"Mama,saan po kayo pupunta ni,Papa?" puno nang kuryusidad na tanong nang batang lalaki ng makita nito ang magulang nila na bihis na bihis at handa ng umalis

"Darven, maiiwan muna namin kayo dito ha?Babalik din kami agad nang,Papa mo." masuyong wika nang Ina nito sakanya habang hinahaplos ang buhok nito

"Bawal po kaming sumama ni,Yvkiasha,Mama?"naka simangot na tanong nito sa Ina, masuyong ngumiti ang Ina nito sakanya saka pinang gigilan ang pisngi nito

"Kung pwede nga lang namin kayong isama nang kapatid ay isasama namin kayo,kaso hindi pwede,Darven eh."nag hihinayang na sagot ng Ina nito sakanya

"Bakit naman po hindi pwede,Mama?"

"Para sa matatanda lang kasi ang pupuntahan namin ng,Papa mo."sagot nito saka umayos nang tayo ng makita ang Asawang naka ayos na at naka ngiting naglalakad palapit sa kanila

"Anong pinag uusapan ng mag ina ko?"naka ngiting tanong nito saka hinalikan sa noo ang Asawa at ganun din sa anak

"Papa bawal ba talaga kaming sumama ni, Yvkiasha?" naka simangot na tanong nito sa,Ama

mahinang tumawa ang Ina nito "Kanina pa niya tinatanong kung pwede ba daw silang sumama ng kapatid niya."natatawang turan nito sa,Asawa

"Sasama saan po,Ma Pa?" takang tanong ng bagong dating na si, Yvkiasha

"Aalis sila,Mama tapos hindi daw tayo isasama kasi hindi daw pwede." naka ngusong pag susumbong ng kapatid nito sakanya

"Ano bang meron at gustong gusto mong sumama?" kunot noong tanong nito sa kapatid

"Kasi maiiwan tayo rito." naka simangot na sagot nito

"Darven, wag ka nang makulit hindi talaga kayo pwedeng sumama." natatawang saad ng Ama nito sakanya

"Oh siya aalis na kami alagaan at bantayan niyo ang isa't Isa ha." bilin ng Ama nito saka sila parehong hinalikan sa noo

"Babalik din kami agad."naka ngiting saad ng Ina nito saka hinalikan rin sa noo ang dalawang Anak

"Mag iingat po kayo,Ma Pa ah."bilin ni,Yvkiasha sa magulang

"Mag iingat po kayo,Ma Pa balik kayo agad ah."naka ngusong turan ni, Darven rito

Naka ngiting kumakamay rito ang batang si,Darven kahit na naka layo na ang magulang nito

"Wag ka ng malungkot dyan uuwi naman daw agad sila,Mama."naka ngiting wika nito sa kapatid saka inakbayan at sabay silang pumasok sa loob ng Masion

"Ano ng gagawin natin,Yvkiasha habang nag hihintay sa pag dating nila,Mama?"tanong ng kapatid nito sakanya

"Kain muna tayo nagugutom na ako eh." sagot nito sa kapatid saka tumayo

"Lagi ka namang gutom,Yvkiasha eh." naka ngusong saad nito sa kapatid ngunit sumunod pa rin ito sakanya pa puntang kusina

"Anong gusto mong kainin,Darven?"tanong niya rito habang nag hahalungkat

"Kahit ano na lang,Yvkiasha hindi naman ako mapili sa pag kain." naka palumbabang sagot nito habang pinanood ang kapatid na hinahanda ang kakainin nila

"Kumusta school mo,Darven wala ka pa bang nagiging crush?" mapang aasar nitong tanong sa kapatid pag kalapag nito nang pag kain sa harapan niya

sinimangutan siya nito "Yvkiasha, alam mo namang wala akong interest sa mga babae saka pano ako mag kakaroon ng crush kung halos ng mga babae roon ay maarte."

"Hahaha kung sabagay bata pa naman tayo para sa ganyan wag ka munang mag kaka crush ha." naka ngiting saad nito saka sila maganang simulang ubusin ang pag kain

"Yvkiasha,ano ng gagawin natin?"napa buntong hininga na lang toh nang mag tanong naman ang kapatid sakanya

"Darven,wala kabang isip ha?!" inis nitong tanong sa kapatid "tanong ka ng tanong kung anong gagawin natin eh bakit Hindi mo gawin yung gusto mong gawin!"singhal nito sa kapatid

"Wala akong maisip na pwedeng gawin eh,ang lawak lawak nitong Masion pero wala manlang magandang magawa rito."naka simangot nitong turan "Bakit kasi sabay sabay na nag paalam ang mga soubrettes at mga Éqverry ."naka simangot nitong reklamo

"Bahala ka dyan,Darven sa taas lang ako mag babasa."saad nito saka nag tungo sa pang apat na palapag ng Masion kung nasaan ang sarili nitong kwarto

"Yvkiashaaaaa!!!" dinig nitong sigaw na tawag sakanya ng kapatid ngunit hindi niya ito pinansin at nag tuloy tuloy itong nag tungo sa kwarto

"Tignan mo yun mas gusto pa niyang makasama ang mga libro niya kaysa sa aking kapatid niya."naka ngusong reklamo nito ng talagang hindi na talaga siya binalikan ng kapatid

Napa buntong hininga na ito bago napag desisyonang sumunod sa kapatid

"Anong ginawa mo rito?" takang tanong nito sakanya saka saglit itinigil ang pag babasa

"Ayaw ko sa kwarto paki ramdam ko nag iisa lang Ako." sagot nito saka nahiga sa kama ng kapatid

"Mag isa ka naman sa kwarto mo ah?" takang tanong sakanya ng kapatid "Maliban na lang kung may pinapasok kang hindi ko alam?"taas kilay na tanong sakanya ng kapatid

"Ewan ko sayo,Yvkiasha wala kang kwentang kausap kaya walang gustong maki pag kaibigan sayo eh."

"bwisit ka ikaw tong mag pupunta sa kwarto ko tapos mang lalait kapa." inis nitong wika rito saka binato sakanya ang hawak na libro na agad naman nitong nasalo

"Totoo naman kasi,Yvkiasha wala kang kaibigan." pang iinis nito sa kapatid

"Meron mas gusto ko nga lang ang mag isa." depensa nito sa sarili

"Wala ka lang talagang kaibigan."pang aasar nito, nag simula na silang nag rambulan, nag papaluan ng unan sa isa't isa saka lang sila natigil nang pareho silang may narinig na ingay

"Ano yun?" sabay nilang tanong,nag katinginan sila saka nila napag desisyonang tignan kung anong ingay ang narinig nila..

"Teka dito ka lang ako na ang titingin." pigil nito sa kapatid, napa kunot ang noo nito "At bakit naman kita hahayaang mag isa?Pano kung masasamang tao pala ang mga yun at sasaktan ka lang?" inis nitong saad sa kapatid

"Kaya nga pano kung masasamang tao nga edi pareho na tayong mapahamak yan ayos na sa akin ay yung ako lang." naka pabuntong hiningang saad nito sakanya

"Hindi pwede hindi Ako papayag." iiling iling nitong tanggi saka mahigpit na napahawak sa braso ng kapatid

"Yvkiasha, makinig ka sa akin ako ang lalaki sa ating dalawa kaya hayaan mo akong gawin ang nararapat."turan nito saka pilit na tinatanggal ang kamay nitong nakahawak sa braso niya

Dahil sa kaba at takot na namumuo sa dibdib niya ay madali lang natanggal ng kapatid nito ang kamay niya

"Darven.."may pang tutol na tawag nito sa kapatid habang paulit ulit na umiiling

"Huwag kang mag alala mag iingat Ako babalikan kita agad,dito ka lang okay?" bilin nito sa kapatid

"Bumalik ka agad,Darven ha?"nakiki usap na saad nito sa kapatid

"Oo wag kang mag alala, Kahit na anong mangyari sisiguraduhin kong walang masamang mangyari sayo kaya mangako ka,Yvkiasha hindi mo hahayaang may masamang mangyari sayo."seryosong saad nito sakanya

"Pangako, Darven."napipilitang tumango ito, ngumiti sakanya ang kapatid hinalikan muna siya nito sa noo saka ito lumabas sakanyang kwarto...

Hindi nito maiwang mag palakad lakad sa loob ng kwarto nito dahil sa pag aalala sa kapatid hindi nito maiwasang mag isip ng kung ano ano lalo pa't wala silang ibang kasama maliban sa bantay sa labas ng Mansion nila...

Natatakot ito para sa kanilang mag kapatid ito Ang kauna unahang nangyari ito kaya hindi niya alam kung anong dapat gawin maliban na lang sa mag hintay sa pag balik ng kapatid niya...

The Therondia Kingdom[Completed]Where stories live. Discover now