Chapter::16

233 12 0
                                    

Chapter::16

Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin bumabalik ang kapatid mas double ang pag alalang nararamdaman nito nang maka rinig nang ingay sa baba

Mabilis ang kabog nang dibdib nito habang dahang dahang binuksan ang pinto ng kanyang kwarto kahit na labis itong natatakot ay nag lakas loob itong sundan ang kapatid upang alamin kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakabalik..

Maingat ang bawat hakbang nito habang pababa sa hagdaan hindi gumagawa ng kahit ano mang ingay..

'Darven,nasaan kana ba?' piping tanong nito habang palingon lingon

Halos nanigas ito sa kinakatayuan ng makita ang kapatid na naka luhod at puno nang sugat habang naka palibot ang mga hindi kilalang mga lalaki

Halata sa mukha ng kapatid na nahihirapan na ito, Hindi nito napigilang mapa luha habang pinag mamasdan ang kapatid gusto niya itong lapitan ngunit hindi nito maigalaw ang katawan at Hindi magawang maihakbang ang mga paa nito

Siguro ay naramdaman nito ang titig niya sakanya kaya ito napalingon sa gawi niya at mukhang nabasa nito ang inisip niya kaya pa simple itong umiling sa kanya

Hilam ng luha ang mga mata nito habang naka awang ang labing pinagmamasdan ang kapatid na naka titig lang din sakanya

Sunod sunod ang nagawa nitong pag lunok napahawak ito sa bibig upang pigilang ang sariling mapa hikbi at para Hindi naka gawa ng ingay

Gulat itong napa igtag ng makita nito kung paanong tumama ang latigo sa likod nang kapatid

"Sabihin mo sa akin nasaan ang mga magulang mo?" dinig niyang tanong ng lalaking naka tayo sa harapan ng kapatid niya kaya hindi nito magawang makita ang itsura nito

"H-hindi ko a-a-alam." hirap hirap nitong sagot halos mapa sigaw na siya ng makita kung paanong sunod sunod ang pag tama ng latigo sa likod nito

Bumalatay sa mukha ng kapatid ang sakit kagat kagat nito ang ibabang labi para mapigilan ang sariling masigaw sa sakit..

Sobrang bilis ang kabog nang dibdib nito dahil sa takot at awa para sa kapatid halos hindi na ito maka hinga para lang Hindi maka gawa ng ingay at Hindi siya makita sa pinag tataguan niya...

Gusto niyang tulungan ang kapatid gustong gusto niya itong lapitan at yakapin para siya ang tamaan nang latigog tumatama sa likod nito ngunit sobra ang takot na nararamdaman nito at alam niyang wala siyang magagawa at baka mas mapahamak lang silang dalawa kung kikilos siya nang padalos dalos

"Mag sabi ka na kasi ng totoo bata nasaan ang mga magulang mo?" bakas ang pag kainip sa boses nang lalaki ng muli naman itong mag tanong

"I-i-ilang u-u-ulit k-ko n-nang s-sinasabi sainyo h-hindi ko a-a-alam kung n-nasaan s-sila.."habol ang hiningang sagot nito sa mga toh

Halos mapahikbi siya nang makitang malakas itong sinuntok ng lalaki na dahil kung bakit ito napahiga sa sahig

"Imposibleng Hindi mo alam kung nasaan sila Bakit ba ang tigas ng ulo mo at ayaw mong mag sabi ng totoo!" galit na galit na sigaw ng lalaki sa kapatid niya habang pinag tutulungan nila itong pinag sisipa ito

Halos mapahagulgol na ito nang makitang sobra ng nasasaktan ang kapatid umubo na rin ito ng dugo

"T-t-ta-a-am-m-ma n-n-n-na..." dinig nitong nahihirapang paki usap ng mga toh sa mga kalalakihan ngunit Hindi sila nakinig bagkus ay masayang tinawanan lang nila ito

"T-t-tamaa.... h-h-hin... Hindi k-k-ko na k-kaya..."

"Ayan ang napapala ng mga taong matitigas ang ulo at sinungaling."walang awang turan ng lalaki sa kapatid saka malakas na sinipa sa mukha ang kapatid

Hindi pa sila nakontento na kahit na nawalan na nang malay ay paulit ulit nila itong sinipa, tinapak tapakan nilatigo

Napasalpak na ito sa sahig Hindi na nito nakayang tumayo pa habang pinapanood kung paano nila pinag tulungan ang kapatid nito impit siyang napa hagulgol wala manlang itong nagawa para iligtas at tulungan ang kapatid pinanood lang nitong pahirapan ang kapatid niya

Tuluyan ng bumigay ito ng kitang kita nang dalawang mata niya kung paanong itinarak ng lalaki Ang hawak niyang patalim sa mismong dibdib kung nasaan ang puso ng kapatid

"Tignan natin kung hindi magluluksa ang mga magulang mo sa oras na madatnan ka nilang wala nang buhay."bakas sa boses nito ang kasiyahan habang binibitawan ang bawat salita nito

"Tara wala na tayong mapapala nito."saad niya sa mga kasamahan nila saka sila sabay sabay na umalis at iniwan si, Darven na naka higa sa sahig wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo

Pagabang na lumapit si, Yvkiasha rito Hindi na niya magawang tumayo dahil sa sobrang hina na ng mga tuhod nito

"D-D-darven....D-darven..."nanginginig ang kamay nitong hinawakan nito ang ulo ng kapatid saka ipinatong sa kandungan niya

Tuloy tuloy ang pag tulo nang luha nito habang pilit na ginising ang kapatid

"D-darven w-wala na s-sila u-u-umilis na sila i-i-imulat m-m-mo na mga m-mata mo oh."basag na basag ang boses nito habang naka hawak sa ng mahigpit sa kamay ng kapatid at pilit na ginising

"D-darven naman oh wag mo akong t-takutin ng ganito wala na sila naka alis na ligtas na tayo, I-i-imulat mo na ang mga m-mata mo, Darven...." umiiyak nitong paki usap sa kapatid saka sinubsob Ang mukha sa dibdib ng kapatid

Wala itong pakialam kahit na napuno na ng dugo ng kapatid nito ang mukha at buong katawan niya

"Darven wala na sila...."

"Gising na..."umiiyak nitong paki usap sa kapatid

"D-darven naman eh gumising kana kasi..."humihikbing paki usap nito

"W-wag mo naman akong i-iwan i-ikaw na lang ang k-kampi ko eh, Darven....." humahagulgol nitong paki usap sa kapatid ngunit wala itong natanggap na tugon

Labis ang pag hihinagpis nito habang yakap yakap ng mahigpit ang katawan ng kapatid na kahit anong gawin niyang pag gising rito ay hindi na talaga ito nag mulat pag muli..

Hindi na muli nito makikita ang mga ngiti at tawa nito wala na ang nag iisang kakampi, wala ang nag iisang taong nanatili sa tabi niya Wala na ang taong kasangga niya... Wala na si Darven... wala na ang nag iisang kapatid nito iniwan na siya... Wala na...

Taging hikbi at iyak lang nito ang madidinig sa bawat sulok ng masion, iyak lang ito ng iyak habang yakap yakap niya ng mahigpit ang kapatid at paulit ulit na tinatawag ang pangalan umaasang tutugon ito sakanya..

Wala siyang nagawa para sa kapatid pinanood lang nito kung pano siya pag tulungan kung paano siya pinahirapan at kung paano nila kinitil ang buhay nito at parang wala lang na iniwan...

Nag hirap ang kapatid niya tinggap nito lahat ng sakit sa katawan huwag lang itong mapahamak para sa kaligtasan niya...

Sinisisi nito ang sarili dahil pinanood lang nito ang nangyari sa kapatid niya kung sana hindi niya hinayaang lamunin siya Ng takot baka buhay pa ang kapatid niya, baka ngayon huminga pa itong yakap yakap niya...

Wala siyang kwentang kapatid...wala siyang kwentang anak.... Wala siyang kwentang tao.... dapat Ako na lang... Ako na lang ang nawala...

"D-darven mahal...... mahal na mahal kita..." humihikbing bulong nito habang mahigpit parin ang yakap sa kapatid

"P-pangako ko... h-h-hindi ko h-hahayang masayang ang buhay mo na sinakripisyo mo para sa akin.."

"I-i-ipag hihiganti kita gagawin ko lahat para lumakas..."

"Gagawin ko lahat ng makakaya ko para tumulong sa mga taong walang k-kakayahang ipag tanggol ang mga s-sarili nila..."

"D-darven......Darven ... Dar.... darven...." wala siyang ibang ginawa kung Hindi iiyak lahat ng sakit galit at pag sisisi nito habang subsob ang mukha sa bangkay ng kapatid.....

Sa edad na sampu kitang kita ng dalawang mata niya kung paano pinahirapan at pinag tulungan ng limang lalaki ang kapatid niya....Kung paanong nawala ang kapatid niya habang siya ay nanonood lang at walang nagawa...

____
Parang ang sama ko na😭 mabait po Ako ha🥺

The Therondia Kingdom[Completed]Where stories live. Discover now