Chapter::08

287 15 0
                                    

Chapter::08

•|Troy POV|•

"Malayo ba sa marchéde ang tutuluyan natin, Darvyn?"puno nang kuryusidad na tanong ko rito

Nilingon ako nito saka tinitigan sa tingin ko ay pinag iisipan kung sasagutin ba ang tanong ko o wag na lang pansinin

"Sakto lang."tipid nitong sagot ngunit tila ang haba nang sinabi nito dahil bakas sa mukha nito ang pagod

"Ayos ka lang, Darvyn bakit parang pagod na pagod ka? Hindi ka pa ba nakakabawi nang lakas?"may pag aalalang tanong ni, Antonette rito

"Hindi ito sapat lalo na at masyado akong naging madaldal nitong mga nakaraan lingo." paliwanag nito

"Mukhang may kahinaan ka pala."naka ngising turan ni,Blaze rito napatingin kaming lahat rito

"Lahat naman nang nilalang may kahinaan,Pareng Blaze."may tipid na ngumiting saad nito, hindi na itago ni,Blaze ang gulat sa Mukha nito "Katulad ko kahinaan ko ang magsalita nang matagal nakakatuwa hindi ba?lalo ba't likas naman sa mga tao ang mag salita at sa dami dami nang pwede kong maging kahinaan ko ay eto pa." may lungkot na sambit nito saka kami tinalikuran at nauna na wala na kaming nagawa kung hindi ang sumunod kami sa kanya...

Wala na muli ang umimik o nag salita sa amin siguro ay ramdam nila ang pait sa boses nitong sa tingin ko ay hindi niya nagawang itago...

Sa bawat nadadaanan namin ay pabawas nang pabawas ang nakatayong bahay na sa tingin ko ay sinadyang ipatayo ang tinutukoy na mansion na tutuluyan namin ay malayo sa iba pang kabahayan...

Natigil kaming lahat nang may bigla na lamang kaming pinalibutan nang mga sa tingin ko'y taga Therondia rin ngunit Ang kalahati nang kanilang mukha ay natatakpan nang itim na tela...

"Sino kayo? Anong Kailangan niyo sa amin?"nag uutos na tanong ni, Sydney rito

" Kung ganun ay totoo ngang may dayo rito sa bayan nang Therondia."bakas sa boses nito ang pag kamangha habang naka tingin kay, Sydney

"Sa tingin ko ay pwede natin silang pakinabangan."dinig kong turan nang isa nilang kasamahan

"Mga studyante sila nang Mystical Regal Academy na pinadala rito at sa tingin ko ay madami silang dalang maari nating pag kakitaan."turan naman nang isa nilang kasamahan

"Kung hahayaan ka namin."seryosong sambit ni, Sydney at gamit ang hangin gumawa ito nang isang enerhiya saka niya ito pinatama sa mga ito

Napa singhap ako sa gulat nang tila bula lang na naglaho ang tira ni, Sydney rito

"Hahahaha walang mapana sa amin ang kapangyarihan niyo dahil hindi kami tinatablan nito." ngising ngising saad nito

"Ang mga,Hex ay Hindi tinatablan nang kung anong kapangyarihan o mahika."

"Ngunit sa pag kakaalam ko ay wala nang titirang Hex sa mundong toh."takang sambit ni, Abigail na sa tingin ko ay naabot sa pandinig nang mga ito

"Oh nag kakamali ka binibini dahil may natitira pa at kami ang patunay non."

"Hindi kami nag punta rito para maki pag laban narito kami dahil may kailangan kaming gawin."malumanay na saad ni, Antonette rito

"At sa tingin mo sino kayo para sundin ko?"pang uuyam na tanong nito

"Wala kaming pakialam kung saan kayo galing o Anong dahil-"napatigil ito sa pag sasalita nang biglang sumulpot si, Darvyn sa likod nito at naka tutok ang kabilan nito sakanya

"Hayes, hayaan mo silang makadaan."buo na saad ni, Darvyn rito

"Kung ganun ay totoo rin ang kumakalat na nag balik kana, Darvyn."naka ngiting wika nito saka humarap kay,Darvyn

"Natutuwa akong makita kang muli rito."dugtong nito

"Heyes,hayaan mo na ang mga kasamahan ko."

"Kasamahan mo? Nakalimutan mo na ang ginawa nang mga yan sa lalaking minamahal mo at mas pinipili mo pa silang kampihan?Anong nangyari sa, Darvyn na kilala namin?Nasaan ang sinasabi mong ipag hihiganti mo ang pag kawala nang lalaking minahal mo?"may pang iinsultong. sambit nito,walang buhay ang matang napa titig si,Darvyn rito hindi ko alam kung anong reaction nang kaharap nito dahil naka talikod ito sa kinaroroonan namin

"May tamang panahon para riyan at hindi pa ngayon hayaan mo na sila. Mag haharap tayong dalawa may dapat kapang utang na pag babayaran."madiig wika nito sa tinawag niyang,Heyes saka ito nilagpasan upang lapitan kami

"Tumabi kayo."may pag uutos na wika nito "hindi nga kayo tinatablan nang kapangyarihan nila ngunit magagawa ko kayong paslangin habang mabait pa Ako sainyo umalis na kayo at Hindi Ako nag bibiro,Heyes."malamig ang pag kakasabi nito, naramdaman kong nag taas ang balahibo ko dahil ramdam na ramdam ko Talaga Ang lamig sa bawat salitang binitawan nito at hindi na ako mag tataka nang umalis ang groupo nang,Heyes na Yun

Agad na nasalo ko ang katawan ni,Darvyn nang matutumba na saan ito "Ayos ka lang?" may pag aalalang tanong ko rito nang matitigan ko ito sa malapitan ay kitang kita ko ang pagod sa mga mata nito

Napalingon Ako kila, Antonette nang nag aalalang lumapit ang mga ito kay, Darvyn

"Darvyn, anong nangyayari sayo?" may pag aalalang tanong ni, Antonette rito saka inalalayan itong maka tayo nang maayos

"Sa tingin ko ay nang hina ito dahil sa pakikipag usap niya kanina sa mga yun."sabat ni,Vien

" Tara baka may iba pang groupo ang mag kainterest sainyo."pag aaya nito saka pinangunahan ang daan patungo sa aming paroroonan

Napailing na lang Ako at Wala nang magawa kung hindi ang sumunod dahil maaring tama siya at mukhang yun rin ang naisip nang mga kasamahan namin

"Nandito na tayo." pag aanunsiyo nito saka binuksan ang malaking gate nang Masion na sa tingin ko ay ang tinutukoy niya

"Sa unang palapag may sampung kwarto ganun rin sa pangalawa at pangatlong palapag sa pang apat ay may limang kwarto ngunit labis kong pinagbabawal ang pag akyat niyo roon."saad nito nang makapasok kaming lahat sa loob

"At sigurado akong may mag dadatingan na panauhin rito maari bang kayo na ang humarap at mag paliwanag sakanila?"nakiki usap na saad nito

"Wag kang mag alala kami nang bahala pwede ka nang mag pahinga para maka bawi ka nang lakas."naka ngiting saad ni, Antonette rito,tumango rin si,V rito bilang sang ayon

"Malaki na ang ginawa mo tulong sa amin kahit sa ganitong paraan ay makabawi kami sayo."sinsiridad na turan ni,Blaster rito

"Hindi ko kayo tinutulungan."kunot noong saad nito saka kami tinalikuran at basta na lang umalis

"Hindi ko rin maintindihan ang ugali nang babaeng Yun."iiling iling ko saka Pasalampak na umupo sa isa sa malapit na upuan

Naka ramdam ako nang kaginhawaan nang maka upo ako sa malambot na may kahabaang upuan..

"Mag pahinga na tayong lahat para maka pagsimula tayo bukas para mas madali nating matapos at maka balik tayo agad sa Academia."saad ni,Brazen na sinang ayunan nang lahat dahil paniguradong tulad ko ay nakakaramdam sila nang pagod..

At dahil siguro rito ay hindi ko na namalayang naka tulog na pala ako ni hindi ko manlang nagawang tumayo upang mag tungo sa isa sa nga silid rito....

The Therondia Kingdom[Completed]Where stories live. Discover now