Epilogue

304 12 6
                                    

Epilogue

Tahimik itong nakamasid at pinapanood ang nangyayari sa buong Regal naghihintay sa tamang oras bago isagawa ang kilos....

Mahigit ilang taon na nitong pinag aaralan at pinaghahandaan ang malaking magiging bagong kaaway ng Regal....

Inaalam at pinag aralan nito ang kahinaan at lakas maging ang kakayahan nito...

Ipinapanatag nito ang buong katawan inihanda ang sarili sa darating na muling malaking labanan ngunit sa pag kakataong ito hindi niya hahayaan pang may magbuwis at masayang na buhay....

Ito ang haharap sa tinatawag nilang Panginoon habang ang mga malalakas na studyante na ang bahala sa mga kasamahan nito...

"Ako lang ba ang nakakaramdam na parang may masamang mangyayari?" tanong ni, Troy saka napa buntong hininga at sa Hindi sinasadyang na patingin ito sa asul na ibon..

Napaawang ang labi nito ng mag tama ang tingin nito sa Hindi maintindihang dahilan pakiramdam niya ay nakita na niya ito na para bang sinasabi sakanya ng ibong tama ang hinala niya at kailangan nilang paghandaan ang kung anong masamang pangyayari ang magaganap...

"Nararamdaman ko din ang tinutukoy mo" seryosong wika ni,Dom rito habang tila malalim ang iniisip

"Hindi pa kumikilos ang,Class Alpha may plano ba talaga silang tumakas o nag hihintay lang tayo sa wala?" tanong ni,Trent

"Sa tingin ko may plano sila nag hihintay lang sila ng tamang oras para isagawa ito."sagot ni,Death rito ang wlang kaemosyon emosyon nito sa mukha ang dahilan kung bakit ito nag karoon ng katakot takot na awra..

"Paano sila, Caleb?" tanong ni, Shane sa mga toh hanggang ngayon ay nag aalala pa din sa lalaking minamahal..

"Hindi ko alam, siguro ay may naisip na din silang plano para sa mga toh."Hindi siguradong sagot sakanya ni, Vien

"Sa ngayon dapat paghandaan natin kung ano man ang mangyayari at plano nila." sabat ni, Trish

"Hindi niyo ba napapansin yung asul na ibon? kanina pa kasi ito naka tingin sa atin." usal ni,Troy

Nagtatakang napatingin Ang mga ito kay, Troy at nag tatanong ang tingin kung Anong ibig sabihin nito..

Walang namutawing salita sa bibig ni, Troy rito saka tahimik na itinuro ang lugar na kinaroroon ng ibon sabay sabay na sinundan ng tingin ang tinuturo ni, Troy

"Nakita na ba natin dati Yan?"tanong ni,Trey

"Hindi,pero bakit mukhang familiar?" naguguluhang sagot ni, Trent rito

"Ako lang ba o sadyang parang may gustong iparating ang ibon na yan?"Kunot noong tanong ni,Vien

"Naramdaman ko rin yan ng unang pagkakita na pagkakita ko dyan."sagot ni, Troy

"Epekto siguro ito sa kaalaman nating malapit na tayong mamatay."pabirong wika ni,Trey sa mga toh nagbabakasakaling mabawasan ang kaseryosohan nila

"Anong nangyayari?" takang tanong ni,Xie at Wala sa oras na napatayo mula sa pagkakaupo nito sa sahig ng kulungan..

"Nag kakagulo ata sila."Hindi siguradong sagot ni, Antonette habang pilit na sumisilip kung anong nangyayari sa labas..

"Kailan ba tayo tatakas dito Zenzen?" hindi na makapag hintay na tanong ni, Vianney rito

"Kailangan may mag bukas mula sa labas Hindi gumagana ang kapangyarihan ko."inis na may pag hihinayang na sagot ni,Brazen rito

Wala sa oras na napatingin ang mga ito kay,Darvyn na tahimik lang sa isang gilid,nag angat ito ng tingin ng maramdaman may nakatingin sa kanya

The Therondia Kingdom[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon