Chapter::13

253 12 0
                                    

Chapter::13

•|BLAZE POV|•

Maaga kaming nag handa paalis dahil mag tutungo na naman kami sa bayan para maki salamuha sa kanila at para matutunan namin ang dapat naming matutunan

"Anong nangyari sa kulay nang buhok ni,Darvyn bakit naging kulay abo na?"takang tanong ni,Egon

Tinignan ko ang tinutukoy nito at tama nga siya naging kulay Abo na nga ang kulay nang buhok ni,Darvyn

"Mas nag mukha tuloy siyang Anghel." naka ngiting wika ni,Ram

"Hindi bagay sakanya ang itulad sa anghel." masungit na kontra ni,Seika rito

"Maganda ka sana, Seika eh kung hindi ka masungit." may pag hihinayang na sabat ni,Ciaran inirapan lang siya ni,Seika at Hindi pinansin

"Burned." mapang asar na wika ni,Egon rito

"Toasted."

"Grilled."

"Fckers." inis na singhal niya sa mga toh nang simulan nilang asarin ito.

Ayaw pa kasing umaming may gusto siya kay,Seika eh lagi na lang niyang dinadaan sa pang aasar ayan tuloy inis na inis sakanya si,Seika mas nawawalan siya nang pag asa dahil sa ginagawa.

Akala namin ay magiging payapa ang pagbabay namin ngunit nag kamali kami dahil kitang kita nang dalawang mata ko ang limang Hydra.

Ang Hydra ay isang uri nang malaking ahas na may walong ulo at ang bawat isa ay nag tataglay nang kakaibang lason na mabilis kumalat sa katawan nang taong matutuklaw nito..

"Wala na bang katapusang ganito ang sasalubong sa atin bago pa tayo makarating sa Marchéde."nanlulumong reklamo ni,Blaster

Mahigpit ang hawak ko sa aking,Elores at alam kong kong ganun din Ang mga kasamahan ko..

Hindi namin inalis ang tingin namin sa mga Hydra dahil baka malingat lang kami saglit ay bigla na lang kaming nakahandusay at wala nang buhay...

Tanging sssssss lang ang naririnig ko rito dahil wala naman akong kakayahang intindihin ang mga hayop

Halos mag kakadikit na kaming lahat,nakasandal kami sa likod ng isa't isa..

"May balat pa ba kayo sa pwet?Bakit parang Hindi tayo tinatantanan ng malas?" dinig kong tanong ni,Ram

"T*ng*na mo, Ram manahimik ka na nga lang."inis na turan ni, Ciaran rito

"Si,Ciaran yata ang may balat sa pwet eh."ngising ngising sabat ni,Egon

Nag aasaran man sila ay alam kong alerto sila sa maaring pwedeng maging kilos nang mga Hydra

"Pano na kung bigla na lang akong kainin nang buo ng hydra na yan?"tanong ni,Ram

"Pano na ang magandang lahi namin kung mangyayari yun." nang hihikabot na ani nito

"Ang tanong maganda ba lahi niyo?"pagbabara ni, Ciaran rito toh

"Inggit ka lang Hindi kasi kayo same feeling ni,Seika."

"Bakit na damay naman ang pangalan ko,Ram?"inis na tanong ni,Seika rito

Natigil sila sa pag uusap nang mapansin ang mabilis na pag gapang nang Hydra palapit sa kinakatayuan namin. Agad kaming umiwas rito na naging dahilan kung bakit kami nagkakahiwalay..

Mahigpit ang pag kakahawak ko sa aking Elores habang naka tutok ito sa isa sa mga Ulo nang Hydra naghihintay nang tamang pagkakataon para sugurin ito

Dahan dahan akong pumunta sa gilid nito,mas hinigpitan ko ang pag kakahawak ko sa Elores saka mabilis na tumakbo rito kasabay nang mataas kong pag talon ay ang pagputol ko sa ulo nito, kasabay nang pag tapak nang paa ko ulit ay kasabay nang pagbagsak nang isang ulo ng Hydra tumalsik ang ibang dugo nito sa mukha ako...

The Therondia Kingdom[Completed]Where stories live. Discover now