Chapter::30

227 9 1
                                    

Chapter::30

"Hanggang kailan niyo ba kami ikukulong rito?Saka kailan ba namin makikilala yang Panginoon niyong lagi niyong tinutukoy?" naiinip na tanong ni,Kenzo sa mga ito

Ilang araw na silang nakakulong at ngayon lang Bumalik ang mga toh

"Masyado kang atat makilala ang kamatayan niyo huwag kayong mag alala dahil pabalik ang Panginoon namin mula sa pinuntahan niya." naka ngising sagot ni,Ryxia rito

Naka tayo ngayon ito sa harapan sa labas ng kulungan ng Class Alpha

"Saan naman nagpunta yang Panginoon niyo at inabot ng ilang araw?"tanong ni, Vianney saka sinabayan ng pag-irap

"At Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" taas kilay na tanong ni, Ryxia rito

"Yung totoo Binuhay niya ba kayo para maging sunud sunuran sakanya?"may pang iinsultong tanong ni, Vianney rito napawak si,Xie sa braso ng kapatid para pigilan ito sa kung ano pang ibang sasabihin nito

" Sunud sunuran man kami sakanya ang mahalaga ay pinapahalagaan at nakikita nito ang magagandang ginagawa namin para sakanya pinupuri kami sa bawat nagagawa namin."

"Hindi tulad ng nasa Academia kami na pinag Mukhang sunud sunuran na nga hindi pa kami pinahalagaan."

"Pinag mukha kaming uto uto ginamit lang kami para sa ikakabuti ng iba."Puno ng pag kamuhing wika nito

"Hindi ko alam kung anong klaseng panglalason ang ginawa niya sa isip niyo para mag kaganya kayo at ganyan ang iniisip niyo sa Academia."malumanay na wika ni, Antonette rito "Pero Ako na ang nagsasabi sayo walang maka totoohanan sa mga yun."

"Sa tingin ko kahit anong sabihin mo sakanya ay hindi ka niya paniniwalaan."pasimpleng bulong ni,Kenzo rito

"May gusto lang akong malaman."seryosong wika ni, Darvyn dito tumuon Ang attention ni,Ryxia "Ikaw ba talaga ang taong nasa likod ng taong itinuring kong kaibigan?"

mapaglarong ngumisi si, Ryxia rito saka punag krus Ang braso sa may dibdib nito

"Sa tingin mo?Matagal tayong naging mag kakilala bakit Hindi mo Ako makilala?"

"Ang hirap lang paniwalaan dahil ang pakakakilala ko sayo ay isa kang mabuting tao."walang buhay na wika ni, Darvyn rito bago bumalik sa sulok na kinakaupuan niya kanina..

"Ano ba talagang balak niyo sa Amin?" tanong ni,Xie rito, tinititigan siya ni,Ryxia

"Sa tingin niyo anong balak sainyo ng Panginoon namin sa oras na makita niya kayo?"patanong na sagot ito halatang nililihis ang sagot sa tanong....

"Bakit ganyan niyo Ako titigan?Alam kong gwapo Ako pero wag niyo naman masyadong ipahalatang ngayon lang kayo nakakita ng sing gwapo ko."naka ngising tanong ni,Caleb sa mga toh dahil kanina pa nito napapansin ang mga pag titig sakanya..

"Nabusted naman." mahinang wika ni,Wave pero Hindi yun nakatakas sa pandinig ni,Caleb nanlalaking matang napatingin si,Caleb rito at hindi makapaniwalang napa awang ang labi...

"Abat-hoy! Sinong may sabing nabusted Ako."inis na wika nito rito habang dinuduro duro si,Wave "Pero teka nga bakit ba ako apektado?Tsk! Hindi ko nga alam kung anong pakiramdam nang pagmamahal nito."wika nito sa sarili bago umayos ang tayo at umaktong parang walang nangyari

"Apektado talaga siya sa salitang nabusted." natatawang bulong ni, Wave kay, Aiden

"Anong pinag bubulungan niyo dyan?" matalim ang tinging tanong ni,Caleb sa mga toh

"Pake mo naman?"

"Ibang klase din kayo eh noh? Hindi ba kayo natatakot?Bukod sa bihag na namin kayo siguradong Hindi papayag ang Panginoon naming mag tagal ang buhay niyo."

The Therondia Kingdom[Completed]Where stories live. Discover now