Chapter::06

297 15 0
                                    

Chapter::06

•|Antonette POV|•

Nakakaramdam pa ako nang antok habang nag lalakad kami nila, Schylr patungo sa timog silangan parte nang Academia kung saan napag usapang mag kita kita

Masyadong maaga pa kaya hindi na naka pag tatakang Hindi lang ako ang inaantok dahil ilan sa mga kasamahan namin ay halata sa mga mata nilang gusto nang pumikit dahil sa antok

"Mag si gising kayong LAHAT!"napa ayos ako nang tayo at dilat na dilat ang aking mata dahil sa gulat..

Narinig ko ang tawanan nang ilan namin kasamahan na ikina pag taka ko, inilibot ko ang paningin ko at duon ko lang naintindihan ang dahil kung bakit sila tumatawa dahil tulad kong inaantok pa ay nagulat dahil sa pag sigaw ni, Troy

"Walang hiya ka, Troy akala ko na kung sino." inis na reklamo ni, Blaster na mukhang tulad ko ay kulang sa tulog

"Sana lahat sapat ang tulog." may sarkasmong ngiting saad ni, Seika saka inirapan si, Troy na tatawa tawa lang , siyang siya sa reaction naming nagulat niya dahil sa pag sigaw niya at nawala na rin ang antok na nararamdaman ko dahil sa gulat

"Sakto lang ang naging tulog ko, Seika." mapang asar ang ngiting sagot ni, Troy rito

"Sana sa sunod na makatulog ka hindi kana magising." naka ngiting sambit ni,Seika rito napa ngiwi na lamang si,Troy rito

"Kompleto na tayong lahat pwede na nating simulan ang pag lalakbay upang makarating agad tayo sa bayan nang Therondia."sambit ni, Brazen sa aming lahat

"Hindi ba tayo pupuntahan ni, Mr. William? "nag tatakang tanong ni, Rey

"Hindi."tipid na sagot ni, Brazen rito

"Ilang araw tayong mag tatagal sa bayan nang Therondia?"tanong ni, Blaze rito

"Baka abutin tayo nang buwan roon dahil kailangan nating pag aral ang buhay nang mga Therondia tulad nang sinabi ni,Mr.William sa atin." si, Sydney ang sumagot rito

"Kung mag tatagal tayo sa Therondia saan tayo tutuloy?"tanong naman ni,Egon rito

"Mag hahanap tayo nang bahay manunuluyan roon."ngayon si,Dom naman ang sumagot rito

"Tama na ang tanungan niyo dahil delikado ang daan pag madilim patungong Therondia."walang kaganang ganang sabat sakanila ni, Darvyn halos hindi ko ito makilala sa suot niya dahil natatakpan ang kalahating mukha nito sa suot niya

"Tara na,Tama na ang katatanong."wika ni,Brazen saka ito naunang naglakad kasama sila Sydney,Dom,Vien,Dash,Trent at ang kambal na sila Troy at Trey ay na binaybay ang daan patungong Therondia..

Nakakaramdam ako nang pananabik sa bayang pinang galingan ni, Darvyn speaking of Darvyn nag taka Ako nang mapansing nag papahuli at mukhang mas piniling mapag isa kaysa sa maki sabay sa amin..

Mukhang kahit anong gawin ko ay hindi ito makikipag lapit sa amin dahil talagang mailap ito, Kailan ko kaya siyang muling makikitang ngumiti nang totoo ni Hindi ko manlang alam kung anong mga hilig nito..

Sana dumating ang panahon na hahayaan niya kaming maka pasok sa buhay niya

"Maganda rin pala ang tanawin patungong bayan nang Therondia." sambit ni, Abigail habang patingin tingin ito sa aming dinadaanan dahilan para mapatingin rin kagaya niya sa aming dinadaanan,tama siya dahil napapalibutan ito nang mga puno at kung ano anong klase pa nang magagandang halaman...

Sa tingin ko ay alam ko na ang dahilan kung bakit mahilig si, Darvyn matulog sa taas ng puno...

"Sandali may bantay!" may kalakasang saad ni,Trent upang marinig naming lahat,sabay kami nila, Schylr na lumapit rito upang alamin ang tinutukoy nito

"Anong meron?" takang tanong ko kila,Sy nang maka lapit kami sa kinakatayuan nila

"Hindi daw tayo pwede rito." tugon ni,Sy naikina lito ko

"Anong Hindi pwede?"takang tanong ni, Schylr

"Mukhang hindi sila tumatanggap nang hindi kilala."sagot ni,Dom sa tanong nito

"Hindi niyo ba Ako nakikilala?Ako si,Prinsepe Brazen ang kapatid nang, Prinsesa Vianney niyo."pormal na saad nito sa tingin ko ay namumuno sa pag babantay

"Paumanhin, Prinsepe Brazen ngunit hindi pa rin namin kayong maaring papasukin."magalang na tugon nito

"Kung ganon saan kami maaring maka daan upang makapunta sa bayan nang Therondia?"nag pipigil nang inis na tanong ni, Seika rito

"Kung daan sa lupa Ang tinutukoy mo binibini ay wala tanging sa himpapawid na lamang ang maari niyong daanan kung hahayaan kayo nang mga taga pag bantay roon."may paliwanag na sagot nito

" Kung ganun ay walang kasigaraduhang makakapunta tayong bayan nang Therondia."inis reklamo ni,Seika

"Ano bang maari naming gawin para hayaan niyo kaming makadaan?"malunay na tanong ko rito

"Paumanhin ngunit hindi talaga pwe-"

"Kahit na ako pa ang humingi nang pabor sa iyo?"lahat kami ay napalingon sa biglang pag sulpot ni, Darvyn sa aming tabi

"Nakikilala ko ang iyong boses ngunit hindi ko sigurado dahil hindi ko kita ang iyong mukha."Kunot noong saad nito

"Ngayon nakikilala mo na ako,Yevier?"kasabay nang tanong nito ay ang pag alis niya nang takip sa mukha niya

"Binibining Shahan."gulat nitong saad ngunit agad rin ito nag bigay galang rito

"Ang Binibining Shahan ay narito mag bigay galang kayo sakanya."utos nito sa mga kasamahan niya na agad nilang sinununod sabay sabay silang yumukod sa harapan ni,Darvyn na ikinagulat ko at siguradong ganun din ang iba

"Yevier."may pag babantang tawag nito

" Paumanhin, Binibining Shahan. Ngunit nais ko lang malaman kung anong ginawa niyo rito lalo na sa pag kakaalam namin ay ipinadala ka nang iyong, Ama sa Mystical Regal Academy?"may pag aalinlangang tanong nito ngunit hindi pa rin nawawala rito ang pag galang

"Yevier, alam mong Hindi ko hilig sumagot nang tanong." walang ganang sagot nito

"Paumanhin,Binibining Shahan kung ganun ay hahayaan naming padaanin kayo."naka ngiting sambit nito saka tumabi sa gilid ganun din ang mga tauhan nito upang bigyan kami nang daan

"Maraming Salamat, Yevier maasahan ka talaga."

"Walang anuman, Binibining Shahan maligayang pag babalik sa Therondia Kingdom."

"MALIGAYANG PAG BABALIK BINIBINING SHAHAN!" sabay sabay na sambit nang mga tauhan nito

Napa iiling iling na lang sakanila si,Darvyn saka pinangunahan ang pag lalakad. Agad na sumunod kami rito kahit na sa totoo lang ay naguguluhan ako

"Isa ka bang maharlika, Darvyn?" tanong ni,Troy rito na sa tingin ko ay hindi na nakatiis,saglit na nilingon ito ni, Darvyn bago muling ibalik ang tingin sa dinadaanan nito

"Sabihin mo sa akin, Troy kung mahalaga kaba sa akin upang sagutin ko ang tanong mo?"balik tanong na sagot nito

"Bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong niya."inis sa sabat ni,Seika rito

"hayt hindi halatang naiinis ka pag nadidinig mo ang boses ko."

"Dahil lahat nang tungkol at may kinalaman sayo ay ayaw ko." inis sa turan rito ni,Seika

"Wag kang mag alala hindi rin kita gusto at Hindi ko ginustong gustuhin niyo ako."saad nito,bakas sa boses nito ang ngiti

"Tandaanan mo nandito ka sa bayan nang Therondia kung may gagawin man akong masama sayo..." pambibitin nitong saad

" Ano?"pag aamok ni,Seika rito " Anong gagawin mo sa akin? Papatayin mo Ako?ganun ba."dugtong nito na tinawanan lang ni,Darvyn na mas ikinainis niya

"Bahala kang maisip nang kung ano ano tinatamad na akong asarin at inisin ka."walang ganang turan nito saka Hindi na muling umimik dahil tulad nang sinabi nito tinamad na siya..

Hindi na rin pinag pilitan pa ni,Seika dahil mukhang nahalata nitong kahit anong gawin at sabihin niya at hindi na niya ulit mapag sasalita si, Darvyn.Tahimik naming ipinag patuloy ang pag lalakbay patungong bayan nang Therondia....

The Therondia Kingdom[Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora