1

405 7 0
                                    

Hiyang hiya ako nang makalabas sa elevator samantalang yung lalaki kanina ay pangisi ngisi lang sa di kalayuan. Pasimple ko naman siyang sinamaan ng tingin tapos ay mabilis nang pumasok sa classroom ko na unfortunately ay classroom niya rin!

Arghh!! Paano na to ngayon?? Umiiwas na nga ako sa gulo kasi nga gusto kong mamuhay na simple at normal pero yung gulo naman ang lumalapit sa akin!

"Young-- I mean Mara, yung libro mo nahulog."

Napaangat naman ang tingin ko sa nagsalita at si Ryeon pala.

"Thank you." Pagpapasalamat ko sa kanya saka tinanggap ang libro.

Magkaklase din pala kaming dalawa sa halos lahat ng subject kasi hindi talaga pumayag si mommy na malayo itong butler ko sakin.

Bahagya naman siyang yumuko bilang paggalang at umupo na siya sa likurang bahagi ng upuan ko.

Wala pa ang professor namin kaya pakalat kalat pa ang mga kaklase ko and even yung antipatiko kanina ay hindi pa pumapasok sa classroom pero nakatingin naman sa akin.

Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya kasi maraming mata na namang nakabantay lalo pa dahil sa nangyari kanina. Tsaka pakialam ko naman sa lalaking yon? Di bale nang hindi siya nagsorry sa akin basta't malayo lang ako sa kanya.

"Hi! Your Mara right?"

One girl approached me na ikinagulat ko naman. Ito iyong nakaupo sa katabi kong upuan kasunod nong antipatikong lalaki.

"Yeah." Malamig kong sambit at iiwas sana sa kanya nang magsalita ulit siya.

"Ang tipid mo namang magsalita. Pwedeng makipagkaibigan sayo? Wala kasi akong kaibigan ditong babae kasi lahat sila naiinis sakin dahil pinsan ako ni Rouffer. Raya nga pala." Pagpapakilala niya.

Magpinsan sila nung antipatiko na yon? Edi mas lalong ayaw kong makipagkaibigan sa babaeng to.

"Ayaw mo rin sakin? Gusto pa naman kitang maging kaibigan kasi ikaw lang yung babaeng kilala ko na kayang sigawan si Rouffer. Sobrang yabang kasi ng isang yon."

"Sorry, hindi kasi ako nakikipagkaibigan ng basta basta lang." Sambit ko naman na ikinatango niya.

"Ganon ba. Okay lang. Pero kung ready ka nang makipagkaibigan sa akin, kausapin mo lang ako. Tsaka..tutulungan kitang putulin ang sungay ng mayabang kong pinsan." Bulong niya sa pinakahuli.

Ang makipagkaibigan sa iba ay nangangahulugang nagtitiwala ulit ako sa ibang tao. Pero hindi ngayon. Maybe soon but not now kasi kikilalanin ko muna ang mga taong kakaibiganin ko.

Hindi narin ako kinulit ng babae kasi dumating na yung proof namin.

I am not friends with her pero dahil magkablock kami at pareho lahat ng mga klase namin ay hindi ko rin siya naiwasan. Panay din kasi ang sunod niya sa akin kahit ayaw ko.

Halos tatlong linggo narin siyang sunod ng sunod sa akin at hindi lang yon dahil kinaibigan niya rin si Ryeon na nagpapakanerd ngayon. Ang ending, kaming tatlo ang magkakasama lagi at nababantayan pa ako ng butler ko kahit saan ako magpunta.

"Sa tingin ko sobrang yaman ni Ryeon." Pagdadaldal ni Raya at sinundan ng tingin si Ryeon na umoorder ng pagkain namin.

"Paano mo naman nasabi?" I asked her normally like were really are friends.

Actually, unti unti na akong nagtitiwala sa kanya and besides..hindi naman sila close nung pinsan niya.

"Hello? Black card kaya yung gamit na credit card niya. Ni hindi ko yon nakikitang nagbabayad ng cash dito.!" Anito

Oh? He's using it again? Hindi pa ba sanay ang butler kong yon na magwithdraw at gumamit ng cash? Mapagsabihan nga mamaya.

Naku naman! Bakit ba kasi binibigyan sila ng mga credit cards na no limit? Ayan tuloy nasasanay!

Waves Of Love Series 1: Calm Waves (Ideal Love)[COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now