14

226 8 0
                                    

After our memorable honeymoon ay bumalik na kami sa syudad at syempre balik trabaho narin. Siya bilang CEO ng sarili niyang kumpanya at ako bilang isang Architect ng firm namin. Although we are busy ay hindi kami nawawalan ng oras sa isa't isa. Sabay kaming pumapasok at sabay din kaming umuuwi.

But then some changes happened with us nang hindi ko inaasahan.

We are on our sixth month of being happily married when I felt something different on him. Ewan ko kung nahahalata niya yon pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. I was being moody this past few days just like today.

"Bakit nauna kang umuwi mi amor? Hindi mo manlang ako hinintay." Sambit niya nang maabutan niya ako na abala sa panonood ng palabas sa tv. Hahalikan niya sana ako nang agad akong lumayo sa kanya saka pinatay ang tv at nagkunwaring may kukunin sa kusina.

"Mi amor? May problema ba?" Anito na sinundan pala ako na may nagtatakang mukha. Doon naman ako natigilan at huli ko lang narealize ang ginawa ko.

"Ah..nothing love. Anong gusto mong hapunan? Magluluto ako." I told him saka umiwas ng tingin at kumuha ng tubig na maiinom.

Whats with me lately??

"Don't bother to cook mi amor. Bumili ako ng hapunan natin habang papauwi. I know you're tired." Anito sabay inilapag sa mesa ang dalawang paper bag na may tatak ng mamahaling restaurant which was owned by him.

Nalanghap ko naman ang mabangong amoy ng pagkain ng buksan niya ang mga box kaya agad akong natakam.

"Whats that?" I asked sabay lapit sa kanya at tiningnan kung ano ang binili niya.

"Beef Rissotto, Tuna Carbonara and fresh Salad." Anito sabay lagay ng mga ito sa plato.

"It looks delicious." Sambit ko

"It is now lets eat before it gets cold." Aniya sabay hapit sa bewang ko at inalalayan akong umupo sa madalas kong inuupuan.

"Thanks hubby." I said then I kissed him on his lips na nagpaliwanag naman ng mukha niya.

Pinagsilbihan naman niya ako then sabay na kaming kumain. Halos ako ang umubos ng lahat ng binili niya kasi sobrang nasarapan ako sa luto lalo na ang Carbonara na noon ay hindi ko halos kinakain.

"Err..did I eat too much love?" I asked him pero nangingiti naman siyang umiling.

"Not really mi amor, tho I am surprised to see you eat this carbonara."

"Ah yeah..ngayon ko lang narealize na masarap pala yan kaya nagustuhan ko."

"Yeah..I can see that. Anyways, are you busy tomorrow? May ipapakilala kasi ako sayo." He asked na nagpakunot naman ng noo ko.

"Who?"

"You'll know it tomorrow mi amor." Anito saka hinapit ako sa bewang at mariing hinalikan.

"I missed you." He whispered and then namalayan ko nalang na binuhat na niya ako papunta sa kwarto namin at agad akong inangkin ng paulit ulit.

After that ay akala ko gagaan na ang pakiramdam ko pero parang lumala lang ang pagiging moody ko lalo na nang ipakilala niya sa akin ang isang babae ni minsan ay hindi ko pa nakikilala at nakikita.

"Vieldaine, I would like you to meet my lovely wife Mara and Mi Amor, this is my dear friend Viel." Pagpapakilala ng asawa ko doon sa magandang babae. Yes, she is beautiful although morena siya ay angat parin ang ganda niya. She's sexy too at mas matangkad siya sa akin ng kaunti.

"Hi! Finally I was able to meet you! Ilang beses ka nang ikinukwento sa akin nitong asawa mo pero ako mukhang hindi niya nababanggit sayo. Vieldaine nga pala or Viel for short. Ang ganda ganda mo naman pala kaya hindi ka na nilubayan nitong kaibigan ko." Masaya niyang sambit at siniko pa si Rouffer.

Waves Of Love Series 1: Calm Waves (Ideal Love)[COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now