5

263 7 0
                                    

He let go of me after I said that pero akala ko ay hahayaan na niya akong umalis mag-isa pero sumunod siya sa akin at hinawakan pa ako sa kamay!

"Rouffer!!"

I shouted at him saka napatingin sa paligid.

"What??"

"Yung kamay ko bitawan mo!" I demanded pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa akin.

"Ayoko."

"Baka may makakita sa atin dito! Bitaw na!"

"Hayaan mo sila tsaka para makita ng Volter na yon na akin ka." Sambit nito at nagpantig naman ang tenga ko don.

This guy is unbelievable!

"Anong sayo ako? You're not even my boyfriend for you to own me!"

"Then I will be one! I'll be your boyfriend right now!"

What the hell??

"Ano ba Rouffer! Seryoso ako dito at wag kang magbibiro ng ganyan! Tigilan mo ko!"

"Mukha ba akong nagbibiro Mara? I like you if it is still not obvious to you. Pagod na akong palihim na magkagusto sayo. Mali pala, pagod na akong magmahal sayo sa malayo." He confessed na ikinanlaki naman ng mata ko.

Kanina lang gusto tapos ngayon mahal na??

"I love you Mara, I really do at maghihintay ako hanggang sa mahalin mo narin ako pabalik. I will fight for you at wala akong pakialam makalaban ko man si Volter."

Napapikit naman ako at hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. This is too much to take and this is a first time too!

"Rouffer??"

Agad agad naman akong napabitaw sa kamay ni Rouffer nang marinig ko ang boses ni Yana. She's the girl na ex daw at sumira ng pagkakaibigan ng lalaking to at ng kapatid ko.

"You look awful!! Paano na bukas kung ganyan ang mukha mo? It will ruin our image!!"

Agad nitong sambit na nagpakunot naman ng noo ko sa sinabi nito. Mas mahalaga pa talaga sa kanya ang imahe niya. Pero anong meron bukas?

"Then look for someone in exchange of me. I don't want to be involved in that boring photoshoot or whatever do you call that!."

"Magagalit ang Dad mo Rouffer!"

Dad? Eh yun nga yung dahilan kung bakit ganito ang mukha ng lalaking to.

"He already are and I don't care! Lets go Mara." Rouffer at hinila na ako palayo doon kay Yana na natigilan sa sinabi nito.

"Teka nga Rouffer! Wag mo kong hihilahin!"

"Sorry. May susundo ba sayo?"

"Ano naman sayo kung meron?"

"Ang sungit mo naman. Nagtatanong lang eh."

"Tsk."

Bakit ba kasi antagal ng kapatid ko? Nasaan na kaya yon? Akala ko nandito na siya pero wala parin pala! Ayoko nang makasama ang isang to dito kasi naiilang ako sa kanya e!

"Will you stop staring at me?" Inis kong sambit

"Why would I? Ang ganda mo kasi kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan ka."

Argh!! This guy!

"There you are Mara! Sorry for taking so long."

Finally at dumating narin!

Agad naman akong lumapit sa kapatid ko at kumapit sa braso niya.

"Okay lang." Sambit ko at inirapan si Rouffer. Agad namang napansin ng kapatid ko ang ginawa ko kaya tinaasan niya ako saglit ng kilay bago kinausap ang kaibigan niya.

Waves Of Love Series 1: Calm Waves (Ideal Love)[COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon