17

248 7 0
                                    

I don't know if what I'm thingking is real but to make sure, I will make a consultation to a doctor. Nagset ako ng appointment sa kaparehong doktor ni Viel at mamaya agad ako pupunta doon after ng trabaho.

"Pat, I'll be out early today. I have some personal erands to do. By the way, I already finalized everything and okay naman na lahat ng ipepresent natin bukas. Just tell the others to ready other designs if ever some changes will happen but just stick to the plan." I told one of my staff nang daanan ko ito sa cubicle niya bago makaalis.

"Yes Miss Mara. I'll tell the others po. Ingat po." Nginitian ko naman siya at nagpasalamat.

"Thanks! I'll go ahead!" Then I make my way to the elevator.

Pagbaba galing sa floor kung nasaan ang opisina ko ay nakasabayan kong bumaba si Rye na nagtatrabaho din dito sa firm namin.

"Hey Rye, are you going out?" I asked him at agad naman niya akong sinagot.

"Susunduin ko lang si Raya. Aalis ka?"

"Yup! May pupuntahan lang ako jan sa malapit na hospital."

"Hospital? Anong gagawin mo don? May sakit ka ba?"
Concerned niyang sambit kaya umiling naman ako.

"Nah..may pinapasuyo lang si Viel."

"Oh okay. Sabay ka na sakin at dadaan naman ako sa pupuntahan mo. Come on." Agad naman akong pumayag then nang makarating sa ospital ay nagpasalamat ako sa kanya.

"Thanks Rye! Say hi to Raya for me! Tell her I'll call her later tonight."

"Sure, take care Mara. I'll call the driver para mahintay ka dito at maihatid ka pauwi." Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.

He really still acts as my butler even though hindi na siya nagtatrabaho sa bahay.

"Thanks again! Ingat ka sa pagmamaneho." Nang makaalis si Rye ay saka lang ako pumasok sa loob ng ospital at dumiretso sa clinic ng OB at pumunta sa secretary nito.

"Hi, I have an appointment with Dra. Guerreiro."

"Oh yes Mrs Aspero. Pakihintay nalang po siya sa loob. Patapos narin po yung rounds niya in a minute."

"Okay, thank you."

Kaunting oras naman ang hinintay ko bago dumating ang doktor.

"Hi Mara, whats with this sudden appointment?"

"I just want to make sure about something."

"Oh? You mean you want to be sure if your pregnant?"

"Yeah.."

"Then lets check you so that we will know if you're pregnant or not." I nodded in response then she checked me.

I was a bit nervous and I have some mixed emotions right now. Paano kung hindi at false alarm lang? I don't want to disappoint myself pero paano naman kung tama nga ang hinala ko?

Meanwhile after she checked me in the help of an apparatus ay ngumiti siya.

"Congratulations! You are almost nine weeks pregnant!" Sambit niya kaya namilog naman ang mata ko and then napaluha dahil sa sobrang tuwa!

Oh my God!! I'm nine weeks pregnant and I didn't notice it beforehand! Kaya pala ang weird ko lately kasi buntis ako!

"Thank you Korrine..and ahm what should I do? Kagaya rin ba ni Viel ang gagawin ko?"

"Yes and here para wala kang makalimutan. Tsaka sabihin mo agad to sa asawa mo at of course, iwas iwas muna sa stress ha?"

"Yes of course, thank you again. Pagbalik ko dito kasama ko na si Rouffer."

Waves Of Love Series 1: Calm Waves (Ideal Love)[COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now