8

229 8 0
                                    

After my brother left ay tinitigan ko ulit si Yana.

Ang ganda talaga ng babaeng to. Kaya siguro hindi siya tinitigilan ng kapatid ko kahit nagkaproblema sila noon. Hindi rin naman kasi ginusto ni Yana na hiwalayan si Volter atsaka hindi naman pala totoong naging si Rouffer at Yana kasi palabas lang ang lahat sa kanila noon para paniwalain ang mga magulang nila. Tsaka sa totoo lang ay mabait si Yana kahit medyo may pagkamaarte siya minsan.

"Dito ka na Yana. Tabi ka sakin at wag ka nang mahiya." Sambit ko at hinila siya paupo dito sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

"Oo nga naman tsaka kailan pa naging mahiyain ang isang Yana Klariz Milano?" Dagdag naman ni Raya sa sinabi ko.

"Thanks girls. Akala ko kasi ayaw niyo sakin kaya medyo nagdadalawang isip ako na kausapin at lapitan kayo." She said at nginitian ko naman siya.

"Noon yon pero hindi na ngayon. Hindi ka naman pala gaya ng iniisip namin. Pero maiba tayo, kailan pa kayo nagkabalikan ni Volter? Tsaka..uhm.. may sinabi ba siya sayo tungkol sa amin?" May pagdadalawang isip na sambit ko.

She smiled at me bago nagsalita.

"Yesterday lang kami nagkaayos and yeah, he told me everything. Tsaka..I kind of get jealous of you kasi nakita ko siyang nakayakap sayo so ayon at nasabi niya sa akin ang lahat. I promise wala akong pagsasabihan na iba." Anito at naamuse naman ako sa sinabi niya samantalang napatawa naman si Raya.

Pinagselosan niya ako?? Ganon ba talaga kalayo ang mga mukha namin ni Volter sa isa't isa? Hmm, maybe kasi ako pinaghalong mukha ni mommy at daddy samantalang siya naman kamukhang kamukha ni daddy.

"Thank you. Anyways, I am happy for the both of you."
I told her sincerely and she smiled geniunely because of what I said.

"Alam niyo girls, labas tayo mamaya para makapagkwentuhan pa tayo. Iwanan natin ang mga boys. May alam akong bagong cafe malapit dito sa school. Ano game kayo?" Pagyayaya ni Raya na agad naman naming sinang ayunan ni Yana.

Meanwhile ay nagsimula na ang laro kaya mas lalong napuno ang gym at mas lalo ding umingay ang paligid. May nagchicheer kasi sa kabilang grupo at meron ding sa groupo ng school.

"Bakit nga pala hindi ka sumali sa cheering squad ngayon Raya?" I asked kasi ilang linggo din siyang nagpapractice tapos hindi naman pala siya kasama sa kanila.

"I quit. Masyado kasing nagmamagaling ang iba tsaka mga plastic kaya ayokong makisali sa kanila lalo na sa Amira na yon na lagi akong sinisiraan. Tsk!"

Kaya naman pala.

"That girl is a b*tch kaya tsaka attention seeker pa. Akala mo kung sinong maganda at panay papansin kay Volter just like what she is doing right now. Nakakainis!" Inis na sambit naman ni Yana.

"Ay sinabi mo pa girl! Even si Ryeon babe ko ay inaakit niya! Ang landi talaga sobra!"

"Sabunutan natin mamaya gusto niyo? Hindi pa ako nakakaganti sa ginawa niya sakin eh."

Hindi ako palaaway na tao pero ayoko nang maging mahina gaya ng dati.

"Ay game ako diyan! Hindi ko yon uurungan!"

"Me too!"

Sambit ng dalawa at nagtawanan kami pagkatapos. Hindi na tuloy namin namalayang nasa kalagitnaan na ng laro.

I think I will going to have a long time friendship with this two. The three of us are so much alike and I'm happy to meet them after being alone for a long time. Hindi naman totally alone kasi nanjan naman ang family ko tsaka mga pinsan kong lalaki pero iba parin kapag kagaya mong babae ang maging kaibigan mo.

Waves Of Love Series 1: Calm Waves (Ideal Love)[COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now