3

257 8 0
                                    

Naging intense ang laro nila at habang patagal ng patagal ang laro ay dumadami narin ang nanonood dito. Volter's group is on the lead again and almost 3 minutes nalang at matatapos na ang game nila.

"Hala! Mukhang matatalo pa yata sila Rye!"

"Mananalo yan, marami pang time." Sambit ko at napatingin naman si Raya sa akin.

"Ayaw mo bang manalo sina Captain?" Nagtataka niyang tanong at napakibit balikat lang ako.

Nang isang minuto nalang ang natitira ay biglang nagbago ang scores at biglang naging malaki ang lamang nina Rye. Then in the end ay nanalo na nga ang grupo nina Rye at Rouffer.

Napangisi naman ako sa kapatid ko na laglag ang panga ngayon at nakatingin sa akin.

Told ya! I mouthed at him.

"Lets greet them Mara!!" Raya at hinila na ako papunta sa gawi nina Rye. Nang makarating naman ay binati niya ang pinsan niya at syempre si Ryeon. I congratulated them too especially my butler.

"Congrats Rye!" I told him at ngumiti naman siya.

"Thank you Miss Mara." Aniya at nainis naman ako sa tinawag niya sa akin.

"Just Mara okay Rye?"

"Ah yeah..Mara then."

Mayamaya ay may tumabi sa akin sa kabilang side. Sino pa ba edi yung kapatid kong laging talo kay Ryeon.

"Welcome to the team Evans. Hindi mo talaga ako pinagbigyan ah."

"Thank you Young Master and sorry too."

"Enough of the formality dude, were here in school not in our house. And it's okay, wala ka paring kupas sa court." Volter told Rye

"Nah..Vice Captain helped in the game too." Rye sabay baling kay Rouffer na kausap naman si Raya.

"Mara."

Tawag ni Volter sa akin kaya tiningnan ko naman siya.

"Ha? Bakit?"

"If someone will hurt you again, don't hesitate to tell me okay? I'm just a call away."

Hindi ko alam kung para saan at sinabi niya yon dito  pero tumango nalang ako para hindi magtaka ang mga kasama namin dito.

But he eyed me meaningfully which means be careful next time and don't get hurt.

Alam kong kahit nasa iisang school kami ay hindi rin kami pwedeng magkasama lagi tsaka busy siya dito sa school at sa mga pinapagawa ni daddy sa kanya so madalas na wala rin siya. And besides, sa condo ko ako tumitira ngayon hindi sa bahay.

"Okay..salamat ulit."

"I'll go ahead. See you around."

Tumango naman ako at umalis na siya kasama ang ibang teammates niya.

"Oo nga pala friend, ano bang nangyari sayo kanina? Sinong may gawa non sayo?" Raya asked at napatingin naman ako kay Rouffer na mukhang gusto ring malaman kung ano ang nangyari sa akin kanina.

Sasabihin ko ba sa kanila ang dahilan? Mas mabuti na siguro para malaman din ni Rouffer at iwasan na niya ako.

"Yung fangirls ni Rouffer, tinapunan ako ng juice sa mukha kanina."

"What? My whom?"

"Mga fans mo. Panay dikit raw ako sayo kaya ayon at nagawa nila sakin yon."

"I think kilala ko na kung sino. Si Amira ba Mara?" Ani Raya at tumango naman ako.

"I'm sorry for what they did Mara. Don't worry pagsasabihan ko sila. They should apologize for what they did to you."

"No need, napagsabihan na sila ni Volter kanina. And if you're really sorry then wag ka na sanang lalapit pa sa akin. Gusto ko ng tahimik na buhay at ayoko ng gulo Rouffer. I hope you understand."

Waves Of Love Series 1: Calm Waves (Ideal Love)[COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now