15

259 7 0
                                    

After that confrontation with Viel ay naging okay na talaga kaming dalawa. We became close and naging mas open pa siya sa akin. Sinasabi niya sa akin yung mga pinagdaanan niya na hindi niya rin masabi sabi sa asawa ko kasi alam niyang papangaralan lang siya nito. Para nga akong nagkaroon ng instant little sister dahil sa kanya. Dalawang taon din kasi ang agwat ko sa kanya.

It's been two days since wala si Rouffer kaya inaabala ko nalang ang sarili ko sa pakikipag-usap kay Viel. Hindi rin kasi ako pumasok dahil masama ang pakiramdam ko.

"Paano nga pala kayo nagkakilala ng asawa ko Viel?" I asked her kasi hindi ko talaga alam kung paanong naging magkaibigan silang dalawa.

"High school  na ako non sa probinsya namin ng makilala ko siya. Gabi ang uwian ko that time dahil sa project sa school at saktong hindi ako nasundo ng driver namin kaya nagcommute ako pauwi. Then hindi ko aakalain na nambibiktima pala yung nasakyan kong taxi. Muntik na akong makidnap pero laking pasalamat ko nang dumating siya. Sakto kasing napadaan siya galing sa malapit na sementeryo at nakita niya ang pangyayari kaya ayon at nailigtas niya ako. Tapos ayon simula non ay naging magkaibigan na kami at sinasamahan na niya ako lagi tuwing uwian. Baka daw kasi mapahamak na naman ako tsaka schoolmate ko rin kasi siya that time. Tsaka alam mo ba, pinagtatanggol niya ako sa tuwing sinasaktan ako ng parents ko. Mas mukha pa nga siyang kapamilya ko kaysa sa totoong pamilya ko."

Napangiti naman ako sa sinambit ni Viel. I know my husband is really kind hearted though may pagkamayabang lang talaga minsan.

"What? Sinasaktan ka ng parents mo before? Why?" I asked nang maalala ang sinabi niya.

"Kasi hindi ko nagagawa ang gusto nila. They want me to excel in academics at laging manguna sa klase pero hindi ko kaya eh. I mean matalino naman ako pero hindi ko kayang higitan ang kaklase ko na mas matalino pa sa akin. Although ginagawa ko naman ang best ko noon ay hindi parin sapat sa kanila. Nakakahiya daw kasi sa isang tulad kong galing sa pinakakilalang pamilya sa amin na hindi manlang magawang makakuha ng pinakamataas na marka. Tapos noong nakatapos na ako ng college, gusto nilang ipakasal ako sa lalaking galing din sa mayamang pamilya para mas yumaman pa kami tsaka para daw hindi ako maging pabigat sa kanila pero hindi ako pumayag kasi may mahal akong iba. So ayon itinakwil nila ako kasi wala daw akong kwentang anak. Kaya nga wala na akong uuwian sa amin eh." Naiiyak niyang sambit habang nagkukwento at agad naman akong nahawa sa kanya.

"I'm sorry for asking Viel, it must been hard for you that time. Mabuti nalang at nakilala mo si Rouffer. I bet he was the one who helped you to be here?"

"Actually hindi..wala siyang alam not until we met here in Manila three years ago."

"Huh? Kung hindi siya ang tumulong sayo, sino?"

"Kasi..sumama ako sa lalaking mahal ko dito. Akala ko kasi magiging maayos din ang buhay ko kapag hindi ko sinunod ang parents ko but I was wrong. Ilang taon lang kaming nagsama ng ex ko without me knowing na may sariling pamilya na pala siya dito. Niloko niya ako at nagsisisi ako na nagpaloko ako sa kanya. Sobrang tanga ko kasi at nagpabulag ako sa pag-ibig atsaka yon din ang rason kung bakit nandito na ako ngayon. Nagpapasalamat nga talaga ako kay Jex kasi lagi siyang dumadating sa tuwing kailangan ko ng makakapitan." She said at mukhang may gusto pa yatang sabihin pero hindi niya masabi sabi.

"May iba ka pa bang sasabihin Viel? Pwede mong sabihin sa akin, makikinig ako." Sambit ko kaya nanginginig naman niya akong tiningnan.

"K-kasi Mara.. nabuntis ako ng ex ko. Mag-iisang buwan na akong buntis at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Paano ko bubuhayin ang anak ko kung sarili ko nga hindi ko na kayang buhayin?? Wala akong trabaho kasi tinanggal ako gawa ng asawa ng ex ko tapos wala narin akong pamilyang uuwian kaya paano na ako? Kami ng anak ko??" Pagkasabi niya non ay napaiyak na siya ng tuluyan.

Waves Of Love Series 1: Calm Waves (Ideal Love)[COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon