16

253 8 0
                                    

Halos isang oras akong nakatulog at nang makalabas sa kwarto ay nakita ko ang pinsan ko. Kaya pala sila magkakilala ni Viel ay dahil classmates na sila wayback in college and then nang magkita ulit ay naging magkaibigan sila. Actually, I can sense that my cousin likes Viel.

"Oh? Tapos na kayong mag-usap? Si Viel asan?" I said nang makita kong aalis na ang pinsan ko.

"Yes ate. Nakatulog si Viel kaya hinatid ko na sa kwarto niya. Pakisabi nalang pala sa kanya na umalis na ako kasi may kailangan lang akong ayusin sa opisina. Pero babalik din ako dito bukas, uh..kung okay lang?" He answered then ngumiti naman ako.

"Of course couz, ikaw pa. Tsaka may ikukwento ka pa sakin. Ingat sa pagdadrive ah? And don't worry aalagaan ko si Viel."

"Thank you ate. Alis na ako." Anito saka lumabas na ng bahay.

Kinagabihan ay ipinagluto ko si Viel ng pagkain. She likes pasta a lot lately katulad ko kaya yon ang niluto ko para sa hapunan namin.

"Oh buti naman at gising ka na. Tamang tama at tapos na akong magluto. Lets go and lets eat."

"Si Reath po ate?" Hanap niya kay Ken kaya sinabi ko naman na kanina pa nakaalis.

"May gagawin daw sa opisina kaya umalis agad pero babalik siya dito bukas."

"Huh? Bakit naman?"

"Anong bakit ka jan? Malamang para sayo. Pero alam mo bagay kayo ng pinsan ko. Tsaka mukhang may gusto sayo yon kasi hindi yon mag-aalala ng ganon sayo kung wala."

"Alam ko ate, matagal na niyang sinabing may gusto siya sakin at ilang beses ko na rin siyang nareject pero nakita mo naman at nanjan parin siya para sa kin sa kabila ng lahat. Akala ko nga sumuko na siya sakin dahil sa kalagayan ko ngayon pero hindi at tinanggap niya parin ako. Sana nga siya nalang ang minahal ko eh."

"It's not too late Viel tsaka malay mo, kayo pala talaga ang para sa isa't isa."

"Hindi ko alam ate pero sa ngayon ay gusto ko munang ituon ang atensyon ko sa magiging anak ko."

Hindi na ako nagkomento pa at iniba nalang ang aming pinag-uusapan.

Kinabukasan ay nasorpresa ako nang unang nakita ko pagkagising ko ay ang nakangiting mukha ng asawa ko. Teka..asawa ko?

"Love??"

"Suprise mi amor! I'm home!"

"Akala ko ba extended ka sa business conference mo?"

"Palusot ko lang yon love tsaka mababaliw ako kakaisip sayo habang nasa malayo ako. D*mn I missed everything about you!" Anito at siniil ako ng isang matamis na halik sa labi.

"Kailan ka pa dumating love?" I asked him again pagkatapos ng halikan naming dalawa at nagsusumiksik sa katawan niya. His scent is really addicting at namiss ko ang ganitong posisyon namin.

"Kagabi pa actually. Hindi na kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo." Sagot naman niya saka hinimas ang buhok ko. Parang gusto ko tuloy matulog ulit.

"Nakapagpahinga ka ba ng maayos?"

"I'm fine love. Anyways, maaga akong aalis dahil bibisitahin ko ang opisina. I already cooked your breakfast at ipapasundo nalang kita sa driver then well have lunch together later, okay?

"Okay? But hindi ka ba talaga muna magpapahinga at babalik ka kaagad sa trabaho?"

"Okay lang talaga ako love. Come on at baka lumamig na ang pagkain. Ako na ang gigising kay Viel. I'll wait you outside before I go."

Tumango nalamang ako saka tumayo para makapag-ayos ng sarili bago kumain at pumunta sa trabaho.

Nang makalabas ng kwarto ay umalis na agad siya leaving me and Viel again.

Waves Of Love Series 1: Calm Waves (Ideal Love)[COMPLETED] ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora