7

11.3K 437 77
                                    

NAPASINGHAP nang malakas si Boying, nanlalaki ang mga mata sa takot. Ganoon din ang makikita sa mga lalaking nasa paligid nang ang takong ni Nayumi ay manatiling nakadikit sa mukha nito, hindi bumabaon. Ni hindi makuhang kumilos paatras ng lalaki. Munting pagkakamali ay natitiyak nitong babaon sa mukha nito ang matulis na takong ng boots.


"Subukan mong kumilos!" Nayumi warned angrily. Ang mga kamay niya'y mahigpit na nakakuyom at nakahandang umigkas. Now she was furious. "Tingnan natin kung sinong babae lang."


"Shit." Ang narinig ni Nayumi na inusal ng lalaki sa likuran niya at pagkatapos ay naramdaman niya ang tila bakal na mga daliri nito sa mga balikat niya.


"Kung mapapairal mo ang katinuan ng isip mo," bulong nito malapit sa tainga niya. "Na hindi mo ginamit nang pumasok ka rito, ipinapayo kong ngayong oras na ito'y sumama ka nang mahusay palabas ng bar na ito. Hindi natin parehong gustong paglamayan kinabukasan...""Shut up!" she hissed.


Nakita ni Nayumi ang mailap na pag-ikot ng mga mata ni Boying sa mga kasamahan nito sa mesa. Ito at ang iba pang mga kasama ay apat lahat. Kaya niyang labanan ang mga ito. At papayagan ba ng mas nakararaming customers ang ano mang maaaring gawin ng mga kasamahan ni Boying sa kanya?


Definitely not. Besides, hindi ba lahat ng bar ay may bouncer? Surely this bar must have one, she thought weakly.


"Kung iniisip mong kaya mong lumaban sa mga iyan, nagkakamali ka. Bukas, sa estero ka matatagpuan. Now, behave and let's get out of here."


Hindi niya gusto ang paraan ng pagmamando nito. Pero hindi rin naman niya mababale-wala ang kaseryosuhan sa tinig ng lalaki sa likuran niya. Nararamdaman niya iyon.


Tama man o hindi ang sinasabi nito, unti-unti ay bumaba ang binti niyang nakaamba sa mukha ni Boying. Dahan-dahan ding lumuwag ang pagkakakuyom ng mga kamay niya at ibinaba ang mga braso bagaman lahat ng senses niya'y alerto sa anumang panganib. Narinig niya ang maluwag na pagpapakawala ni Boying ng hininga. Ganoon din ang estrangherong pakialamero sa likuran niya.


"Sumama kang lumabas nang walang argumento," wika ng lalaking tinawag na "boss" ni Boying. Hinawakan siya sa braso at nagmamadaling inakay siya palabas."I–I haven't paid my—"


"Akong bahala roon. Let's go."


Tila maamong tupang sumunod siya, wondering at the same time why she meekly obeyed this stranger. And she thought she had discarded her old self. She grunted at herself.


Pero may pinukaw sa kanya ang lalaking ito na hindi niya mawari kung ano. Something like fear? Iyon ba ang nararamdaman niya sa estrangherong ito? Surely not!


Buong pagkagahamang nilanghap niya ang sariwang hangin nang makalabas sila, umaasang matatanggal niyon ang lahat ng toxic na nasinghot niya sa loob ng Taverna. Pagkatapos ay pinakawalan niya ang braso sa pagkakahawak ng lalaki. She could still feel the imprint of his fingers on her arm. Hinaplos-haplos niya ang brasong hinawakan nito. Natitiyak niyang magmamarka iyon mamaya lang.


Tinapunan niya ito ng tingin. Madilim sa parking lot. His face was partly shadowed. And the image that came immediately to mind for this man was that of a sleek, dangerous, black cat.


**********Hello sa inyo mga beshie. :) Kumusta ang lahat? - Admin A ********************

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon