13

13.2K 522 49
                                    


PADAUSDOS na bumaba mula sa malaking bike si Nayumi. Tumayo siya subalit ni hindi nakuhang humakbang. Umiikot ang paningin niya at napahawak siya sa binti nito.Paano siyang nahilo sa kaunting alak na kanina pa niya ininom?


"Namumutla ka.""Dalawang shots lang naman ang nainom ko," mahina niyang sabi."Dahil hindi ka naghapunan. Ang sabi mo'y sa hotel ka kakain pero hinintay mo lang na makaalis ako at tumakas ka na."


She glared at him. "You're a bully, don't you know that?" She took a step but the ground rolled. Inalalayan siya ni Ivan papasok sa hotel. Hiningi nito ang susi sa counter at inakay siya patungo sa elevator.


"Gusto mong pumasok?" anyaya niya pagkatapos buksan ni Ivan ang pinto ng silid niya."And watch you get sick? No, Ma'am."


"I won't puke, promise." Subalit nanatiling nakatayo sa pintuan si Ivan, not bulging a muscle. She pouted. "What are you afraid of, bad boy?" Careful, Naya.


Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nito at nanatiling nakatitig sa kanya. Humarap si Nayumi rito, tumaas ang mga kamay at ipinaloob iyon sa jacket nito. A muscle tensed beneath his shirt. Still, he didn't move.


"Hindi mo alam ang ginagawa mo sa dalawang shot na ininom mo, Nayumi."Iyon ang unang pagkakataong tinawag siya nito sa pangalan niya. It sounded sexy coming from his lips.


"Do you know that since that day you saved me from those kidnappers I've been fantasizing about you?" Talaga sigurong nalasing siya para masabi iyon at magawang haplusin ang dibdib nito. "I was really so disappointed when I heard my father talking to Kurt that you left for the States. Yet it didn't stop me from dreaming of you as my knight in shining armour.""You were fifteen. Natural lamang ang hero-worship na nararamdaman mo.""I'm not fifteen now," she said meaningfully.


"Back off, Nayumi," came the low rasp."What will you do, Ivan? Chew me up and spit me out?" Inilapit niya ang mukha rito. The whisper of her breath on his lips. Ni hindi siya kumukurap habang tinititigan ito upang pagmasdan ang magiging reaksiyon nito.


Subalit tila estatwang nanatiling nakatayo roon si Ivan. Walang damdaming rumehistro sa mukha. His stillness tempted her to go on. Gusto niya itong tumugon. She let her mouth hover over his. Her lips almost touching his.


"Now what, Ivan?" Her words moistened his lips. "Mananatili ka lang bang estatwa?"Then his gaze thinned, pale with a predatory gleam. Humakbang ito papasok at sinipa pasara ang pinto. Pagkatapos ay marahas nitong hinawakan ang buhok niya sa likod at hinila iyon. Napaangat ang mukha niya rito.


Bigla'y lumipad palayo ang tapang ni Nayumi. Gumuhit ang agam-agam sa mga mata niya habang nakatitig dito.


"B-bitiwan mo ako..." she croaked, ang mga kamay niya'y nasa dibdib ni Ivan upang itulak ito."See, little tigress?" he rasped in her ear. "You don't know what danger is." He twisted her around. "It was right behind you."


Panic flickered in her eyes as she stared into his fathomless gray eyes. Then she heard him groan.


"Shit, you asked for this." Binitiwan ni Ivan ang buhok niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat at naramdaman niya ang magaspang nitong mga daliri sa manipis niyang damit.It was very erotic. His lips were touching hers yet he still wasn't kissing her.

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon