14

15K 511 92
                                    

TILA tuod na nakatitig si Nayumi sa sasakyan niya. Ang mga upuan sa harapan at likuran ay laslas at nakatumba patalikod. Nakaangat ang carpet sa sahig hanggang sa likod. Ang laman ng glove compartment ay isinabog lahat.


"Oh, God!" bulalas niya sa nanginginig na tinig.


Nang makita ni Ivan na tila bubuway siya ay mabilis siya nitong kinabig payakap. "Sino ang gumawa nito, Ivan?" There was terror in her voice.


Hindi sumagot si Ivan at nakatiim ang mga bagang habang nililinga ang paligid. May mga sasakyang nakaparada sa parking lot at may mangilan-ngilang tao sa di-kalayuan at abala sa kani-kanilang gawain. Pero duda si Nayumi kung may alam ang mga iyon sa nangyari sa Hummer. Nakapagitan sa Hummer ang isang delivery van at isang jeep na puno ng saging na hilaw.


Nang makita ni Nayumi ang bike ni Ivan sa kabilang parking space ay kumawala siya mula rito. "Saan ka galing? Bakit bigla ka na lang sumulpot? Hindi mo ba nakitang—"


"Kanina pa kita sinusundan mula nang umalis ka ng hotel," sagot nito. "Nang iparada ko ang bike ko ay nariyan na rin ang mga sasakyang iyan. Sinundan kita sa loob. Dalawang oras kang nagpaikot-ikot. Nakikipagtawaran. For a rich woman like you..." He let his voice trail off and shook his head.


Nayumi was certain there was amusement in his eyes. Pero tinakpan iyon ng galit at pag-aalala sa nangyari sa sasakyan niya.


Muling ibinalik ni Nayumi ang tingin sa loob ng Wagon Hummer. "W-who could have done this?""Natitiyak kong hindi magnanakaw, Nayumi," Ivan said grimly. Trained eyes surveyed the car's interior. "Walang nawalang anumang bahagi ng sasakyan mo. Nariyan pa rin ang mga car accessories. And those are all so expensive they could have easily dispensed them even at half the price."


"Then... why?"


Naguguluhang umiling ito. "Iyan ang hindi ko pa kayang sagutin. In fact, maliban sa mga laslas na upuan, bukas na glove compartment, at carpet, ay walang nagalaw. Gusto kong i-report natin ang pangyayaring ito—"


"No," mabilis niyang awat. "Hindi na kailangan. The insurance will take care of the damages. At walang nawala. It was purely vandalism. Duda ako kung mahuhuli pa ng mga pulis ang gumawa nito. I just want to go back to the hotel." Suddenly, she felt very tired.


Huminga nang malalim si Ivan, "Iaangkas kita sa bike. Maghahanap ako ng taong mababayaran para isunod sa atin ang Hummer."


Pinigil ni Nayumi ang akmang pagtalikod nito. "I-I can drive the Hummer back to the hotel." She closed ner eyes for one moment. Hindi niya kayang isipin ang uri ng tao o mga taong gumawa niyon sa sasakyan niya.


"You don't have to drive it, Nayumi. Maaari kong—""It's okay, Ivan," she said in a forced bravado. "I'll drive it. Itayo mo na lang uli ang upuan ko."Ivan stared at her with uncertainty in his eyes. Pagkatapos ay tinungo nito ang hood at binuksan iyon. Sinuring mabuti ang makina, preno, at iba pang bahagi niyon. Nang matiyak nito na walang nagalaw roon ay inayos ang driver's seat. Walang kibong pumasok sa loob si Nayumi.Itinukod ni Ivan ang braso sa bubong ng Hummer at pagkatapos ay niyuko siya. "Will you be all right?" he asked softly.

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon