12

13.8K 501 78
                                    

MULA sa pagliko sa kabilang kalye ay natanaw ni Ivan ang pagsakay ni Nayumi sa taxi. Napamura siya. Wala pang kalahating oras siyang nawala.


Hindi nito ginamit ang Hummer upang hindi nga naman siya mag-isip na umalis ito. Smart girl. Lihim niya itong sinundan. Hinayaan niyang may ilang sasakyang nakapagitan sa kanila. Sa isang KTV bar/restaurant ito nagtungo. Muttering an oath, he waited outside.


Sa labas ay mukhang ordinaryo at disente ang restaurant. Pero iba sa loob. Istambayan iyon ng mga drug addict, prostitute, at ng kung sino-sinong halang ang kaluluwa.


At nasa gitna ng lahat ng iyon si Nayumi. So this is her ways of rebelling against her father... and newfound mother. Hindi nakapagtatakang mag-alala si Alvaro sa anak.


Sinilip niya ito. Isang maiksi at makintab na black skirt ang suot nito at sa mga paa'y strappy sandals. Sa pagkakataong iyon ay long-sleeved ang blusa nito na may ruffles sa disenteng neckline at sa dulo ng manggas. It didn't make any difference. Kahit pa magsuot ito ng abito ng madre, she was still sexy as sin.


Nagtiyaga siyang hintayin ito sa labas ng bar. Pagkalipas ng isang oras ay lumabas na si Nayumi. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siyang naroon at nakasandal sa bike niya.Nakapamaywang itong hinarap siya. "My God! You are really taking your babysitting job seriously."


Bahagyang umarko ang kilay niya, cocking his head to an angle. "You're not a baby."A seductive smile curved her lips. Ngayon natiyak ni Ivan na nakainom ito.


"So you've noticed."


Naglandas ang mga mata niya sa katawan nito. "Imposibleng hindi."Ivan liked the way she blushed. He couldn't remember the last time he'd seen a woman blushed. A real one.


"You're becoming a pest!" she countered hotly. "Wala ka bang sariling buhay, asawa kaya?""Are you fishing, lady? If you are, then no. I am not married. Never have been. Wala akong intensiyong ma-trap sa isang babaeng walang iniintindi kundi ang sarili. Tulad mo."


"Oh, I hate you. Ikaw ang pinakaantipatikong bodyguard na nakilala ko!"


Her anger didn't stop him from giving her a leering stare. Beautiful. Just beautiful. And tempting. Alam kaya ng babaeng ito kung ano ang ginagawa nito sa isang lalaki? She was temptation incarnate.


Alam ni Ivan na hindi niya magagawa kay Nayumi ang tinatakbo ng isip niya. Ganoon pa man ay hinayaan niyang magpatong-patong ang imahinasyon niya tungkol dito. He ended up with her image parading through his mind without a stitch of clothing.


Nakaramdam siya ng paninikip ng hininga. At ng pantalon. Huminga siya nang malalim, itinaboy ang agiw sa utak at pagkatapos ay sumakay sa bike at binuhay ang makina niyon."Sakay."


"I'll take a taxi," she said defiantly. Lumakad ito patungo sa gilid ng daan upang mag-abang ng taxi.


Tumingala sa madilim na kalangitan si Ivan, sinisikap kontrolin ang iritasyon. Nang umingit ang pinto ng bar ay napalingon siya roon. Dalawang lalaki ang nakita niyang nakatuon ang mga mata kay Nayumi, nagbulungan at pagkatapos ay humakbang palapit dito.

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon