Chapter 1: Lawrence siblings

172 21 26
                                    

Chapter 1: Lawrence siblings

S H U N

"Shun, I really like you. I know you're aware of that. I don't go a day without seeing you. And I know you like me too. I'm hoping you'll make my heart yearn for you. Would you like to go on a date with me and be with me in the rest of my life?" He then held my hands. I really see desire and love thru his beautiful dark brown eyes.

"I would love to, but..." I sincerely replied to him.

"Ano ba ang bumabagabag sa isipan mo, Shun...? Palayain mo ang iyong sarili sa kung ano man ang bagay na bumabagabag sa iyong isipan.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko nalulunod na ako sa maganda at nangugusap niyang mga mata. Dali-dali akong tumayo sa pagkakaupo ko at hinarap ko ang magandang tanawin dito sa bukid. Kitang-kita ko kung gaano kalawak ang bukirin ang ganda pagmasdan ng mga magsisitaasang mga puno at ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang mainit niyang katawan mula sa likod ko. At hinagkan niya ako.

"Masyado ata kitang minadali. Ayos lang sakin na mas pag-isipan mo pa ang desisyon mo."

I faced him as I snaked my arms around his neck, he also held my waist. "Masyadong malupit sa atin ang tadhana. Napa-isip tuloy ako na hindi ituloy ang nasimulan nating pag-iibigan."

He cupped my face and he look at me sincerely. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na huwag mong alalahanin ang mga sinasabi ng ibang tao sa'tin. Hayaan mo sila kung anong gusto nilang sabihin sa atin... Ang mahalaga ay tayong dalawa." A warm nervous feeling fills my heart as a result of the words he omitted.

I held his wrist. And he slowly brought his face closer to mine.

I was taken aback when I heard my brother yell. And I gave him a stern look. He was just next to my seat. "Ano ba problema mo, Chan?!"

"Wow! Coming from you, kuya. Kanina ka pa diyan at hindi mo pa nauubos ang pagkain mo."

"Ah... Eh..."

"Baka nakakalimutan mo kuya na may trabaho ka pa."

"Wow! 'Tay, ikaw ba 'yan?"

He heavily sighed and he crossed his arms. "Nagdi-daydream ka na naman sa crush mo na security guard dito sa subdivision noh?"

At heto na naman po kami. Umagang-umaga nagbabangayan ng kapatid kong ito. Ampunin niyo nalang po ito, please lang.

"Ano bang pakielam mo kung crush ko siya?" I let my tongue at nagpatuloy ulit ako sa pag kain.

"Ano nga name niya?"

"Soju."

"Soju, diba alak yun? Yung kulay green pa nga ang kulay nang bote niyon eh, noh?" Tumango-tango lang ako habang ngumuya ng pagkain. "Sa dinami-rami ng tao dito sa subdivision na tinitirhan natin, bakit siya pa?"

"Pwede ba, Chan tumahimik ka? Eh, gusto ko siya eh, bakit ba? Wala ka ng pakielam dun."

"Tinatanong lang naman kita ah. Bahala ka nga diyan." Saka siya umalis sa stool ng island counter. At pinagpatuloy ko nalang ang paglantak sa breakfast ko.

Speaking of Soju. Ewan ko ba kung bakit gusto ko siya. Well, aside sa may itsura siya mabait rin siya. Yun lang ang masasabi ko sa kaniya. Basta hindi ko talaga alam, like I just like him—so much. Hindi naman siguro required na dapat may gusto ka sa isang tao ay may rason, di'ba?

"KUYA, PUPUNTA KA BA SA SCHOOL NGAYON?!" Pasigaw na tanong ni Chan mula sa living room.

"Malamang Chan. Teacher ako eh. Gamitin mo nga yang utak mo. First year college ka na, jusko!" Sabi ko at inubos ko na ang pagkain ko at hinugasan ko sa sink yung plato na pinagkainan namin ni Chan. Grabe talaga 'tong batang 'to, hindi nalang hinugasan ang plato at baso na ginamit niya. Pagkatapos kong maghugas ay umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis na.

Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxBWhere stories live. Discover now