Chapter 13: Fear

54 16 0
                                    

Chapter 13: Fear

S H U N

Hindi ko lubos akalain na ganun pala ang nangyari kay Soju. He is a happy-go-lucky person and yet he had a traumatic experience in the past, that doesn't deserve to happen to him.

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kaniya saka ko hinaplos ang makinis at gwapo niyang mukha. "Soju..." He looked at me flatly. "Why are you so handsome?"

He just chuckled at me, "Well, I don't know either."

I smiled to him kaya kinuha ko na ang kamay ko sa mukha niya. "Anong oras out mo mamaya?"

"Gabi na, mga seven na, bakit?"

"Tanong ko lang, kasi may ipapakilala ako sa'yo eh," mahinahon na sagot ko sa tanong niya.

"Eh ngayon nalang kaya."

"Hindi. Bukas nalang, kasi day-off mo naman eh. Sunday bukas, remember?"

"Oh... Ok," I smiled to him. "Magbihis ka na, Soju. May trabaho ka pa."

"Hmm." He just hummed as an answer.

"Dito ka nalang din mag breakfast. Magluluto ako ng agahan natin, anong ulam gusto mo?"

"Well... Kahit ano, basta ulam. Pero mas prefer ko talaga ikaw." Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Sira ka. Hindi ako pagkain." Tumawa lang siya.

Tumayo na ako at kinuha sa sahig ang underwear at sinuot ito pati na rin ang shorts ko saka ako lumabas ng kwarto at pumunta na sa kitchen area para magsaing at makapagluto na ng agahan namin.

Habang busy ako sa pagluluto ng sunny side up egg ay nagulat ako dahil bigla nalang may taong nagsalita sa likuran ko.

"Ba't ka walang suot na pang-itaas?"

"Potragis ka, Soju. Nakakagulat ka naman. Kita mong nagluluto ako eh," sabi ko habang nakatuon pa rin ang pansin sa itlog na niluluto ko.

"Ay. sorry, love."

Hinango ko na ang itlog sa pan at nilagay ito sa plato.

"Ano itong narinig kong love? Sino si love, kuya Soj?"

Bigla nalang yumakap sa likod ko si Soju. "Sino si love? Edi, si kuya mo."

Dahil dun ay bigla akong nanigas at napatingin nalang ako kay Chan na gulong-gulo ang buhok habang nakaupo sa stool ng island counter, halatang bagong gising ito.

Matagal siguro siyang natulog, nanood ata ito ng movie sa netflix eh. Lalo na't may pagkain akong dala kagabi edi mas lalong gaganahan siyang manood ng movie.

"Bakit love, kuya? Andami kayang cute japanese endearment."

"Oh? Anong konek?"

"Kuya, owmaygad. May lahi tayong hapon kaya—"

"Tumigil ka na nga diyan. Ikaw na magluto dito."

"Ay, ano ba yan. Inaantok pa ako eh."

"Ikaw na magluto nitong tocino at hotdog."

Kumalas sa pagkakayakap sakin si Soju at pareho kaming umupo na sa island counter.

"Magluto ka na para i-reto kita sa isa sa mga estudyante ko para magamit yang cute japanese endearment na nasa isip mo." Naiinis talaga ako kay Chan minsan kasi kailangan talaga may kapalit ang serbisyo niya. Hay naku.

"Ako na kukuha ng mga plato at kubyertos," ani Soju at dali-daling tumayo.

"Ang aga mo ata ngayon, kuya Soju," ani Chan na busy sa pagluto ng tocino.

Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxBDonde viven las historias. Descúbrelo ahora