Chapter 5: Birthday

90 19 0
                                    

Chapter 5: Birthday

S H U N

Nang makaalis si Soju, dali-dali akong pumasok sa loob para puntahan ulit ang magaling kong kapatid.

Nakatihaya itong natutulog at pawisan. Jusko. Kumuha ako ng damit sa cabinet niya para mabihisan ko siya.

"Ikaw bata ka. Plano mo ba akong ibuko kay Soju? Ha?" I said as I took off his clothes. "Totoo naman na gusto ko siya, pero pwede ba? Tigil-tigilan mo yang pagka matabil ng bibig mo? Naiistress ako sa'yo Chan sa totoo lang." Sinuotan ko na siya ng damit. "Plano ko naman sabihin sa kaniya kaya lang... Nag-iintay ako ng magandang tiempo. Kaya mag intay ka lang diyan. Wag ka masyadong excited."

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto ni Chan. "Grabe ka talagang bata ka, andaming kalat sa kwarto mo! Yung mga damit mo kung saan-saan mo lang nilalagay." Umalis ako sa kama at kinuha ko sa sahig ang mga damit at nilagay ko ito sa laundry basket niya.

"College kana Chan pero para ka pa ring bata. Piniperwisyo mo talaga akong bata ka." Nakapameywang akong nakatingin sa kaniya habang nakatihayang natutulog. "Lagot ka talaga sakin bukas. Hindi kita bibigyan ng allowance tandaan mo yan."

Lumabas na ako sa kwarto niya at pumasok naman na ako sa kwarto ko para tapusin ang lesson plan ko. Parang hindi lasing si Shun.

Kinaumagahan maaga akong nagising. Trabaho na naman. Nakaka stress talaga maging teacher, you need to be an efficient. A good teacher foresees difficulties with children, parents, administration, and other teachers and has a plan in place to deal with them before they occur. That's why effeciency is important.

Nagluto agad ako ng pang agahan namin ni Chan. Habang busy ako sa pag prito ng hotdog ay napansin ko si Chan na papalapit siya sa stool ng island counter na magulo ang buhok.

"Buti naman at nagising ka pa." Panimula ko.

He heavily sighed. "Paano tayo nakauwi kagabi, kuya?"

Hinango ko na sa pan ang hotdog at nilagay ko ito sa plato saka ko ito nilagay sa counter top. "Inalalayan ako ni Soju para buhatin kang bata. Alam mo naman na madali ka lang malasing uminom ka pa rin."

Napakamot siya ng ulo niya at humikab siya. "Ansakit ng ulo ko." He said and he pressed his forehead on the island counter.

"Alam mo bang pinahiya mo'ko gabi kay Soju? Sinabi mo sa kaniya na gusto ko siya at buti nalang hindi siya kombinsido."

"Nakakahiya!" Pasigaw na tugon niya habang ang noo niya nasa island counter pa rin.

"Hay nako, sa susunod hindi na kita papainomin. Ipapahamak mo pa ako eh. Tsaka, wag ka na muna pumasok sa school ngayon, bukas na nalang. Ako na bahala sa mga teachers mo. Magpahinga ka muna at uminom ka ng gamot para sa hang-over."

"Hindi pwede, malapit na final exams."

"It's twoo weeks from now. Hello? Malayo-layo pa yun, may time ka pang mag-review at mag comply ng mga requirements mo."

"Ansakit talaga ng ulo ko, kuya."

Lesson learned. Wag papainomin ang kapatid mong mahina ang tolerance sa alak.

S O J U


"Two hundred fifty pesos lahat, kuya pogi." Ani nung cashier dito sa 7-Eleven na malapit lang sa subdivision. Binigyan ko siya ng tatlong one-hundred peso bill at sinuklian naman niya ako ng fifty peso bill at kinuha ko na sa counter yung pinamili kong chichirya at softdrinks.

"Ba't andami mong biniling chichirya, kuya pogi?"

"Wala akong trabaho ngayong araw kaya magmo-movie marathon ako ngayon." Sagot ko sa kaniya.

Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon